Chapter 3. [The Job]

154K 3.1K 161
  • Dedicated kay jonaxx of candymag
                                    

KAYCEE'S POV

Pagkatapos ng klase ko ngayon kay Prof. Lacson, itatry ko ng mag-apply dun sa 20k yung sahod per month. After 3 days kasi, naisip kong wala namang masama kung itry ko yun e. All-around girl lang naman diba? Siguro maglilinis lang sa bahay o kaya magbababy-sit. Sus, okay na yun. Atsaka, student naman ako ng South University, at hindi naman full-time job eto. Part-time lang naman nakalagay diba? 

Habang nilalagay ko yung gamit ko sa locker. Nakita ko si Steffi at si Lianne na nakangiti sakin. "Kaycee! Uuwi ka na? Gala tayo!" Sabi na. Gusto lang gumala nitong mga 'to. 

"Hindi ako pwede e. Baka magkaroon ako ng trabaho."

Lumapit sila sa akin. "Teka, anong trabaho yan?"

"All-around girl daw e."

"WHAAAAT?! Gagawin kang prostitute?! Wag kang pumayag!" Binatukan ko si Steffi sa sinabi niya.

"Adik ka. Hindi ganun. Siguro maglilinis lang ako, bla bla."

"Ah. Akala ko kung ano na. Teka, magkano sweldo mo dyan?"

"Mga 20k daw."

"I VOLUNTEER! Joke. Laki nun, Kaycee. Nako, baka naman masungit ang boss mo kapag ganyan ha?"

"Hindi ko nga alam kung sino e. Atsaka, hindi pa naman ako tanggap sa trabaho noh. Tatawagan ko pa lang mamaya. Kaya kung gagala kayo, pass muna ako. Ingat kayo ha?"

"Sige. Tawagan mo kami kung nakapasok ka ha? Punta lang kaming ATC."

"Yup. Manunuod kasi kami ng Kung Fu Panda 2. Wapoow!" At umalis na sila. Grabe sila ha, Sabagay, Friday ngayon. Bukas wala namang pasok. 

Pumunta ako sa 7Eleven. Meron kasi doon na telephone counter e. 8 pesos per 1 minute sa cellphone calls. Wala naman akong cellphone, paano ko matatawagan yun? 

Dinial ko na yung number at nagsimula nang mag-ring. Putek kinakabahan ako. syempre, sino bang hindi? Yung kakainin ko sa ilang buwan at panggastos na rin ang nakasalalay dito. Kung hindi ako papasa dito, anong trabaho ko?

"Hello? Who is this?" Boses babae. Syet. Boses babae? Baka pag eto boss ko, hindi ako pahirapan!

"Uhm. Hello po. Nakita ko po kasi yung ad niyo sa dyaryo. Kailangan niyo po ng all-around girl, diba? Miski hindi ko alam kung ano ba yung gagawin kapag all-around girl ka, e gusto ko pong pumasok sa trabaho na yun."

Natawa yung babae sa kabilang-linya. "Nako iha, natawa naman ako sayo. Karaniwang ginagawa ng maid yung ganun. Mas sosyal lang pakinggan kapag all-around girl." Ako naman natawa dun sa sinabi niya.

"Ganun po ba? So, paano po ba ako makakapasa sainyo? Qualified po ako. Kailangan ko lang po talaga ng part-time job kasi kung hindi, mahihirapan po ako."

"I'll talk to you first. So, ganito na lang. May gagawin ka ba this day?"

"Wala naman po."

"Go to my house na lang. Mga 5pm. May important business meeting ako kaya mamayang 5pm pa ako makakauwi. I'll see you there. Eto yung address..."Kumuha ako ng papel sa bag ko pati ballpen para masulat ko yun. "Block 12, Lot 8, Greenwood Gardens A, The Residences, M. Boulevard St, Alabang City. Tell them you'll meet Mrs. Cuenca." 

"Sige po. Thank you!" Binaba ko na yung telepono at nagbayad na. 

Pumunta muna ako sa scholars' dorm para magbihis. Nagpants na lang ako at naka-brown t-shirt ako para matino naman yung soot ko. Kumain na rin ako sa may carinderia malapit samin para hindi na ako magutom mamaya.

The Young Master's Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon