Thirty Fourth Shot

280K 9.5K 2.5K
                                    


Thirty Fourth Shot

JILLIAN.

"He's not West anymore," sabi ko kay Hedone nang puntahan niya ako sa ospital kung saan ako dinala.

Nagising ako kanina na takang taka kung ano ang ginagawa ko sa ospital na 'to. And then I remember talking to West. Pati na ang mga masasakit na salitang binitiwan niya. I remember his cold eyes staring at me. Yung walang pagmamahal. Ang sakit.

Naalala ko ang pagkahilo ko at malang, nag black out ako.

Sinalo ba niya ako o hinayaang matumba?

Then I woke up and saw a note and a huge cash on my bedside table. Sabi doon sa note, wag ko na lang ipagkakalat na nawalan ako nang malay because of work and in return, he gave me twenty thousand pesos.

Sino ang nagiwan ng note at ng pera? Si West.

Ang sakit. Gusto kong maiyak.

Hindi siya si West. Dahil hindi gagawin ni West sa akin yun. Dahil si West, mag aalala sa akin. Si West hindi hahayaan na mangyari sa akin 'to. Hindi niya ako sasaktan at pahihirapan nang ganito.

Hindi siya ang West ko.

Lumapit sa akin si Hedone and she pull me near her.

"Jillian.."

Umiling ako at pilit kong pinipigilan ang luha sa mga mata ko.

"I don't know kung saan nila dinala o ano ang ginawa nila kay West. Pero yung taong yun? He's not West. He's not him. Hindi siya ganung kasamang tao."

Naramdaman ko ang pag buntong hininga ni Hedone.

"He's West at kahit ano pa ang pinapakita niya ngayon, siya pa rin yun, Jillian."

"No. No.. How am I supposed to accept that?! He's not West!"

"Jillian," ipinatong ni Hedone ang mga kamay niya sa magkabila kong braso at iniharap ako sa kanya. "Listen to me. West needs you. Hindi ka pwedeng panghinaan nang loob. Alam kong nasasaktan ka na. Alam ko na ang hirap para sa'yo na makita si West na sinasaktan ka. Pero si West pa rin yun. Lagi mong tatandaan na hindi rin niya nagugustuhan ang ginagawa niya sa'yo. Na somewhere, deep down, umiiyak at nasasaktan siya dahil sinasaktan ka niya. That's why you need to set him free."

"Hindi ko alam kung paano ko palalakasin ang loob ko, Hedone. Ang hirap hirap naman."

Muli akong inakbayan ni Hedone.

"Kada panghihinaan ka nang loob, lagi mong tatandaan kung gaano ka kamahal ni West. Lagi mong tatandaan yung mga ginawa niya para sa'yo. Sabi ni ama, sinalo ni West ang ball of light ni Ayesha na dapat tatama sa'yo. He's willing to risk his life to protect you. At ginawa niya ulit yun sa pangalawang pagkakataon," itinuro ni Hedone ang compass necklace na nakasabit sa leeg ko. "Ibinigay niya sa'yo ang nagiisang bagay na pwedeng makapag-protect sa kanya dahil para sa kanya, mas mabuti pang siya na lang ang mapahamak kesa ikaw. That's why you need to be brave, Jillian. Yung love mo sa kanya, yun ang panghawakan mo."

Tumango ako habang pinununasan ko ang luha sa pisngi ko.

She's right. Now is not the time para panghinaan ako nang loob.

I need to be brave for him. I need to save him

Kahit gaano man kahirap o kasakit. Kailangan kong itatak sa isip ko kung gaano niya ako kamahal at kaya niya lang nagagawa yun ay dahil kinokontrol siya.

The Living Arrow (SWSCA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon