Fortieth Shot

212K 9K 2.8K
                                    


Fortieth Shot

JILLIAN.

"Papatayin kita."

"W-West, no!!"

Tumakbo ako palayo kay West habang sunod sunod ang pagpatak ng luha sa mga matako.

No. This isn't happening. Please tell me, hindi totoo 'to. Nananaginip lang ako. Please. Hindi si West ang humahabol sa akin kundi ibang tao.

Lumiko ako sa kanang bahagi ng maze at mukhang na-iwala ko siya dahil nakita ko ang pagliko niya sa kaliwa.

Napa-upo ako. Nanginginig ang tuhod ko. Ramdam ko ang hapdi ng kanang braso ko gawa ng dumaplis na patalim dito.

Itinakip ko ang kamay ko sa bibig ko dahil rinig na rinig ang pag-hinga ko.

Bakit si West? Bakit siya pa?

"Jillian.. nasaan ka?" tawag niya sa akin sabay tawa ng malakas. "Kailangan mo ang susi, 'di ba? Ibibigay ko naman sa'yo 'to pag napatay na kita kaya lumabas ka na diyan."

Napapikit ako habang pilit na pinapakalma ang sarili ko.

Bakit ginagawa nila sa amin 'to? Paano ko malulusutan 'to?

Handa akong isakripisyo ang buhay ko.

Handa na nga akong pumatay ng kahit na sinong iharap sa akin ni Zyron kung kapalit naman nun ay titigilan na nila kami ni West.

Pero bakit sa lahat ng taong ihaharap niya sa akin eh yung taong alam niyang hinding hindi ko magagawang saktan?

Narinig ko ang mga yapak ni West na papalapit sa kinalulugaran ko kaya napatayo ako at dali-dali akong umalis sa kinalulugaran ko.

Kaya lang pagliko ko ay dalawang mga kamay ang sumalubong sa akin at humawak balikat ko.

I screamed.

Nakita ko ang nakangiting mukha ni West at pagtaas ng patalim sa kamay niya.

"Hi Jillian..."

"West!"

Tinulak ko siya ng malakas at sinipa ko siya sa hita na naging dahilan para ma-outbalance siya at matumba. Tumakbo ako palayo sa kanya pero nahawakan niya ang kaliwang paa ko at hinila ako papalapait sa kanya kaya ako naman ang bumagsak sa sahig.

There's a shot of pain on my knees as it hits the grounds. Ramdam ko ang hapdi ng hita at mga balikat ko ng kaladkarin niya ako papalapit sa akin.

Puma-ibabaw sa akin si West at itinaas ang mga kamay ko sa may ulunan ko habang mahigpit niyang hawak hawak ang mga ito sa kanang kamay niya. Ang kaliwang kamay naman niya ay hawak hawak ang patalim na itinutok niya sa leeg ko.

"Bakit ka umiiwas sa akin? Akala ko ba mahal mo 'ko?" nakangiti niyang sabi. "Mahal din naman kita kaya wag kang mag-alala, mabilis lang 'to."

"W-West.. please.. please.." iyak ko sa kanya.

He is smiling at me na para bang ang saya saya niya sa nakikita niya. Ang saya niyang nakikita akong ganito.

Naramdaman ko ang dulo ng patalim sa may leeg ko na bahagyang dumaplis sa balat ko. Mahapdi. Naramdaman ko ang dugong tumutulo sa leeg ko.

The Living Arrow (SWSCA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon