Thirty Sixth Shot

230K 9.2K 2.1K
                                    


Thirty Sixth Shot

JILLIAN

"Jillian, gumising ka. Jillian!"

Naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko. Unti-unti kong iminulat ang mata ko at agad na bumungad sa akin ang mukha ni...

"Cupid?!"

Napabangon ako bigla at ramdam ko ang pag sakit ng ulo ko. Agad akong nahawak sa noo ko.

"Shit, ang sakit!"

"Lasinggera! Tignan mo kung nasaan ka ngayon!"

Inikot ko ang paningin ko.

Malinis na kwarto. Navy blue walls na may mga posters ng Marvel at Lord of the Rings. May flatscreen TV sa tapat ko. May maliit na dresser. Merong study table na may patong patong pero organized na libro at sa gitna nito ay may laptop. Sa gilid ko, may bookshelf na may lamang mga libro.

I've been here before.

SHIT. SHIT. SHIT!

Napatingin ako sa suot kong damit. Yung pink lingerie ko na iniregalo sa akin dati nung pervert kong kaklase pero never kong nagamit. Pero sa ibabaw ng lingerie ko ay may nakapatong na white longsleeves na polo.

"Cupid, panaginip lang 'to."

Pinitik ako ni Cupid sa noo.

"Aray naman!"

"Masakit? Oh edi hindi ka nananaginip!"

Can I just die? Maghihintay pa ba ako ng ilang buwan para masagasaan at mamatay? Ngayon pa lang hihiga na ako sa gitna ng highway para magpasagasa.

"Cupid!! Tara na! Uwi na tayo! Mag teleport na tayo hangga't wala pa si West!"

"Hindi pwede. Alam niyang nandito ka at nandoon siya ngayon sa labas at naghahanda ng pagkain. Kung lalabas ka, makikita ka niya agad. Kaya wala kang lusot para tumakas. Face the consequence of your action."

"Pero kasi---!!"

"Listen, Jillian. Kapalan mo na mukha mo. I-grab mo na ang opportunity na 'to para ma-solo si West!"

Napatango ako. Kung sabagay, opportunity nga 'to. Kahit pa sobrang hiyang hiyang hiya ako ngayon.

Hindi ko maalala mga pinagsasasabi ko kagabi. Jusko naman! Tinangka ko na naman bang maghubad sa harapan niya?!

"And Jillian....s-si Ayesha..."

"Bakit? Anong meron kay Ayesha?"

Sumeryoso ang expression sa mukha ni Cupid.

"Tumakas siya kagabi at hindi ko alam kung saan siya nagpunta."

Napapikit ako.

Shit.

Ano ba 'to, Ayesha? Sana wag siyang gumawa ng mga padalos dalos na bagay na maaring mas makapagpahamak sa amin.

"Pero wag kang mag-alala, hahanapin ko siya ngayon."

Tanging tango na lamang ang naisagot ko.

Nakarinig kami ng mga yapak papalapit at nagkatinginan kami ni Cupid.

"Kailangan ko nang umalis. Seduce him well!" at bago ko pa siya masapak, nag disappear na siya sa harap ko.

The Living Arrow (SWSCA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon