Third Shot

470K 15.7K 11.3K
                                    


Third Shot

WEST.

"West, si Cupid 'to. Puntahan mo ako sa mall. Nagawan ko na ng paraan ang pagpunta mo sa Japan!" masiglang sabi ni Eros—este Cupid mula sa kabilang linya ng telepono. Yes, he insisted na Cupid na lang ang itawag ko sa kanya kesa Eros. Kung bakit, wala akong idea.

Hindi ko alam kung saan siya nakakuha ng cellphone at kung paano niya nalaman ang number ko. Pero kailangan ko pa bang alamin? He's a freakin' Olympian God.

"Kailangan ba talagang pumunta ako dyan? Agad agad?"

"Oo. Dali na! Iniintay kita. Yung travel agency na nasa tapat ng Starbucks, andoon ako."

Bago pa ako makasagot, binabaan na niya agad ako ng telepono.

Buti na lang din at saktong lunch break na ngayon.

Ibinilin ko sa secretary ko na medyo ma-l-late ako ng balik at kung may mga dapat asikasuhin, kay Sasha na lang niya muna sabihin.

Dumiretso naman ako sa mall na sinabi ni Cupid at pinuntahan ang travel agency na sinasabi niya. Nang makarating ako doon, ang lawak nang ngiti ni Cupid.

Hindi ko alam kung anong meron sa ngiti niyang 'yan at kinakabahan ako palagi?

"West! Okay na ang tour mo. Na-book ko na!" masiglang sabi ni Cupid na may kasama pang thumbs up. "Kinuha ko yung same tour ni Jillian. Pati flight kaparehong-kapareho. End of February na ang alis mo."

Napangiti ako, "talaga? Thanks pare," tinapik ko siya sa braso.

"Magbabayad na lang."

"Ah okay."

Lumapit ako doon sa babaeng nasa desk para i-settle ang payment.

"Sir half po ba ang babayaran or full na?" nakangiting tanong niya.

"I-f-full ko na siguro. How much ulit?" tanong ko habang binubunot ang credit card sa wallet ko.

"Php 300,451 sir."

Napahinto ako sa pagkuha ng credit card ko at nilingon ko siya.

"Magkano ulit?!"

"Php 300,451 po sir," ngiting ngiti niyang sabi.

"Ba't ganyang kamahal?!"

Nawala ang ngiti sa labi nung babae at nilingon niya si Cupid na parang takang-taka siya. Si Cupid naman, nginitian ako at nag peace sign ulit.

"Cupid! Ano 'to?!"

"Eh West, mahal talaga yung kinuhang tour ni Jillian eh. Two weeks tour kasi siya sa Japan. Pero included na diyan ang plane ticket."

"At inabot nang mahigit three hundred thousand?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Ah sir, Php100,150.33 po per head," sabi naman nung babae. "Included na rin po diyang ang hotel niyo pati breakfast, lunch and dinner. Kaya po pagdating doon, pasalubong na lang ang gagastusin niyo."

"Eh bakit umabot ng mahigit three hundred thousand?!"

"Ah... syempre binayaran mo ang tour ko at ang tour ni Psyche ko," ngiting-ngiti na sabi ni Cupid.

The Living Arrow (SWSCA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon