Thirty Ninth Shot

226K 8.8K 2.2K
                                    

Thirty Ninth Shot

JILLIAN.

"West... West..."

Nanginginig ang kamay ko habang binabasa ang nakasulat sa isang itim na papel: "Seek for me and you will find him."

Hindi ko na kailangan pang alamin kung sino ang kumuha sa kanya dahil kilala ko na agad kung sino ito.

Si Zyron.

Ano pa bang gusto niyang mangyari?! Bakit niya ginagawa ang mga bagay na 'to?!

Kanina lang, ang saya saya namin ni West.

Inantay niya akong makauwi from work. Sabay kaming nag dinner dalawa. Inihatid pa niya ako dito sa bahay.

Oo, alam ko na hindi pa siya nakakaalala pero at least naalala na ako ng puso niya. At least nagbalik na yung love niya para sa akin.

Kanina, buo na ang loob ko. Kahit hindi makaalala si West, okay lang. Basta nandito na siya sa tabi ko. Basta lubayan na nila kami.

Pero hindi pala ganoon kadali iyon.

Nakita ko kanina kung paano siya unti-unting nawala sa harapan ko hanggang sa itong itim na papel na lamang na 'to ang naiwan sa pwesto niya.

Hindi pa tapos. Hindi sila magpapatalo. Hindi pwedeng hayaan na lang nila kami ng ganito.

Nakakainis na wala man lang akong nagawa kundi ang titigan siya hanggang sa maglaho siya na parang bula.

Ano pang silbi ng pagiging part Godess ko kung napaka-walang kwenta ko naman? Kung hindi ko siya magawang iligtas?

"Jillian..." naramdaman ko ang pagyakap ni Hedone sa akin.

Kanina pa sila nandito sa tabi ko at paulit ulit akong tinatanong kung ano ang nangyari. Tanging hagulgol lang ang na-isagot ko sa kanila habang ipinapakita ang hawak kong papel.

Kita ko sa mga mukha nila na hindi rin nila alam kung paano ako matutulungan.

Gusto ko nang sumuko.

"Jillian!" lumapit si Ian sa akin at napaluhod sa harapan ko. "J-Jillian, y-yung tadhanang nagduduktong sa inyo ni West...n-napuputol na..."

Napapikit ako. Nanginginig ang buong katawan ko.

Malapit na akong bumitiw.

Hinila ni Hedone si Ian palayo sa akin.

"Not now, Ian!" she hissed.

"P-pero kasi---!"

"Anong nangyari?!"

Pare-pareho kaming napalingon kay Cupid na kararating pa lang. Napatingin siya sa papel na hawak hawak ko at agad niya itong kinuha mula sa kamay ko.

"Zyron..." bulong ni Cupid nang mabasa niya ang nakasulat sa papel.

Tinignan niya si Ayesha at bigla niya itong hinawakan sa braso.

"Ano ang pingausapan niyo ni Zyron nung nagkita kayo?!"

Hinatak ni Ayesha ang braso niya sa pagkaka-hawak ni Cupid.

The Living Arrow (SWSCA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon