Fourth Shot

384K 13.8K 11.4K
                                    

Fourth Shot

JILLIAN.


"Ate Jill ah? Mag-iingat ka doon. Susulat ka. Magpapadala ako sa'yo ng size ng paa ko," pagbibiro ng half-brother kong si Andrei.

Hinampas ko nga ng mahina sa braso.

"Two weeks lang akong mawawala! At hindi kita bibilhan ng sapatos!"

"Mamimiss kita! Wala nang taga-prito ng hotdog at bacon pag almusal! Matakaw pa naman si Andrew!"

Natatawa na lang ako habang iiling-iling sa kapatid kong 'to.

Si Andrei – second year college – ay panganay na anak ni daddy kay Tita Sally, yung second wife niya. Si Andrew naman yung bunso, na ngayon eh third year highschool na.

Parehong maloko ang magkapatid na 'yan. Pero kahit ganyan ang mga 'yan, madali ko silang nakasundo nang mag decide akong tumira na kasama si daddy. Pinaramdam agad nila sa akin na welcome ako sa pamilya nila kaya naman sobrang nagpapasalamat ako. Ang saya pala ng pakiramdam ng may kapatid---kahit minsan ang sakit nila sa ulo.

Pinag-drive ako ngayon ni Andrei sa NAIA dahil flight ko papuntang Japan. I booked a 12 days trip to Japan and yes, mag-isa lang ako na lilipad. Busy si daddy at mommy (Tita Sally). Sina Andrew at Andrei naman, parehong may pupuntahang summer camp.

At ako? Kailangan ko ng inspiration. Dahil wala nga akong trabaho ngayon, plano kong sumulat ng nobela since isa yun sa pangarap ko noon. Dapat sa Baguio lang ako pupunta. Pero itong si daddy gustong bumawi sa akin kaya sinagot niya ang trip to Japan ko.

Kahit mag-isa lang ako, excited pa rin ako. Ilang beses na rin naman akong nakapag-travel mag-isa at naenjoy ko yun.

"Ate, uwian mo ako ah?" sabi ni Andrei habang tinutulungan niya ako sa maleta ko.

"Ano ba gusto mong uwi?"

"Paki uwi ang Mt. Fuji."

"Hay naku Andrew, ang tino mo talagang kausap."

"Ganun talaga pag pogi!"

He kissed the top of my head at nag paalam na sa akin.

Since maaga akong nakarating sa airport, maaga rin akong natapos sa pag ch-check-in. I decided to stay sa coffee shop muna bago pumunta sa waiting area.

Doon sa katapat kong table, may isang lalaking nakaupo at naka-headset doon habang nag h-headbang. Mukhang aliw na aliw sa pinapakinggan niyang kanta. With feelings pa ang pag headbang eh.

Ang gwapo niya. As in sobrang gwapo. Kaya lang mukhang sira-ulo.

"Mr. Kupidoooo ako naman'y tulungan mo..."

Yes, kumakanta na yung gwapong baliw sa tapat ko. Nakapikit pa siya. With feelings talaga.

"Ba't hindi panain ang kanyang damdamin at nang ako ay mapansiiiiinnnn~"

Oh, pumiyok pa.

Idinilat nung gwapong baliw ang mata niya at nagtama ang tingin namin. He grinned at me sabay kindat.

The fuck?

"Mahal! Ito na ang kape natin!" dinig kong sabi ng isang babae at lumapit siya doon sa lalaking gwapong baliw.

The Living Arrow (SWSCA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon