ODA 12

3.6K 91 2
                                    

Cali's POV

"Okey. Very good candidates. You may take your break."

Sabi ni Mama Cleo ang baklang organizer nitong Mr.&Ms. FU.

First day ng practice namin ngayon at sa unang araw nagawa na namin ng maayos ang production namin maliban sa pangsasapaw sa akin ni Allison the bully unggoy.

"Ahmm. Excuse me, I want to talk to the both of you. Follow me."

Bakit kaya gusto kaming kausapin ni Mama Cleo? Sumunod nalang kaming dalawa ni Allison the bully unggoy sa kanya at huminto kami sa likod ng stage.

"I just want to say that you two have a chemistry."

Chemistry? Kaming dalawa? NO WAY!

"But you two ahh-- nagsasapawan kayo. Magpartners kayo diba? Dapat walang lamangan. Nakakaimbyerna kayo. Sige na, magbreak na kayo."

Ang maamong tupa na mukha ni Mama Cleo ay napalitan ng isang mabangis na tigre.

Ito naman kasing si Allison the bully unggoy ay laging nakikipagsapawan. Gusto ata niyang maging sikat. Eh, sikat na nga siya sa mga girls at gays out there.

"Magbreak na daw tayo. Eh hindi pa nga naging tayo. Hahaha."

Pinagsasabi ng lalaking to?

Tsk. Maiwan na nga. Nagugutom na ako.

"Oy! Bangers, hintayin mo ko di ba magbebreak pa tayo."

Sabi niya sabay kindat sa akin. EWW! As if namang gusto kong kindatan niya ako. THAT'S GROSS!

Pagdating namin sa cafeteria napatingin silang lahat sa akin ng napakasama.

Wala naman akong ginawang masama para tingnan nila ako ng ganyan.

"Tingnan niyo nga girl. Ang landi talaga ng babaeng yan nakakapit pa talaga kay Allison."

Napatingin naman ako sa sarili ko. Oo nga, nakakapit pala ako kay Allison. Agad ko namang binitawan ang braso niya.

Natisod kasi ako kanina habang papunta kami ni Allison dito sa cafeteria. Bubuhatin pa nga sana niya ako pero pinigilan ko siya at kumapit nalang sa braso niya para makapaglakad.

"Wag mo nalang silang pansinin, hindi ka naman ganun. Pagkatapos nating kumain dito dadaan muna tayo sa clinic para patingnan yang paa mo bago tayo bumalik sa practice."

Sabi niya sa akin. May pagkamabait din naman pala tong si Allison the bully unggoy at concern pa.

"Wag mong isiping na concern ako sayo. Boring kasi kong wala ka sa practice, wala akong maiinis."

Okey, binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Isa pa rin siyang Allison the bully unggoy na kailanman ay hindi na magbabago.

Tatandaan ko yan!

Pagkatapos naming kumain, dumaan muna kami ng clinic para patingnan yung paa ko bago kami bumalik sa practice, gaya ng sabi niya.

Maayos din naman ang paa ko, medyo may naipit lang na ugat at pwede parin daw akong sumali sa practice ngayon.

"Okey. Candidates, we are done to the production number and now let's proceed to to--pagpapakilala."

Sabi ni Mama Cleo. Pumwesto na kaming lahat sa likod ng stage at ang unang lumabas ay sina candidate number 1.

Walo kaming lahat at nasa panglima kami ni Allison the bully unggoy.

"Good evening ladies and gentlemen! I'm Lawrence Lagdameo and I'm Maria Theresa Leonara representing 4th year."

Habang papalapit na kami ni Allison the bully unggoy bigla akong nanlamig. Wala namang electrifan at mas lalong walang aircon dito sa backstage.

"Cali, okey ka lang?"

Tanong sa akin ni Bianca. One of the candidates.

"I'm okey. Don't mind me.__Sige na. Ikaw na ang susunod."

Tumango naman siya at naghanda na siyang umakyat ng stage.

Kami na ang susunod.

Pagkatapos magpakilala nina Bianca at ng partner niya bumaba na sila at kami naman ni Allison the bully unggoy ang umakyat.

Nasa kabilang dulo lang siya at mag-aabot kami sa gitna at dun magpapakilala.

"Magandang gabi po sa inyo. Ako po si Prince Allison Montemayor and---"

Biglang sumakit ang ulo ko na parang mabibiyak.

"Hoy! Bangers, practice palang to hindi pa ito ang--__Hoy! Bangers, okey ka lang? Bangers?"

And everything went black.

***

Thanks for reading.

-dkc

OPPOSITE DO ATTRACT ---COMPLETED [UNEDITED]Where stories live. Discover now