Twenty Ninth Shot

254K 8.8K 2.3K
                                    


Twenty Ninth Shot

JILLIAN.


"Naks! Ayos ang porma natin, ah! Parang bibili lang ng suka sa kanto!" natatawa-tawang sabi ni Cupid.

Inismiran ko siya at naupo ako sa tapat niya.

Tignan mo ang isang 'to, nakikituloy na nga lang, 'di pa ako inantay sa pag-kain nang almusal. At aba naman, ang daming niluto eh kaming dalawa lang ang nandito. May bacon and eggs na, may pancake pa!

"Seryoso kang papasok ka nang naka-t-shirt lang?"

"Eh paki mo ba? Hindi naman kailangan naka-formal sa opisina. Publishing company yun. Kahit ano pwede isuot. Minsan nga kahit si West naka shirt lang kung pumasok kaya wag ka ngang ano!"

"Apo ka ba talaga ni Aphrodite? Hindi ko makita beauty mo, eh."

Inagaw ko yung tinidor na hawak niya.

"Wag kang kakain!"

"Amin na nga 'yan!" inagaw niya sa akin yung tinidor. "Pakainin mo 'ko. Sa akin nakasalalay ang lovelife mo."

Pinanliitan ko siya ng mata.

Parang 'di naman. Kain lang siya nang kain dito.

"Oo nga pala, alam mo nung interview ko, nakita ko si Zyron."

Biglang naging seryoso si Cupid dahil sa sinabi ko.

"Pinansin ka ba niya?"

Tumango ako, "he just congratulated me. Pero alam mo ba, parang may gusto siyang sabihin sa akin. The way he looked at me, parang may kakaiba."

"Hmm...sure ka ba diyan?"

"Ewan. Baka feeling ko lang din yun."

"Basta be extra careful. Pag tingin mo na nakakahalata na siya, sabihan mo ako. Hindi tayo nakaka-siguro kung kakampi ba o kalaban si Zyron. But I am one hundred percent sure na siya ang way ni Hades para ma-brainwash si West."

Napatahimik ako.

Brainwashed.

Oo, dapat lagi kong itatak sa isip ko na kaya ganun si West ay dahil sa may kumokontrol nang iba sa isip niya. Na natatabunan ng galit ang pagmamahal niya sa akin dahil sa kakagawan ni Hades.

Pero hindi talaga yun ang tunay na nararamdaman ni West.

Dapat lagi kong alalahanin kung sino ang totoong West. Yung West na mahal na mahal ako. Yung gagawin ang lahat para sa akin. Yung mismong compass na nagsisilbing proteksyon niya ay ibinigay niya sa akin para hindi ako mapahamak.

Ayun ang totoong West.

And I need to save him.

Bigla kaming napatayo ni Cupid dahil may narinig kaming nabasag sa sala ng condominium.

"Ano yun?!" tanong ko sa kanya.

Dali-dali kaming tumakbo sa sala at doon ay may nakita kaming isang babae na nakayuko sa nabasag na vase.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatabunan ito ng mahaba at itim na itim niyang buhok.

Naka sleeveless blouse ito at short shorts kaya naman kita ko ang mala-porselana niyang kutis.

Inangat niya ang ulo niya at tinignan ko.

"Sorry! Pag teleport ko saktong bumagsak ako sa lamesa!"

The Living Arrow (SWSCA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon