ODA 7

3.9K 100 1
                                    

Cali's POV

Mukha ng magulang ko ang bumungad sa akin pagkagising na pagkagising ko.

"Princess, kamusta ka na? Masakit pa ba ang ulo mo? Gusto mo tatawag ako ng doktor?"

Sino pa nga ba? Edi, ang OAng mag-alala sa akin. Si Papa.

"Wag na po kayong OA papa, okey na po ako atsaka nakakahiya po sa--Teka, bakit nandito yan? Si Meddy lang natatandaan kong kasama kanina sa mini-park ah.__Wait? Sinabi niyo kanina na tatawag kayo ng doktor. Don't tell me---"

nasa ospital na naman ako?

"Princess, alam namin ng papa mo na ayaw mo sa dito ospital pero di biro ang pagsakit ng ulo mo tapos hihimatayin ka. Alam mo naman na may retrograde amnesia ka."

Sabi ko nga, pero ayaw ko pa rin dito sa ospital. Nakakakilabot. Alam naman nating maraming namamatay dito sa ospital, malay natin may biglang multo na lalabas diyan.

"Cali, hindi mo naman sinabi sa akin na may amnesia ka kaya pala may piklat ka diyan sa gilid ng noo mo."

Sabi ni Meddy na nasa gilid kasama si--Sino nga to? Netus?

"Hehehe. Pasensiya na Meddy. Teka, sino nga yang kasama mo? Diba siya yung sa cafeteria kanina? Yung isa F4 kuno. Netus ba yun?"

Hindi ko talaga matandaan yung pangalan niya basta binanggit ni Meddy yun kanina.

"HAHAHA. NETUS? HAHAHA. Hindi naman siguro nabagok yung ulo mo kanina dahil nasalo kita kahit papano. Cali it's NEXUS not Netus. HAHAHA. pero nakakatawa talaga ang Netus parang Fetus. HAHAHA."

Aiep! Nakakahiya naman. Nexus pala akala ko Netus, pero malapit siya sa Fetus huh. HAHAHA.

"Makatawa to oh! Pasalamat ka mahal kita."

Sinabi ni Nexus 'ayan tama na ako' ng mahina ang huling sinabi niya, pero narinig ko.

"Ano may sinasabi ka?" Meddy.

Hmm. I smell something fishy.

Biglang pumasok ang isang babae na nasa mid 40s na nakalab gown, Si doktora.

"Magandang hapon po Mr.&Mrs. Garcia and friends, ito na po ang resulta ng ginawa naming test kay Princess." Doktora.

Huminga muna ako ng malalim baka kasi ano pang lumabas sa result na yan. Baka mamatay na ako.

T_T wag naman sana, hindi ko pa naaalala ang lahat-lahat magmula ng naaksidente ako. Hindi ko pa naaalala yung bestfriend ko kuno.

"Ano po yun dok? Mamatay na ba ang anak *aray* naman mahal, ba't mo ko binatukan?"

Ayan na naman po sila. Aist!

"Kung anu-ano kasing lumalabas diyan sa bibig mo.__Pasensiya na po doktora. Sige po sabihin niyo na." Mama.

"Ito na nga, ayun dito sa result normal lang ang pagsakit ng ulo ni Cali, dahil diyan unti-unting siyang may naaalala pero iwasan lang nating mabagok ang ulo niya.__Bibigyan ko nalang siya ng pain reliever para maibsan ang sakit kung sakaling sumakit na naman ang ulo niya."

Pagkatapos ipaliwanag ni doktora ang resulta ng test ko niresitahan na din niya ako ng pain reliever gaya ng sabi niya.

Bumalik na rin si papa sa trabaho niya dahil may tatapusin pa siya at si mama naman may urgent meeting kaya naiwan kaming tatlo rito. Ako, si Meddy at si Nexus.

"Oh! Ano pa ba ang ginagawa mo rito? Alis na! Choo! Choo!"

Si Meddy po yan. Pinapaalis na niya ang nananahimik na si Nexus.

"Wow! Aso lang? Wala ka talagang utang na loob. Kung di ako dumating kanina siguro nagkabagok-bagok na tong si Cali." Nexus.

Siya kaya ang nagbuhat sa akin? Nakakahiya naman tinawag ko pa siya kanina ng Netus.

"Kung hindi kita tinawag, lalapit ka ba?" Meddy.

"Aist! Ewan ko sayo, makaalis na nga.__Cali, una na ako. Saka mo nalang ako libre pagkalabas mo. Bye!" Nexus.

Aist! May kapalit pala yung pagtulong niya sa akin. Well, okey lang din kung hindi dahil sa kanya di ako makaabot rito.

"Ang kapal talaga ng pagmumukha nun.__Cali, magpahinga ka na, babantayan kita."

Tumango nalang ako.

Maswerte ako nakatagpo ako ng kaibigan na tulad ni Meddy mapagmahal at maalalahanin.

Ganito din kaya yung bestfriend ko?

***

Thanks for reading.

-dkc

OPPOSITE DO ATTRACT ---COMPLETED [UNEDITED]Where stories live. Discover now