ODA 20

3.4K 78 1
                                    

Cali's POV

Kasalukuyang naglalakad ako sa hallway papuntang room namin, biglang may nabangga ako.

"Tingnan mo nga yang dinadaanan mo. Wag kang tatanga-tanga." Mataray na sabi ng nakabangga ko.

Sino ba to? Ngayon ko lang nakita dito.

"Sorry po!" Nakayuko kong sabi. Kasalanan ko din naman kasi, hindi ko tiningnan yung dinadaanan ko.

Nilampasan niya lang ako at pumasok sa principal's office.

"Cali, ang tagal mo naman akala ko nilamon ka na ng iniduro." Meddy.

"Pasensiya naman oh. May nakabangga kasi ako dun sa hallway kaya natagalan."

"Oh! Siya maupo na ka na baka maabutan ka pa ni Ms.Custodian diyan."

Naupo na ako sa tabi ni Allison na nakasubsob sa desk. Nakatulog ata to.

Hmmm. Ngayon  lang napansin, gwapo pala to. Ang hahaba ng pilik-mata at ang tangos pa ng ilong. Baby face din siya, wala kang makitang kahit anong pimple o di kaya'y blackheads. Pula din ang labi niya parang ang sarap ha---

"Hoy! Cali, tunaw yung kaibigan namin."

Nandito pala tong si Nexus na torpe kay Meddy.

"Ikaw huh, may pagnanasa ka din pala sa kaibigan namin." Isa pa tong playboy na to.

"Ang iingay niyo kitang natutulog yung tao." Hala! Nagising si Allison the bully unggoy na masungit.

Ayan ang haba na ng tawag ko sa kanya. Eh, kasi naman naging masungit siya nitong mga nakaraang araw parang may dalaw.

"Ito kasing si Cali pinag--" Tinakpan ko yung bibig ni Nathan kung anu-ano kasing lumabas sa malaking bibig ng mokong na yun.

Eh, wala namang kwenta at hindi naman totoong pinagnanasaan ko si Allison, dini-describe ko lang yung mukha niya sa mga readers.

Magtatanong na sana si Allison ng dumating si Ms.Custodian at kasama yung babaeng nabangga ko kanina.

Napalingon naman ako kay Allison na hawak pala niya ang braso ko na sobrang higpit.

Teka, paanong napahawak siya braso ko?

"Good morning class!  This is Monique a transferee.__Com' on introduce yourself."

"Good morning once again! I'm Monique De Asis girlfriend of Allison Montemayor."

Girlfriend pala to ni Allison, eh bakit hanggang ngayon di pa rin niya binibitawan ang kamay
ko at mas lalong pang sumakit ang braso ko dahil mas lalo pa niya itong hinawakan.

"Oi! Pare, bitawan mo na nga yang braso ni Cali tingnan mo oh nagiging voilet na ang kulay. " Nexus.

Napatingin naman siya sa braso ko at agad binitawan.

Anong problema ng lalaking to?

"Where do you want to sit ms. De Asis?" Ms. Custodian.

"Of course, I want to sit beside my boyfriend."

Wag niyang sabihin dito siya uupo sa upuan ko? Wala namang ibang upuan sa tabi ni Allison, pader na yung nasa kanan ni Allison.

"Ms. Garcia can--"

"Excuse me Ms., marami naman pong ibang mauupuan diyan, di po pwede magkalayo kami ng upuan ni Cali alam niyo naman po na may palaging pinapagawa sa amin si Madam Principal at ayaw niyo naman pong siguro may mangingistorbo sa klasi niyo sa tuwing may kailangan ako kay Cali kung magkalayo kami ng upuan." Allison.

Oo nga naman, tatayo pa si Allison kung may kailangan sa akin kung sakaling ilalayo niya nga kami.

"Oo nga pala. I'm sorry Ms. De Asis, you can find another sit or you may sit beside Nathan." Ms. Custodian.

Sinamaan ako ng tingin ni Monique habang paupo sa tabi ni Nathan.

Ano na naman kaya ang kasalanan ko?

***
Thanks for reading!

-dkc

OPPOSITE DO ATTRACT ---COMPLETED [UNEDITED]Where stories live. Discover now