Chapter 12

5.7K 151 0
                                    


That night, I curled up in bed and snuggled next to Alex. Agad naman niya akong niyakap. Ramdam niya agad kapag may something wrong.

"What is it? Something happened?" Mahinang tanong niya against my ear while hugging me from the back. I feel like a vulnerable chick, seeking solace on his warmth.

"Kunting mali lang. Kunting kapalpakan. Nakaka-stress..."

It's a lie. Well, half lie. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang nangyari kanina. Siguradong hindi niya magugustuhan. Pero hanggang kailan ko ba kayang sarilinin 'to?

His hug never failed to comfort me. Hindi nagtagal ay nakatulog na ako. Dinalaw nga lang ako ng isang hindi magandang panaginip...

Sa panaginip ko, nakita ko si Ven na masayang naglalaro sa swing sa isang malawak na playground. Nag-iisa lang siya, walang ibang mga bata sa paligid. Pinapanood ko lang siya, hanggang sa may lalaking lumapit sa kanya at kinausap siya. Nang tingnan kong mabuti, si Jeff ang lalaking 'yon.

Nagtaka ako kung bakit nilapitan ni Jeff ang anak ko. Pero mas lalo akong nagtaka nang bigla niyang kargahin si Ven at lumakad na palayo.

"Jeff! Sandali! Saan mo dadalhin ang anak ko?" Sumigaw ako, pero nilingon lang niya ako at nginitian. Si Ven, kumaway lang sa akin.

"Bye Mommy!" Sabi pa ng anak ko.

"No! Ibalik mo sa akin ang anak ko!" Sinubukan kong humabol. Tumakbo na ako para abutan ko sila pero kahit anong takbo ang gawin ko lalo pa silang lumalayo, kahit na nga naglalakad lang naman ng matiwasay si Jeff.

"Ven! Anak!" Tinawag ko ang anak kong karga-karga pa rin ni Jeff. Lumingon lang siya sa akin at ngumiti sabay kumaway ng pamamaalam.

"Noooo!!!"

"Vanessa! Vanessa! Umuungol ka."

Namulatan ko ang nag-aalalang mukha ni Alex. Tuliro, hindi agad rumehistro sa isip ko kung nasaan ako. Ang alam ko lang, ang malakas na kabog ng dibdib ko at ang matinding takot na baka mawala ang anak ko sa akin.

"Si Venus!" Agad akong bumangon sa kama at patakbong tinungo ang kabilang kwarto. Tiningnan ko kung naroon pa siya.

Mabuti na lang at hindi naman nagising si Ven kahit na pabigla ang pagbukas ko ng pinto. Mahimbing pa rin siyang natutulog habang yakap-yakap ang malaking Hello Kitty pillow na niregalo ko sa kanya last birthday niya. Nakahinga ako ng malalim at biglang nanghina nang makita kong safe pa ring natutulog ang anak ko sa kwarto niya.

God, I was being a paranoid. It was just a dream. Pero bakit ako nanaginip ng gano'n? Babala ba 'yon?

Naramdaman ko ang pagdantay ng kamay ni Alex sa balikat ko. Marahan akong umikot paharap sa kanya at sumubsob sa dibdib niya. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga.

"Nightmare?" Tanong niya sa mahinang boses. Ayaw din niyang magising ang bata.

Tumango lang ako.

"Tungkol kay Ven?" He gently stroke my hair.

Tango pa rin ang isinagot ko. He kissed my hair. Then he slowly closed the door. I was leaning on him all the way back to our room. He tried to ask me about the dream pero hindi na ako nagkuwento. Hindi na rin siya nagpilit. Ayokong sabihin sa kanya, baka kung saan na naman mapunta ang usapan. I just have to forget about the dream. Siguro, ito na ang bunga ng kakaisip ko tungkol sa posibilidad na si Jeff ang ama ni Ven. Maybe it's really a warning. A warning na kapag nalaman ni Jeff na may anak kami, kukunin nito ang bata.

.

.

.

Parang nagkataon naman, isang linggong hindi nagpakita si Michael sa cafe. Noong una, hindi ako mapakali. I still feel like I want to ask him for more details. I feel like there's still a lot of things he can tell me. After a while, unti-unti na rin akong nakapagrelax . Naisip ko, mainam na ring hindi na kami magkita. Lalo lang akong naguguluhan sa mga rebelasyon niya.

It was some time next week nang muli siyang magpakita sa cafe. At kahit na sinabi ko nga sa sarili kong mas magandang hindi na kami magkausap, I still felt relieved nang makita ko siya.

'Yon pala, magpapaalam na rin siya...

"I'm getting married!" Nakangiting balita niya sa akin.

Nagulat ako. Is he treating me like a friend already?

"Congratulations!" Ngumiti na rin ako nang makabawi sa pagkagulat.

"Thanks! She's the woman who actually broke my heart that night. The one who rejected me. Ang dahilan kaya tayo nagkita sa bar," napayuko siya, pero kitang-kita pa rin ang amusement sa mga mata niya.

"Oh? Nagkita kayo ulit?"

"Yeah! Nagkabanggaan kami sa mall last weekend. Nilibre ko siya ng snacks as an apology, and we talked. Nalaman ko, naghiwalay na pala sila ng boyfriend niya. I stayed with her until late, gala lang kami nang gala. Nang ihatid ko siya sa kanila, we kissed. Then, I asked her to marry me."

"Parang ang bilis naman yata?" Hindi kaya ginagamit lang siya nito?

"I know. I'm prepared for the worse thing that might happen. Basta ang mahalaga sa akin ngayon is, she's giving me a chance to prove my love for her," kakaiba ang kislap sa mga mata niya. Di ko maiwasang matuwa.

"Then, I wish you the best," sincere na wika ko.

"Yeah! Thank you!"

We parted that day na hindi na namin napag-usapan ang tungkol sa "gabing 'yon" kahit kunti. Maybe, it's better that way.

Lumipas pa ang mga araw at unti-unti na ring nawala sa isip ko ang alalahanin tungkol sa panaginip kong 'yon. Siguro nga ay hindi naman mangyayari 'yon. Walang dahilan para mag-alala ako.


Before I knew it, Ven's birthday is fast approaching. Maglilimang taon na siya, nasa kindergarten na. Mag-aanim na taon na mula nang mangyari ang gabing 'yon...

THE NIGHT HE STOLE ITWhere stories live. Discover now