Chapter 15. [Song]

111K 2.5K 523
                                    

KAYCEE'S POV

"Teka! San ba kasi tayo pupunta?!" hila-hila pa din ako ni Blake. Ang bilis namin maglakad. Well, siya lang naman yun. Eh kasi naman! Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko eh.

"Wala ka na dun! Tss!" sabi ko nga.

Saan ba kasi kami pupunta? Sa abandoned warehouse gaya ng mga napapanuod ko sa tv? Oh my! Hindi kaya i-paddle ako nito dahil akala niya nilalandi ko na ang kaibigan niya?! OH NO!

"Blake naman! Sorry na!" tumigil kami sa paglalakad dahil tumigil siya.

"Huh?! Why are you saying sorry?!"

"Uhm, wala! Hehehe. Kasi baka mamaya i-paddle mo ako..." nagpout ako.

"Ano ba yan. Kung anong pumapasok sa utak mo! Basta wag ka ng magsalita!" sabay hila na naman sakin. Argh!

Naiinis na naman ako kay Young Master ha.

–---------------------------

AFTER 15 MINUTES

"Oh. Pasok." nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.

"E-ehhhhh... bakit ako papasok diyan?!" pinapapasok niya ako sa isang parang bar. Huwaaaaa! Ang aga-aga gusto niyang mag-bar?!

"Basta!" tinulak na niya ako papasok kaya no choice...

Pagpasok ko, nagulat ako dahil may dalawang tao na nasa loob.

"Hey dude! Anong ginagawa mo dito?" oo. Yung Xander Lu na kasama nila sa The Boys.

"Sino yang chics na yan? Hi miss!" sabay kiss sa palm ng hand ko. Si Jeremy Sugui naman na kasama din nila sa The Boys.

Tinignan ko yung surroundings. Ngayon, hindi siya nagmukhang bar. Mukha siyang music room/jamming room ngayon. Ang daming musical instruments tapos parang may stage sa gitna. May mga tables din pero naka-tago sa gilid. Pero may bar talaga kung saan ang daming alcoholic drinks. Nagtrabaho na din ako sa isang bar dati kaya alam ko ang itsura.

Pero anong ginagawa namin dito?!

"Blake naman..." bulong ko. Hindi lang ako pinansin at umupo kaagad sa sofa katabi nung Xander. Si Jeremy naman naka-akbay pa din sakin.

"Teka dude, ano bang ginagawa nito dito? Girlfriend mo?" tanong ni Xander.

"Maid ko yan gago!"

"Maid? Ikaw?" sabi sakin ni Jeremy, wide-eyed. "Eh ang ganda mo kaya! Ang ganda naman ng maid mo Blake!" sira-ulo 'to.

"Gago! Wag ka nang umasa diyan! Lagot ka kay Chris." sabi ni Blake ng naka-smirk.

"WHAT?!" sabay na sabi nung dalawa.

"Oo, siya yung sinasabi ni Chris na babaeng interesado siya. Kaya, dinala ko siya dito para tanungin kayo kung pasado ba siya para maging girlfriend nung kumag na yun. Kasi sakin?" binigyan niya ako ng death glare. "Hindi."

ABA! GRABE 'TO HA! PARANG MAY CONNECTION LANG KAMI NI CHRIS EH! EPAL SIYA!

"Hmm... looking at her. Maganda siya. Kaso, medyo walang fashion sense." sabi ni Xander ng naka-pangalumbaba. Naka-rayban pala siya lagi. Mukha siyang genius. Gwapong genius.

"I agree. And, besides, lahat ng nagiging girlfriend ng member ng The Boys, dumadaan sa isang challenge." sabay wink sakin ni Jeremy. Na gwapo nga, mukha namang playboy.

Tumayo din si Blake at lumapit sakin. Pinitik niya yung pisngi ko. "Hoy maid, kapag hindi ka pumasa sa challenge namin. Lalayuan mo na ang kaibigan namin. Deal?" aba, hinahamon ako nito ah.

Dahil ako si Kaycee, ang babaeng hindi umuurong sa kahit anong pagsubok na dumating sa kanyang buhay, ay susugal ako! SUSUGAL! Para sa crush ko! Whooooooo~!

"Deal."

"Then... sing a song for us... with a musical instrument." what the?!

"K-kakanta ako?" s-sure sila? Marunong naman ako kumanta kaso... kaso... nakakahiya. Ang tagal na nun.

Atsaka, hindi na kasi ako kumanta simula nung namatay yung magulang ko.

"Oo. At kung hindi pasado samin yung boses mo? Well, bye bye Chris!" gago 'tong young master ko. Ang yabang.

Huminga ako ng malalim saka pumunta sa may mga musical instruments, kinuha ko yung acoustic guitar dun at pumunta ng stage.

After how many years, ngayon lang ako ulit kakanta.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanila.

[right side: click for the background music. It's needed!]

"Heartbeats fast...
Colors and promises...
How to be brave...
How can I love when I'm afraid to fall...
But watching you stand alone...
All of my doubt suddenly goes away somehow...
One step closer...."

Nanlaki yung mata nila pero tinuloy ko lang yung pagkanta.

"I have died everyday waiting for you...
Darling don't be afraid I have loved you...
For a thousand years...
I'll love you for a thousand more.. "

Napatayo sila at nakatingin lang sila sakin.

"And all along I believed that I would find you...
Time has brought your heart to me...
I have loved you for a thousand years...
I'll love you for a thousand more..."

Dun ko na tinapos yung kanta dahil feeling ko, babagsak yung luha ko any minute. Naalala ko lang kasi yung magulang ko. How they sang to me before.

Binaba ko na yung musical instrument sa may stage saka naglakad ng mabilis papalayo. Alam ko namang mapapahiya ako eh. Baka hindi nila nagustuhan yung boses ko.

Nagulat ako nung pinigilan ako ni Blake. Napatingin ako sa kanya pero hindi siya nakatingin sakin. Iniwas niya yung tingin niya sakin.

"B-bakit? Uuwi na ako."

"Payag na ako."

"Huh?"

"Payag na ako sainyo ni Chris." saka siya tumalikod. Nakita ko naman si Xander at Jeremy, na naka-thumbs up sakin.

Ang weird nila. Bahala nga sila. Makaalis na nga dito.

Pero, napangiti ako nun ha... nagustuhan ni young master yung pagkanta ko?

--------------------------------

HAHAHA! ANONG TEAM KAYO? BLAYCEE O CHRISCEE? <3

The Young Master's Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon