ODA 17

3.3K 86 3
                                    

"Hon, galingan mo sa meeting niyo ng bagong investor natin."
Sabi ni Carmen sa kanyang asawa habang inaayos ang nectie ng asawang si Rusty.

"Oo naman, opportunity na natin to para mabawi ang mga nalugi natin."
----------

Inihanda na ni Rusty ang kanyang presentation para pagkadating ni Mr. Garcia sisimulan na agad ang meeting.

"Mr. Montemayor nandito na po si Mr. Garcia." Sabi ng sekretarya ni Rusty.

"Rusty?/Gabriel?" Sabay na sabi ng dalawa.

"Pare, kamusta ka na? Kailan pa kayo umuwi galing states? Long time no see." Gabriel.

"Matagal na pare. Dito na namin pinag-aral ni Carmen si Prince.__Kamusta na pala ang asawa mo si Loisa at yung unica ija mo na si Princess." Rusty.

Bigla namang nag-iba ang timpla mukha ni Gabriel, mula sa masaya, napalitan ng lungkot.

"Mabuti naman si Loisa may sarili na rin siyang botique ngayon." Gabriel.

"Mabuti naman kung ganun. Si Carmen naman nagtayo ng isang coffee shop. Si Prince naman ayun 4th year highschool na. Si Princess, kamusta? Namiss ko na talaga yung batang yun." Rusty.

Kahit anong liko ni Gabriel, wag lang mapag-usapan si Princess kaya lang itong si Rusty laging pinapasok tungkol kay Princess.

Hindi naman sinisisi ni Gabriel ang pag-alis nina Rusty no'n sa pagkakaaksidente ni Princess, kaya lang nalulungkot siyang balikan ang pangyayaring yun na muntikang mawala sa kanila ang pinakamamahal nilang anak.

"Okey naman si Princess, nasa 4th year highschool na rin siya ngayon." Gabriel.

"Mabuti naman.__Teka, sa bahay na kayo maghapunan para naman magkabonding naman tayo at para na rin magkita na yung dalawang bata, alam nating hindi maganda yung pagkawalay nilang dalawa." Rusty.

"Pare, may dapat kang malaman tungkol kay Princess." Gabriel.

"Ano?" Rusty.

"May amnesia si Princess. Naaksidente siya nong hinabol niya ang kotse niyo." Gabriel.

Hindi makapaniwala si Rusty sa narinig niya mula kay Gabriel.

Naalala niya nun habang nagmamaneho siya papuntang airport kasama sina Carmen at Prince ng narinig niya si Princess na tinatawag si Prince, hindi niya binigyan pansin ito baka kasi magbago ang isip ni Prince at di na sumama sa kanila papuntang States.

"Pasensiya pare, hindi ko alam. So, kamusta na siya ngayon? Nakakaalala na ba siya." Rusty.

"Kami palang ng mama niya ang naaalala niya pero lately madalas sumasakit ang ulo niya, sabi niya may nakikita raw siya sa utak niya pero malabo raw." Gabriel.

"Kawawa naman pala si Princess. Sana maaalala na niya lahat lalo na si Prince dahil palagi siyang iniisip ng anak ko." Rusty.

"Sana nga pare, naaawa na din ako sa anak ko, parang nawawala siya sa sarili niyang pagkatao." Gabriel.

"Ipagdasal nalang natin na sana dumating ang araw na bumalik ang ala-ala ni Princess." Rusty.

"Teka, bakit ka pala nandito pare? Ikaw ba si Mr. Montemayor?" Gabriel.

"Oo at ikaw si Mr. Garcia?" Rusty.

Nagtawanan nalang ang dalawa. Akalain mong magkaibigan silang dalawa na hindi alam ang apilyedo ng isa't-isa.

How much more yung mga anak nila?

Hahaha!

***

Thanks for reading.

-dkc

OPPOSITE DO ATTRACT ---COMPLETED [UNEDITED]Where stories live. Discover now