ODA 11

3.9K 91 2
                                    

Cali's POV

Another week na naman at makikita ko naman ang hambog at bully na Allison na yun.

Alam niyo ba kung anong pinaggagawa ng unggoy na yun sa akin nong mga nakaraang araw.

---Flashback:

*Sa Library*

Nagpunta ako sa library para humiram ng libro. Nong papunta na ako reception bigla akong natisod dahil may lubid na nakaharang sa paanan ko. Nagulat nalang ako ng biglang natumba yung mga upuan sa likod ko.

Narinig kong may tumatawa sa likod ko kaya napalingon ako at sino pa ba nga ba? Edi, sina Allison the bully and friends.

----------
*Sa Cafeteria*

Mag-isa ako ngayon papuntang cafeteria. Wala kasi Meddy dahil pinatawag siya ni Ms. Custodian.

Pagdating ko sa cafeteria pumila na ako agad sa counter para bumili ng pagkain.

Nang malapit na ako biglang may mga sumingit sa pila at napunta na naman ako sa huli. Kinalabit ko yung nasa unahan ko, which is yung huling sumingit.

"Excuse me lang po, marunong ba kayong magbasa niyan?"

Tinuro ko pa talaga yung nakadikit na papel sa may gilid na may 'Bawal sumingit sa pila.'

"Anong babasahin ko? Eh, wala naman nakalagay diyan."

Napalingon ako sa tinuro ko. Wala nga, kanina merong papel diyan ah.

"Gutom ka na siguro kaya namalikmata ka na."

Napalingon ako sa nagsalita at ang unggoy na si Allison the bully and friends naman.

Bw*s*t tong mga to!

---------
*Sa Parking lot*

"Hoy Bangers! Uwi ka na? Hatid na kita."

"Bangers?!"

.

"Bangers?!"

Ang ingay naman ng lalaking to. Sino ba yang bangers na yan, ayaw pangpansin yung lalaking tumatawag sa kanya.

Nagpatuloy lang ako sa paglakad.

"HOY! BANGERS!"

"BAN@?!__ Ano ba? Ba't ka nanggugulat diyan? Wala ka bang magawa sa buhay mo?"

Walang yang lalaking to. Gulatin ba ako. Pasalamat siya wala akong sakit sa puso.

"Kanina pa kasi kita tinatawag di ka namamansin."

"Tinawag? Wala naman akong narinig na tina---Teka, ako ba yung tinatawag mong bangers?"

"Sino pa nga ba? Ikaw lang naman tong mukhang si Dora, pasalamat ka hindi Dora ang tawag ko sayo. Hahaha."

"At talagang magpapasalamat pa ako sayo? Ang kapal din naman ng mukha mo noh?"

Tinawanan lang ako ng unggoy to. Tsk. Mamatay ka na sa kakatawa.

---End of Flashback:

Ano na naman kaya ang gagawing pambubully sa akin nong unggoy na yun?

"Good Morning, BANGERS!"

Sino pa nga bang tumatawag sa akin ng bangers? Edi, si Allison the bully and friends.

Ewan ko ba kung binati talaga nila ako o inaasar.

"Kayong apat, tigilan niyo nga si Cali, para kayong mga bakla."

Pagtatangol sa akin ni Meddy.

"Kami bakla?! Hahaha. Nagpapatawa ka ba? Eh, patay na patay nga sa akin."

Pinagmulahan ng mukha si Meddy sa sinabi ni Nexus.

"Tara na Meddy, masasayang lang ang oras natin sa mga yan."

Sabi ko kay Meddy sabay hila sa kanya. Nakakasira talaga ng araw ang mga unggoy na yun.

----------

"Class, alam naman natin na malapit na ang foundation week diba? And we need two representative, a girl and a boy for the upcoming Mr.&Ms. Frekenstian."

Kanya-kanyang bet ang mga kaklasi namin. Kung sino ang magiging representative sa Mr.&Ms. FU.

"Miss, sina Allison at Cali nalang po. Maganda at Gwapo, bagay na bagay sila."

Sabi ni Rosie, kaklasi ko.__Ano raw bagay kami?

EWW! Nasusuka ako.

"Oo nga po, Ms. Custodian sila nalang po."

At sumang-ayun pa lahat ng mga kaklasi namin pati yung apat na unggoy na yun, parang kami lang dalawa ni Meddy ang di sasang-ayun,

"Excuse me po Miss, pwede iba nalang po ang kunin niyo. Wag nalang po ako."

Wala kasi akong alam sa ganyan-ganyan at isa pa ayaw kong makapartner yang si Allison the bully unggoy.

Yan bago kong tawag sa kanya. Hahaha. Mas maganda pang pakinggan.

"Miss, hindi nalang din po ako sasali kung hindi po sasali si Bangers este si Cali po."

Ano na namang kalokohan tong pinagsasabi ng unggoy na to?

"Kung ganun, wala tayong representative, edi bagsak na kayong lahat sa 3rd major exams natin."

Nawindang kaming lahat sa sinabi ni Ms. Custodian.

Ano to?! Blackmail lang ang peg?

Napalingon naman sa akin ang mga kaklasi ko, at binigyan nila ako isa-isa na please-pumayag-ka-na-look.

"Ano papayagan mo bang bumagsak tayong lahat sa 3rd major exams? Kaya ba ng konsensiya mo?"

Bulong sa akin ng walang hiyang unggoy na naglagay sa akin sa posisyon na to.

"Cali pumayag ka na. Ngayon lang naman to eh.__Please. Ayaw kong bumagsak."

Sabi ni Meddy habang nagmamakaawa sa tabi ko. Napatingin ulit ako sa mga kaklasi ko na hanggang ngayon nakatingin pa din sa akin.

"Pleaaaase!" Classmates.

Ano pa ba ang magagawa ko? Kinokonsenya na ako ni unggoy at naawa ako kay Meddy...

"OO na! Sige na! Sasali na ako."

At nagyeyehey ang mga kaklasi ko. Si Allison the bully unggoy naman ay napapangiti.

Tsk! Pakialam ko ba sa kanya. Ihahanda ko nalang ang sarili ko.

***

Thanks for reading.

-dkc

OPPOSITE DO ATTRACT ---COMPLETED [UNEDITED]Where stories live. Discover now