Chapter 11. [Drugs]

114K 2.5K 177
                                    

KAYCEE'S POV

Cartolina... check. 

Manila paper... check.

Ballpen... check.

Yung iba pang nasa list... hmm.

CHECK!!! 

"Argh..." napabuntong-hininga na lang ako at sumakay ng bus pauwi sa bahay ng mga Cuenca. I swear... kung pwede ko lang sana itapon 'tong mga pinamili ko sa mukha ni Blake, as in yung super sakto sa mukha niyang pang-halimaw lang?

GINAWA KO NA!

Hayup na lalaking yun. Alam ko... maid niya ako. Personal maid! Pero ang nakakainis, pinagsasabay niya 'tong mga 'to! Yung mga pinabili niya sakin! Babae rin ako uy, tapos imagine. 50 cartolina! At ibang kaek-ekan na di ko nga alam kung kailangan niya talaga eh. Baka mamaya nang-aasar lang yung gunggong na yun! 

Bigat-bigat pa naman neto. Buti na lang nakabackpack ako. Mukhang tanga lang ako sa bus. Nagbayad pa ako para sa pangdawalang tao. Oh diba? Epic fail talaga. 

------------------

CUENCA RESIDENCE

Pagpasok ko, nakita ko kaagad si Blake na nakaupo sa living room nila. Nanunuod ng soccer? Ewan.

"Ehem..." papansin ko. Hindi niya pa ako nakikita eh. Lumingon naman siya at tumaas ang kilay niya.

"What the hell? I'm watching!" 

ABA! ANG SAMA TALAGA NG UGALI NIYA!!!!!!!

Magtimpi ka lang... personal maid ka pa rin niya. Chill Kaycee chill...

"Uhm, young master? Eto na yung pinabili niyo." sabay lagay ko ng school supplies sa tabi ng couch niya. 

Nakatingin lang siya sakin with a weird look. Uhhhhh?

"M-may kulang po ba young master? May papagawa po ba kayo sakin?"

"Are you taking drugs?"

"Ehhhh? Hindi po! I'm clean." bakit niya natanong? Parang tanga naman.

"Sigurado ka?"

"O-oo naman!" tumayo siya at lumapit sakin. Nakacross-arms siya at nakatingin sakin, parang iniinspect ako. 

"Kaycee..." wait. Oh my? He called me by my... by my first name? That's a first. Anong... trip neto? 

"Y-yes?"

"You're kinda weird."

Seriously ano bang iniisip niya ngayon? 

"Ano po bang problema?"

"Wait, are you trying to impress me?" sabay smirk sakin. 

Ehhhhh? 

"Impress? Hindi po young master, bakit naman po?"

"Mabait ka ngayon. You're not talking back, and wow! Sinunod mo utos ko?"

"Trabaho ko po yun. Yun ang alam ko--"

"Don't use "po" on me. I'm not old!" 

"Ah, okay?" nagsmirk lang siya ulit at tinitigan ako. 

"Kaycee."

The Young Master's Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon