Thirty Seventh Shot

245K 10.2K 4.4K
                                    

Thirty Seventh Shot

AYESHA


Nasaan ka na ba? Bakit ayaw mong magpakita sa akin? Bakit ayaw mo akong makausap?

Napahinga ako nang malalim at pilit kong pinipigilan ang pagbagsak ng luha sa aking mga mata.

Lahat ng lugar na maaring nandoon si Zyron ay pinuntahan ko na. Opisina, bahay, yung mga lugar na madalas niyang puntahan. Pero wala siya doon.

Wala o maaring nandoon pero nagtatago siya sa akin.

Nararamdaman ko ang bakas ng mahika sa bawat lugar na pinupuntahan ko. Patunay na nagpunta doon si Zyron. Patunay na gumagawa siya ng harang sa pagitan naming dalawa upang hindi ko siya makita.

Bakit?

Zyron, gusto kitang tulungan. Magpakita ka sa akin. Nakikiusap ako.

"Hi miss!"

Nagulat ako nang biglang may umakbay sa akin at napalingon ako sa isang lalaking mortal na may mala-demonyong ngiti na nakatingin sa akin.

"Busy ka ba? Gusto mo bang sumama sa amin gumimik?"

Itinuro niya ang mga kasamahan niya. Tatlong lalaki. Pare-pareho ring may mala-demonyong ngiti sa kanilang labi.

Basang basa ko sa kanilang mga isipan ang maduduming bagay na gusto nilang gawin sa akin ngayon. Kitang kita ko sa kanilang mga utak na mas masahol pa sa hayop ang mga mortal na ito.

Napakuyom ako.

Kung hindi lang ako mahina ngayon, kung hindi lang makakaubos ng husto ng aking enerhiya ang pag-gamit ng mahika, u-unti-untiin ko ang paghihirap ng mga mortal na 'to hanggang sa tuluyan silang malagutan ng hininga. Pasisigawin ko sila at paiiyakin at paulit ulit na pagbabayarin sa mga bagay na pinag-iisip nila sa akin.

Pero hindi ko pwedeng aksayahin ang lakas ko sa mga walang kwentang bagay. Marami pa akong dapat gawin. Kailangan ko pa siyang hanapin.

Nginitan ko sila. Isang matamis na ngiti na mas nagpatindi sa pagnanasa ng apat na lalaking nasa harapan ko.

"Saan naman tayo pupunta?"

Mas humigpit ang pagkaka-akbay sa akin ng isa nilang kasama at amoy na amoy ko alak sa hininga nito.

"Sa langit," bulong niya at nagtawanan silang lahat.

Walang sabi-sabi ay hinatak nila ako papunta sa isang parking lot. Hindi ako nagpumiglas at tahimik lang ako na sumama sa kanila. Nakangiti. Nakikipagtawanan.

Pero sa totoo lang ay naghihintay na lang ako ng pagkakataong madala nila ako sa liblib na lugar. Malayo sa mga mata ng tao.

Sisilaban ko ng buhay ang kaluluwa ng apat na mortal na ito. Sisilaban ko sila hanggang sa abo na lang ang matira sa kanila.

"Sakay na!" sabi nung lalaking naka-akbay sa akin at tinulak ako palapit doon sa isang pulang sasakyan na nasa harapan namin.

Hindi ako sumakay at hinarap ko sila. Naramdaman ko ang pag init ng palad ko. Naramdaman ko ang bola ng mahika na unti-unting namumuo rito.

The Living Arrow (SWSCA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon