Prologue (WP)

16K 211 4
                                    

"GABRIEEEELLLL!"

Dali-dali namang lumabas si Gabriel habang may hawak pa itong sandok. Kasalukuyan kasi itong nagluluto ng hapunan nilang mag-asawa.

"Bakit mahal anong problema?"

Inosenting tanong ni Gabriel sa kanyang asawa.

"Gabriel, manganganak na ako."

Hirap na hirap na sabi ni Loisa, kada minuto kasi sumusakit ang tiyan niya, gusto na ata talagang lumabas ng unang anak nila.

Nakatunganga lang si Gabriel at hindi malaman ang gagawin kahit nag-aral pa silang mag-asawa ng panganganak.

"GABRIEL, ANO BA?! TUTUNGANGA KA LANG BA DIYAN? DALHIN MO NA AKO SA OSPITAL!"

Sigaw ni Loisa at binato ng unan si Gabriel. Sapol ito sa mukha kaya nabalik sa katinuan ang asawa.

Agad napatakbo si Gabriel sa kusina at pinatay ang stove saka pumanhik ulit sa sala kung saan nakaupo ang asawa. Akmang bubuhatin na niya ito ng maalala na nasa taas pala ang susi ng kotse niya.

"Sandali lang mahal, kukunin ko lang yung susi ng kotse."

Agad tumakbo sa taas si Gabriel at tinungo ang kwarto nilang mag-asawa.

"Saan ko ba yun nailagay?"

Tarantang-tarantang nagkalkal sa mga gamit si Gabriel. Basta-basta nalang kasi niya initsa ang susi sa kung saan kanina.

OPPOSITE DO ATTRACT ---COMPLETED [UNEDITED]Where stories live. Discover now