Twenty Fourth Shot

285K 10.4K 3.5K
                                    

Twenty Fourth Shot

JILLIAN.

I'm grounded.

I'm a freakin' 24 year old woman at sa 24 years kong existence, ngayon ko lang naranasan na ma ground.

Wow.

I think I am way to old for that kind of punishment.

Ano, bumabawi ang daddy ko sa ilang taong hindi niya ako nakasama kaya pinaparanas niya sa akin ngayon kung paano ma-grounded ng isang magulang?!

At ang malupit, hindi ko alam kung ano ang ginawa kong mali! He even confiscated my phone like I'm a freakin' rebel teenager!

After he saw me with West, Cupid and Psyche, galit na galit si daddy. Tinanong niya kung saan ko sila nakita. Of course I told him the truth. Well, partly since hindi ako makakuha ng tyempo na sabihin sa kanya na kami na ni West dahil galit na galit siya. Sinabihan pa niya ako na pag nilapitan nila ako, wag ko silang kakausapin.

Mukha bang manyakis si Cupid sa paningin ni daddy at ganun na lang siya maka-react nung nakita niya ito?

"Ate Jill!"

Napabangon ako nang higa at nakita ko si Andrew---yung third year highschool kong step brother—na dire-diretsong pumasok sa kwarto ko.

Hindi uso ang katok sa kanya. Ilang beses na siyang sinabihan pero wala.

Sumampa si Andrew sa kama ko at pinagsiksikan niya ang sarili niya sa tabi ko na kala mo eh isang bata. Samantalang ang tangkad tangkad niya. Halos kasing tangkad na siya ni West. Ipinatong pa niya ang mabigat niyang hita sa hita ko.

"Ano na naman Andrew?"

"Hindi makausap ng matino si Kuya Andrei eh," sabi niya.

Si Andrei yung step brother ko na second year college naman.

"Ano gusto mong gawin ko?"

Ipinakita niya sa akin ang phone niya. Sa screen ay may picture ng life size na mga stuff toys.

"Anong mas okay? Yung panda na stuff toy or yung teddy bear?"

I raised my eyebrow, "para kanino 'to? May nililigawan ka na?! Ikaw ha!"

Natawa siya.

"Para 'yan sa'yo, ate."

"Huh?"

"Kasi ilang araw ka nang nag mumukmok sa kwarto mo, eh. Hindi ka lumalabas."

"Grounded nga ako."

"Pero pwede ka naman lumabas ng kwarto basta wag ka lang lalabas ng bahay."

Ang encouraging ha.

"Eh ate ano ba kasi nagawa mo at ba't ka ginround ni daddy? Tinalo mo pa kami ni kuya. Kaming dalawa sa dinami-rami ng kalokohan namin, hindi kami gina-ground. Pinapagalitan lang tas bawas baon. Eh ikaw kababae mong tao."

"Aba aba!" kinurot ko siya sa tagiliran. "Akala ko nandito ka para i-comfort ako! Tapos pinapagalitan mo rin ako! Eh ni hindi ko nga alam ang kasalanan ko!"

Napatawa nang mahina si Andrew.

"Pero boyfriend mo yung isa doon 'no?"

Napalingon agad ako sa kanya at yung pagkakangiti niya eh parang sinasabi niyang nahuli na niya ako. Siguro ang guilty ng itsura ko ngayon.

The Living Arrow (SWSCA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon