Twelfth Shot

336K 13.3K 4.8K
                                    


Twelfth Shot

JILLIAN.

"Kung anu-ano ang binibili mo. Dapat pag nag t-travel ka, tina-try mo rin ang mga pagkain nila," sabi ni Ryan sa akin habang binibilhan ako ng crepe dito sa Gotemba Premium Outlet.

Parang isang malaking shopping center na pang high class ang lugar na 'to. Paano lahat ng stores dito puro branded lahat at makalulang presyo ang nakikita ko.

Humiwalay ako sa group kahit kina West. Sabi ko gusto kong mag libot mag-isa. Alam kong gusto niya akong samahan pero hindi naman siya kumontra. Hinayaan niya na lang akong mag libot.

Ewan ko ba. Pag nasa mga shopping center ako, mas gusto ko mag-isang namimili. Ayokong may nakabuntot sa akin o may sinasamahan ako. Isa pa, gusto ko talaga ng time alone para makapag isip-isip nang maraming bagay.

Pero habang nasa kalagitnaan ako ng pagiisa ko eh bigla naman sumulpot itong si Ryan at tinanong kung ano ang mga pinamili ko.

May nahanap akong mga t-shirt para sa mga step brothers ko. Pero bukod doon, wala na akong binili. Kaya naman hinatak niya ako doon sa isang crepe stand.

"Here," inabot ni Ryan yung crepe na binili niya sa akin. Strawberry flavor.

Kumagat ako doon sa crepe.

"Shit ang sarap!" sabi ko sa kanya.

He grinned.

"Di ba?"

Tumango ako. "Tama lang ang tamis. Pero god! Ang sarap nung strawberry. Kahit yung whipped cream na ginamit nila sobrang sarap!"

"Right! Kaya pag pumupunta ako sa ibang bansa, kahit yung pinaka common na dessert tinatry ko. You should read my blog. I have a lot of food trip posts."

"Wow. Send mo sa akin yung link, at babasahin ko. Nakalagay rin ba yung ibang mga travels mo doon?"

"Yep!"

I grinned, "so, may picture doon si "almost girlfriend" mo na hindi mo na nakwento kwento ba't almost lang?"

Napangiti siya ng malawak at napakamot sa likod ng ulo niya na para bang nahihiya-hiya.

"Uhmm, yeah, nandoon siya. Pero hulaan mo na lang kung sino siya doon. Pag nahulaan mo, ikukwento ko sa'yo ang aming almost love story."

"Ang daya neto oh!"

Itinuloy ko ang pagkain ng crepe at naramdaman kong dumikit ang tip ng ilong ko doon sa whipped cream. Nang makita naman ito ni Ryan, pinagtawanan niya ako.

"Para kang bata!" sabi niya habang tawa nang tawa.

"Bwiset na 'to!"

Kinapa ko yung bulsa ko at napa-shit na lang ako nang maalala kong di ako nakapag dala ng panyo.

Ang dami kong naiiwan bwiset.

"Ito na," sabi ni Ryan.

Akala ko iaabot niya sa akin ang panyo niya kaya lang nagitla ako nang bigla niyang punasan ang tip ng ilong ko.

"Ayan okay na. Maganda ka na ulit," nakangiti niyang sabi.

Napangiti rin ako, "thanks!"

The Living Arrow (SWSCA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon