Thirty Fifth Shot

226K 8.6K 2.4K
                                    

Dahil ang tagal bago ako nakapag-update, here's a brief recap sa mga nangyari:

- After ng Japan tour, nawala ang alaala ni West dahil kay Zyron at Hades. Kaya ngayon, Jillian is trying her best na mahalin ulit siya ni West in order for her to save him.

- Dumating ang daughter ni Cupid na si Hedone at tumutulong na ito ngayon kina Jillian. Pumasok ito sa work ni Jillian bilang "Ara." 

- May nakilala rin si Jillian na isa pang weirdong lalaki na nagngangalang "Ian." Laging sinasabi ni Ian kay Jillian na wag siyang susuko kahit anong mangyari. Hindi ma-gets ni Jill si Ian, but later on, it was revealed by Hedone that Ian have the "eye." Isa siya sa mga piling mortal na may kapangyarihan na tulad ng sa isang god or goddess. Ang kapangyarihan niya ay nakikita niya kung sino ang nakatadhana para sa isa't isa. Pero hindi niya makita ang nakatadhana para kay Hedone. Hedone introduced herself to Ian as the Goddess of Desire.

- Ang daming manuscripts na ipinaedit ni West kay Jillian na nauwi sa pagkahimatay ni Jillian because of over-fatigue. Unti-unti na ring nagtataka si West bakit sobrang affected niya kay Jillian pero lagi siyang kinokontra ni Zyron.

- Nagising na si Ayesha na ngayon ay nasa guestroom ng condo ni Jillian.

~*~


Thirty Fifth Shot

JILLIAN.

"The bitch is awake," sabi ni Hedone habang nakatingin siya sa pintuan ng guestroom.

"PALABASIN NIYO 'KO!" dinig kong sigaw ni Ayesha habang kinakalampag yung pintuan ng guestroom ko.

"Holy shit!" I cussed. "Kailangan natin si Cupid!"

"Nag padala na ako ng mensahe kay ama. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon o kung natanggap na ba niya ang mensahe ko pero sana dumating na siya agad. Nawawalan na ng bias ang spell na inilagay namin sa pintuan ni Ayesha. Sinubukan kong patungan 'to pero hindi sapat. Malakas siya, Jillian."

"Eh anong gagawin natin?! Mamaya i-murder tayo ng bruhang yan pag nakalabas siya diyan?!"

"Kausapin kaya natin siya ng maayon?"

"MGA HAYOP! HUMANDA KAYO KAPAG NAKALABAS AKO!"

Napa-kunot ang noo ko, "mukha bang makakausap ng matino yang si Ayesha? Tignan mo nga, grabe mag wala sa loob!"

"Malamang mag wawala siya kasi ikinulong natin siya. Isa pa, panigurado gutom na yan. Tagal natulog, eh." sabi ni Hedone.

Kinalampag ulit ni Ayesha at sa tunog ng pag kalampag niya niyo, panigurado nakakuha siya ng pampalo sa pinto.

Shit. Ano kaya ang ipinapang-palo niya?

Yung lamp? Yung bedside table? Yung electric fan? Yung TV?!

Aba! Ang mahal ng bili ko sa mga yan!

"Hedone! Nagsisira na siya ng gamit!!"

"Okay, bubuksan na natin yung pinto."

"H-ha?! E-eh paano nga kung patayin tayo niyan?"

"Feeling ko mas mapapatay niya tayo kung hindi natin siya palalabasin at kusa niyang mabubuksan ang pinto."

Lumapit kami pareho ni Hedone sa guestroom. Siya sa unahan, ako nagtatago sa likod niya. Aba siya ang mauna. Siya nakaisip nito, eh. Isa pa, ako walang kapangyarihan at siya, meron.

The Living Arrow (SWSCA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon