ODA 13

3.4K 85 1
                                    

Allison's POV

"Hoy! Bangers, practice palang  hindi pa ito ang--__Hoy! Bangers, okey ka lang? Bangers?"

Bigla nalang siyang nawalan ng malay. Mabuti't nasalo ko siya agad bago siya tuluyang bumagsak sa sahig.

Agad ko namang dinala si Bangers sa clinic at tinawagan ko ang mga barkada ko, pinatawag ko na din ni Nexus si Nerdy.

"Pangalawa na niyang punta rito sa clinic at the same case pa rin." Nexus.

"Anong ibig mong sabihin?"

Magsasalita na sana si Nexus ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Nerdy.

"NASAN SI CALI? ANONG NANGYARI SA KANYA?"

"Maghulos dili ka nga Meddy, hindi nakakatulong yang pagsigaw mo diyan."

Bigla namang tumahimik si Nerdy at naupo sa isang tabi. Hinihintay namin ang paglabas ng nurse na nag-aasikaso kay Bangers.

"Ano ba yung ibig sabihin mo kanina na pangalawang punta na rito ni Cali at the same case pa rin, huh pinsan?"

Si Cliff na ulit ang nagtanong, nawala kasi sa isip ko ng biglang pumasok si Nerdy.

"Cali have an amnesia at sa tuwing sasakit ang ulo niya may bigla siyang maaalala."

Sabi ni Nerdy.

May amnesia pala si Cali?

Parang bigla nalang akong naawa sa kanya.

"Yan ang wag na wag mong gagawin. Ayaw niyang kinaaawaan siya, kaya act normal like nothing happen."

Sabi ni Nexus sabay tap sa balikat ko.

Mayamaya lumabas na rin yung nurse na nag-aasikaso kay Bangers at sinabing okey lang siya. Kailangan lang daw niya ng pahinga.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ng nurse.

"Pwede na kayong umalis, ako na ang bahala sa kaibigan ko."

Mas kilala naman ni Nerdy si Bangers, at alam niya kung ano ang kailangan ng kaibigan niya kaya umalis na rin ako.

----------

Nandito kami ngayon sa condo unit ko, regalo ni Dad nong 18th birthday ko. Sabi niya dapat daw akong matutong maging independent dahil nasa tamang edad na ako pero hindi sumang-ayun si mommy sa gusto ni Dad dahil ako raw ang nag-iisa niyang baby.

Kakainis nga eh, sa laki at sa gwapo kong to tinatawag parin akong baby.

"Ano ba naman tong ref mo Allison, wala namang kalamanlaman?"

Sabi ni Nexus habang binuksan ang ref ko.

"Alangan namang maglalagay ako ng mga pagkain diyan eh, hindi naman ako dito namamalagi."

Kung nagugutom siya, bumili nalang sana siya ng pagkain niya, ako pa tong inaabala.

"Allison, ano na ang gagawin mo ngayon kay Cali? Ngayong alam mo na may amnesia siya?"

Sabi ni Nathan habang nagbabasa ng FHM Magazine. Tsk. Napakababaero talaga ng gag*ng to.

"Tsk. Like Nexus said, as if nothing happen."

Medyo bawas-bawasan ko lang yung pambubully ko sa kanya. Hehehe.

"Tingnan mo nga tong picture niyo ni Princess pinsan.___Pareho sila ng mata ni Cali, di kaya--"

Sabi ni Cliff. Tingnan ko naman yung picture. Hmm. Medyo may pagkapareho nga, pero malabong si Cali, si Princess.

Si Cali, maputi, mabait, may bangs, babae-babaeng kumilos at__Oo na maganda. Tss.

Si Princess, kayumanggi, palaaway, ayaw'ng may bangs, sigang kumilos at sakto lang.

At isa pa, ayaw na ayaw niyang hubarin yung friendship bracelet namin.

Eh, si Cali may bracelet nga hindi naman yun ang bracelet na binigay ko at isa pa kung si Princess nga siya, edi sana kilala niya ako.

Eh, palagi ngang nakakalimutan ng Caling yun ang pangalan ko.

"Malabo yang iniisip mo, hindi magiging si Princess si Cali."

***

Thanks for reading.

-dkc

OPPOSITE DO ATTRACT ---COMPLETED [UNEDITED]Where stories live. Discover now