ODA 33

3.5K 69 1
                                    

Cali's POV

Pagkababa ko palang ng kotse ni Allison, mga nanlilisik na mata agad ang bumungad sa akin. Mag-iisang linggo na nilang ginagawa to sa akin tuwing dadating ako sa school na to.

Ewan ko ba kung anong trip nila ngayon at ako pa ang napagtripan.

"Wag mo nalang pansinin ang mga yan. Inggit lang sila sayo." Bulong ni Allison habang nakaakbay sa akin.

"May kasamang akbay talaga? Tsansing ka ah." Agad namang binaba niya ang kamay niya.

Ganyan dapat good boy. Hahaha.

"Princess, di nga pala ako makakasabay papuntang room natin, pinatawag kasi kami ni coach ngayon."

"Okey lang yun Prince, ano ka ba parati na nga tayong magkasama. Sige kita nalang tayo sa classroom."

"Sige una na ako." Ayun umalis na siya, late na siguro siya sa usapan nila ng coach nila.

Naglakad na rin ang papunta sa room namin tinext na rin kasi ako ni Meddy na papunta na din siya sa classroom.

Habang naglalakad ako sa hallway, napansin kong nakatingin silang lahat sa akin. Actually, nasanay na rin ako sa kanila  sa halos isang linggo na rin nila akong ginaganyan kaya lang ngayon may kasama ng bulungan.

'Ayan na ang malandi.'

'Himala! Hindi ata niya kasama ngayon si Allison.'

'Baka natauhan na girl. Hahaha. Hindi naman sila bagay. Mas bagay sina Allison at Monique.'

'Yeah! Di gaya niya. Nag-uumapaw sa landi.'

'Akala mo sinong mabait yun pala nasa loob ang landi.'

Samu't-sari ang naririnig ko. Gusto kong maiyak kaya lang pinigilan ko baka isipin nila na totoo yung mga sinasabi nila.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi sila pinansin hanggang makarating ako sa classroom namin. Agad naman akong niyakap ni Meddy ng makita ako sa tapat ng pinto.

"Wag mo nalang pansinin ang mga yan. Inggit lang ang mga yan sayo. Hahaha. Tara na baka malate pa tayo." Hinila na ako ni Meddy papasok sa classroom namin.

"Bakit ang tagal niyo? Saan ba kayo galing?" Nexus

"Babe, nandyan ka pala akala ko ba pinatawag kayo ng coach niyo." Meddy

"Huh? Hindi naman kami pinatawag." Nexus

"Ang sabi ni--" Hindi natuloy ang sasabihin ni Meddy ng biglang pumasok si Allison. Dire-diretsong umupo sa upuan niya at dumukmo sa desk.

"Ba't ka di pinansin nun?" Nagkibit balikat lang ako.
----------------------
*****
Allison's POV

Arrrgghhh!

Bw*s*t! Talaga yung babaeng yun. Nang dahil sa kanya nakapagsinungaling ako kay Princess.

Flashback:

Kagigising ko palang kinuha ko agad ang phone ko para itext si Princess pero biglang sumama ang umaga ko ng mabasa ko ang text ni Monique.

'Meet me at IceCoffee Shop near at your school.'

Hindi ko na natext si Princess dahil wala na ako sa mood naligo at nagbihis na ako.

Habang nagdadrive ako papunta sa bahay nina Princess, tinext ko siya na malapit na ako sa bahay nila.

Isang linggo ko na rin siyang sinusundo at ihahatid sa bahay nila at isang linggo na rin akong nanliligaw sa kanya.

"Good morning, Prince!" Bati sa akin ng mahal ko.

"Good morning too, my Princess."

Habang nagdadrive ako, iniisip ko kung pupuntahan ko ba si Monique o hindi. At kung pupuntahan ko naman siya ano ang sasabihin ko kay Princess?

Hindi ko namalayan nakarating na pala kami sa school. Naunang bumaba si Princess sa akin dahil may nagtext sa akin, si Monique. Nireplyan ko ito bago bumaba.

Nakita kong nakatayo pa si Princess habang pinagtitingan siya ng mga schoolmate namin.

Inakbayan ko si Princess at halatang nagulat naman siya.

Sinabihan ko siya na mauna siya sa classroom dahil pinatawag ako kami ni coach. Tumango naman siya.

Nauna akong umalis sa kanya para maging makatutuhanan na pinatawag kami ni coach pero ang totoo niyan nagtago ako sa gilid, nakita ko siyang tumalikod at nagsimula na siyang lumakad.

I'm sorry Princess, nagsinungaling ako.

Nang di ko na nakita si Princess umalis na din ako at pinuntahan si Monique.

Pagdating ko sa IceCoffee Shop nakita ko agad si Monique sa dulo na uminum ng kape.

"Anong kailangan mo?" Agad kong tanong sa kanya.

"Babe naman, tanong agad? Di ba pwedeng maupo ka muna."

"Hindi na kailangan nagmamadali ako may klase pa ako. Ano bang kailan mo?" Bw*s*t na babae ito.

"Ikaw ang kailangan ko Allison. Mahal na mahal kita hindi ko kayang mabuhay na wala ka." Nagmamakaawang sabi niya.

"Tama na Monique si Cali ang mahal ko." Hindi ko na siya hinintay magsalita ulit dahil lumabas na ako ng coffee shop.

End of flashback:

Dinukmo ko nalang ang ulo ko sa desk ng makarating ako sa classroom namin.

Alam kong nagtataka si Princess at gusto niya akong tanungin pero hindi niya ginawa, hinayaan nalang muna niya ako.

*****
Thanks for reading!

-dkc

OPPOSITE DO ATTRACT ---COMPLETED [UNEDITED]Where stories live. Discover now