ODA 21

3.4K 82 1
                                    

Dumating na nga ang araw ng fieldtrip slash retreat namin at handang-handa na kami lahat. Hinihintay nalang yung bus na sasakyan namin papunta sa site.

Medyo malayo-layo din yun sa kapatagan. Bulubundukin kasi yung napili namin ni Allison na venue, masayun kasi may balak kaming mag-mountain climbing at saka may maliit din na gubat para sa treasure hunt activity namin.

"Nandito na ang bus, wag kayong mag-uunahan makakaupo ang lahat." Sabi ni Ms. Custodian.

Nakaupo nga kami lahat pero ang saklap malayo kami ni Meddy sa isa't-isa, katabi ko si Allison at sa kabila naman niya si Monique na nakayakap sa braso ni Allison.

"Ano ba Monique, bitawan mo nga ako." Reklamo ni Allison.

"Ayaw mo nun babe di ako mawawalay sayo." Malanding sabi ni Monique.

Naiirita ako sa boses niya kaya naglagay nalang ako ng earphones sa tenga ko para di ko marinig ang tantrums niya at pumikit.

*****
Allison's POV

Kasalukuyan kaming bumabyahe ngayon papunta sa pagfifield tripan namin.

Nakatingin lang ako kay Cali na nakaearphones habang natutulog. Hinawi ko ang mga hibla ng buhok niya na nalalaglag sa mukha niya at nilagay sa likod ng tenga niya.

Inaamin kong nagandahan ako sa kanya nong una ko palang siya nakita. Bading mang aminin yung araw na yun parang may spark akong nakikita at naging slow mo ang paligid niya.

"Babe, what are you doing?" Bw*s*t na bw*s*t na talaga ako sa babaeng to.

Ilang ulit ko na siyang pinagtatabuyan at pinapamukha sa kanya na hindi ko siya mahal dikit ng dikit pa rin.

Bigla namang nagpreno ang driver, pinoprotekhan ko ang ulo ni Cali para di mauntog baka kasi sasakit na naman ang ulo niya at may mangyaring masama pa.

"Ouch! Hey you stupid driver just careful, our lives is in your hand." Monique said.

Kahit kailan talaga tong babaeng to. Wala man lang kinoconsider.

"Sorry ma'am may dumaang aso ho bigla." Manong driver.

"Babe, bakit hinayaan mo akong mauntog? Ang sakit kaya." Monique.

"Tss. Parang nauntog lang." Bulong ko.

"May sinabi ka babe?__Teka, bakit nakasandal yang babaeng yan sayo? Hinayaan mo akong mauntog kaysa magising yang babaeng yan?" Nakita niya na nakapatong ang ulo ni Cali sa balikat ko habang natutulog.

Ang totoo niyan kinuha ko talaga ang ulo ni Cali na nakasandal bintana at ipinatong sa balikat ko para di siya mauntog kung sakali may lubak-lubak sa dinadaanan namin.

"Anong nangyari?" Tanong ni Cali na kagigising lang.

"Malandi ka, nagpapanggap kang tulog para makasandal sa balikat ni Allison." Monique.

Naguguluhan namang napatingin sa akin si Cali.

"Wag mo ng pansinin yung pinagsasabi ni Monique." Nagkibit lang si Cali at muling nilagay sa tenga niyong earphones niya habang nakatingin sa bintana.
----------

"Welcome to BogenVILLA!" Salubong sa amin ng isang bakla. Siguro ito yung kinuhang mag-oorganized sa amin ng mga activities for 3days.

"Class, this is Cheena the one will accompany us for 3days." Ms. Custodian.

"Hi! I'm Cheena. Nice to meet you all."

Pagkatapos ipakilala sa amin yung Cheena na yun ay pinagpahinga muna kami at mamayang hapon maglilibot-libot kami sa buong bogenVILLA.

*****
Thanks for reading.

-dkc

OPPOSITE DO ATTRACT ---COMPLETED [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon