ODA 19

3.4K 87 1
                                    

Allison's POV

"Oi! Allison, sorry na Kinukulit kasi ako ni Monique eh, pinagbantaan pa ako na susunugin niya ang mga collection ko kung di ko ibibigay ang number mo." Nathan.

Umagang-umaga binubw*s*t na ako ng mukong na to.

"Bakit naman kasi binigay mo pa yung number ni Allison, kaya nga di ba nagpalit dahil ayaw niyang may kuminikasyon ng babaeng yun." Cliff.

"Kasasabi ko lang di ba? Susunugin niya ang collection ko." Nathan.

"Collection ng mga porn--"

Hindi natuloy ang sinasabi ni Cliff dahil tinakpan ni Nathan ang bibig ni Cliff.

"Wag ka ngang maingay baka may makarinig sayo. Akalain pa nilang bastos ako."

"Hindi ka pa ba bastos? Araw-araw iba't-ibang babae ang dinadala mo sa so called paradise mo. Hindi mo ba naisip na may kapatid kang babae, baka siya ang tamaan ng karma mo." Nakakairita na kasi, alam kong below the belt na yung sinasabi ko pero naiirita na talaga ako sa lalaking to.

Tumahimik naman si Nathan at binatawan na si Cliff.

Sirang-sira na ang umaga ko, una, dahil tumawag si Monique kay Mommy. Di niya ako makontak kaya si Mommy ang tinawagan niya. Pangalawa, pagdating ko dito sa FU sinalubong agad ako nitong Nathan na to dahil siya ang nagbigay ng number ko kay Monique at Pangatlo, nag-alala ako kung ano ang gagawin ni  Monique.

"Allison, pinapa---"

"ANO?!" Nagulat ako sa paglingon ko.

Akala ko kung sino si Cali pala na sigawan ko tuloy siya.

"Hindi mo naman ako kailangan sigawan. Lumapit lang ako para sabihin sayo na pinapapunta tayo sa Principal office." Nakayuko niyang sabi tapos umalis na siya.

Ako lang ba to? O talagang may luhang tumulo mula sa mata niya.

"Bakit kasi sinigawan mo yung tao? Wala namang ginawang masama yun." Nexus.

Buhay pa pala to? Akala ko sinusundan na naman niya yung mahal niya daw.
----------

*Principal's Office*

"Pinapatawag niyo po raw kami Madam principal?" Confident niyang tanong.

"Oo. Maupo na muna kayo.__Magkakaroon ng field trip ang lahat ng 4th year. Kayo na ang pumili kung saan niyo gustong pumunta. Here!" Sabi ni Madam Principal sabay abot sa amin ng mga pamplets.

Tiningnan namin ni Cali isa-isa at may isang nagpagulat sa akin.

"ZOO?! Seryoso po kayo Madam Principal? Mukha ba aking mga bata?"

Isinali talaga niya ang zoo, anong tingin niya sa amin, elementarya?

"Kung makapagreact huh! Simple lang naman, edi wag niyong piliin."

HINDI TALAGA!

"Dito nalang tayo, pwede na rin po nating isabay sa field trip ang retreat." Cali.

"Magandang idea Ms. Garcia." Madam Principal.

"Kailan ang field trip na yan?"

"Sa weekend na. Sige magpapass na ako ng request sa director na diyan tayo pupunta.___Sige, you may leave now." Madam Principal.

Lumabas na kami ni Cali ng opisina ni Madam Principal at bumalik na sa classroom namin.

"Bakit raw kayo pinatawag ng Principal?" Salubong sa akin ni Cliff.

"Nah! Pinapili kami ni Cali kung saan tayo magfifield trip at isasabay nalang ang retreat natin."

"Siguradong masaya yun." Nexus.

*****
Thanks for reading.

-dkc

OPPOSITE DO ATTRACT ---COMPLETED [UNEDITED]Where stories live. Discover now