Twenty Seventh Shot

241K 8.9K 2.4K
                                    

Twenty Seventh Shot

JILLIAN.


At first, parang halu-halong imahe ang pumasok sa isip ko. Mga imahe na hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin.

And then, it hit me. It hit me hard na para bang bigla na lang tumigil ang hininga ko. Pakiramdam ko nag shut down lahat ng mga senses ko. Feeling ko sasabok ang utak at puso ko.

My head is spinning. My eyes are blurry hanggang sa complete blackness na ang nasa harapan ko.

There's a ringing sound in my ear.

Nanlambot ang mga tuhod ko at napabagsak na lang ako sa sahig.

I covered my ears and then I screamed and I screamed and I screamed until my throat is sore at wala nang lumalabas na boses sa bibig ko.

I cried. Hindi ako halos makakita kaya lahat ng bagay na mahawakan ko ay ibinabato ko.

Ayoko. Ayoko nang maalala. Halo-halong imahe. Lahat ng nangyari.

Mag mula sa unang pagtapak ko sa bahay ni Cupid. Sa pagnanakaw ko ng pana.

Si Ayesha. Si Ana.

God, si Ana. Yung kaibigan ko. Yung babaeng talagang nakatadhana kay West.

She's dead because of Ayesha.

She's dead because of me.

It's my fault. It's all my fault.

And then I remembered West's empty eyes nang tamaan siya ng kapangyarihan ni Ayesha. Then Zyron. God. Zyron.

He offered his life to save West.

In the end, merong kinuha sa amin. Merong namatay. Merong nawala.

At ano? Because I stole that arrow!

It's my fault. It's all my fault.

"Jillian..."

Naramdaman kong may mga kamay na humawak sa akin at niyakap ako.

"Jillian, I'm sorry."

I recognized the voice. Napahiwalay ako bigla sa kanya at tinitigan ko ng diretso si Cupid sa mata.

"Bakit?" halos pabulong kong sabi. "Bakit Cupid?! Bakit mo hinayaan na ako ang maging ligtas ha? Bakit ako ang nandito ngayon?! Bakit hindi si Zyron?! Bakit hindi si Ana?!" napahagulgol ako ng iyak. "Si Ana... wala siyang kamalay malay na kaya hindi siya nakaligtas sa sakit niya ay dahil kay Ayesha. Edi sana ngayon masaya sila ni West."

"Jillian! Ano bang sinasabi mo! May rason kung bakit nangyari ang lahat nang yun. Pull yourself together. Kailangan mong magpakatatag ngayon."

Napapikit ako habang tuloy tuloy ang pagbagsak ng mga luha sa mata ko.

"Dapat hindi ka na nakielam nung nasagasaan ako at namatay. I deserve that."

"Jillian!" hinawakan ni Cupid ang magkabilang braso ko. "Tama na, okay? Tama na. Wag mong isisi sa sarili mo ang lahat ng nangyari. Hindi mo kasalanan ang lahat." Napapikit din si Cupid at nakita ko ang malalim niyang paghinga. "It's my fault too. May mali rin ako. Hindi ko nagawang protektahan kayong lahat. Hindi ko maibabalik ang mga buhay na nawala pero sa pagkakataon na 'to, sisiguraduhin kong wala nang mapapahamak sa inyo."

The Living Arrow (SWSCA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon