Final Shot (Epilogue)

412K 15.2K 10.2K
                                    

Final Shot

(Epilogue)

JILLIAN.

January 2017


"Shit ayokong ma-late!" bulalas ko habang nakatingin sa orasan ko sa phone. It's already 8:30 in the morning. First day ko sa trabaho at gusto kong pumasok ng maaga. Pero hindi ko naman aakalain na ganitong kantinding traffic ang aabutan ko.

Usually from my condo papunta sa office, mga 30 minutes drive lang. Ngayon, halos isang oras na ang nakakalipas, ni hindi pa ako nakakalayo sa condo ko. Anong oras na ako makakarating sa opisina? Gusto ko pa naman agahan ang dating para ipakita sa boss ko na on time na ako ngayon! Gusto kong ipakita kay West Martinez na hindi na ako na-l-late para naman hindi niya pagsisihan ang pag-hi-hire niya ulit sa akin.

Kaso mukhang malabo atang mangyari yun. First day na first day ko, late ako.

Nakakainis naman. Kung kelan naman gusto ko nang mag bagong buhay atsaka pa magiging kontrabida 'tong traffic na 'to.

"Kuya, wala po bang ibang way?" tanong ko doon sa uber driver ng kotseng nasakyan ko.

"Naku ma'am, ito nap o ang pinaka-madaling daan. Rush hour po kasi kaya sobrang traffic."

Napa-buntong hininga na lang ako.

Makarating man lang sana ako kahit 9:30 sa opisina. At least maaga pa rin ng 30 minutes.

Yun lang, para kay West Martinez, pag 30 minutes early kang dumating sa opisina, ibig sabihin, you're just on time. Pag on time kang dumating, ibig sabihin ay late ka na.

Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ganyang klaseng thinking. Siguro nung ipinapanganak siya ng nanay niya eh nagmamadali rin yun kaya lagi siyang nag mamadali.

Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotseng sinasakyan ko. Puro kotse, bus at jeep ang nakikita ko. Ang daming bumubusina. Siguro marami nang nabubugnot na drivers. Feeling nila ikaluluwag ng daan ang pagbubusina nila.

Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko.

Biglang pumasok sa isipan ko ang itsura ni West nung interviewhin niya ako.

Sobrang gumwapo siya kaya lang masungit pa rin. After nung interview, sabi niya i-email niya na lang ako doon sa result at nung panahon na yun, akala ko hindi na niya ako tatanggapin sa trabaho. Kaya naman dire-diretso akong lumabas sa opisina niya.

Then he found me crying sa loob ng elevator. At inabutan niya ako nang panyo. He told me I'm hired. Sa sobrang saya ko, napatalon ako at napayakap sa kanya.

My heart skipped a beat nang maalala ko yung eksena namin na yun. Nung yakapin ko siya. When he awkwardly hugged me back at naramdaman ko ang palad niya sa likuran ko.

Then he told me he missed me.

Shit, ba't ko nararamdaman 'to? Bakit ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko dumoble ang kaba ko.

I missed him too. So damn much.

Umiling ako.

Ano ba! Ano ba 'tong pumapasok sa isip ko?! I miss West? Yung boss kong masungit, namimiss ko? Seryoso ba ako?!

The Living Arrow (SWSCA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon