EPILOGUE

5.4K 108 10
                                    

Princess Caliyah Garcia's POV

Summer vacation na at excited na silang lahat pumunta sa boracay.

Sila lang, hindi ako.

Kasi naman hindi ako tinext o tinawagan ng damuho kong boyfriend magmula kahapon at sobrang inis ko dahil 1st monthsary namin bilang magboyfriend at girlfriend at 13th anniversary ng pagkakaibigan namin ngayon.

Oh diba? Yung pagsagot ko sa kanya nong nakaraang buwan at yung araw ng pagkakaibigan namin nong bata pa kami ay pareho lang. What a coinsidence!

Pero naiinis pa rin ako sa damuhong yun. Wag na wag lang siyang magpapakita sa akin.

"KYAAAAH! BORACAY HERE WE GO!" Si Meddy yan. Kanina pa yan tili ng tili sa bahay.

Sa bahay namin sila natulog lahat except sa damuhong yun. Gusto nilang sabay-sabay kaming papunta sa bora.

Wala yung parents ko dito naunang magbakasyon sa amin.

"Hmmm. Ang sarap ng simoy ng hangin. Babe, tara swimming na tayo." At hinila na ni Meddy si Nexus papunta sa dagat.

Mga walang hiyang kaibigan to. Iwanan ba naman ako dito. Si Cliff ayun kalampungan ang girlfriend niya. Si Nathan, nah! Di mo na maaasahan yun siguradong naghahanap na yun ng sisiw (chicks) at ang damuhong Allison di pa rin nagpaparamdam.

Palubog na ang araw, di parin nagparamdam yung damuhong yun at yung mga kaibigan ko naman di ko na nakita mula nong umalis ako kanina sa cottage. Nao-OP kasi ako sa mga lovers dun.

Pabalik na sana ako sa cottage namin ng biglang dumilim ang paligid at tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag.

OH MY! FULL MOON!

Sabi nila kapag full moon lumalabas lahat ng creatures. Mapalupa at mapahimpapawid. Pwede rin mapadagat.

Mabilis akong napatakbo. Ewan ko lang saan ako napunta kasi nga diba madilim at pati mga cottage walang kuryente.

Di siguro nakabayad ng kuryente tong resort kaya naputulan sila.

Takbo lang ako ng takbo na mabangga ako sa pader.

*Aray! naman.*

"Nasaktan ka ba, Baby Princess?" Hala! Nagsalita yung pader at--at tinawag niya akong Baby Princess.

Isa lang naman ang tumatawag sa akin ng Baby Princess.

Biglang nagliwanag ang paligid and I saw him.

The Prince that make my heart beats fast.

.

The Prince that will always protect me.

.

The Prince that makes me feel

.

.

"DAMUHO KA! BAKIT HINDI MO KO TINAWAGAN O TINEXT MAN LANG? SIGURO MAY IBA KA NA NOH?" *beast mode*

"I'm sorry Baby Princess naging busy lang para dito, gusto kitang isurprise sa 1st monthsary natin as couple and 13th anniversary for our friendship. Wala akong iba. Ikaw lang ang mahal ko kaya wag ka ng beast mode diyan. I love you." Hinalikan niya ako sa noo.

Nakarinig ako ng palakpak and then I saw my friends and my parents. Ngayon ko lang napansin ang ganda ng paligid at nakatayo kami sa gitna ng malaking heart, para namang sinadya kong mapunta rito. Hehehe.

"I'm sorry Baby Princess na hindi kita binati ng maaga gusto ko kasi batiin kita sa oras ng surprise ko. Happy 1st monthsary Baby Princess. I love you." Ang sweet ng Baby Prince ko.

"Quotang-quota ka na sa kaka-I love you mo huh. Ako naman. Hehehe. Happy 1st monthsary Baby Prince. I love you kahit nakabeast mode ako kanina." I hug him tight.

Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya baka di ko mapigilan ang sarili ko na yakapin siya habang buhay. (choos!)

Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko. Hinahawakan niya ang kamay ko at may kinuha siya sa bulsa niya.

"Alam kong masyado pa tayong bata para sa ganito. Kakagraduate lang natin ng high school. Magkacollege pa tayo at magtatrabaho. Marami pang darating na pagsubok sa atin at naniniwala ako na kaya nating malampasan ang lahat ng yun. Mahal na mahal kita Princess Caliyah Garcia at hindi ko na hahayaan na magkalayo tayo kahit magkaamnesia ka man ulit.__Baby Princess, will you marry me 5 years from now?" OH MY GOD! Nagpopropose na siya--

"HOY! LALAKI! WALA SA USAPAN NA--asdfghjkl" Epal naman tong si Papa.

Yun na yun eh, nagmomoment na ako.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa lalaking mahal na mahal ko na nakaluhod ngayon sa harap ko.

"P-prince, akala ko nun di ko na maalala yung mga nangyari nun, akala ko di ko na maalala yung bestfriend ko. Nong nakilala kita akala ko ikaw yung bestfriend ko dahil sa tuwing nakikita at napapalapit ka sa akin ay biglang sumasakit ang ulo ko at may nakikita ako isang imahe pero nagbago yung akala ko dahil ang sama ng ugali mo, lagi mo pa nga akong binubully. Iniisip ko hindi ganun ang bestfriend ko, mabait at maaalahanin yung kaibigan ko pero nakakatawa dahil ikaw pala talaga ang bestfriend ko, ang Baby Prince ko." Huminga muna ako ng malalim bago ipagpatuloy ang sasabihin ko.

"Prince Allison Montemayor, YES! I will marry you 5 years from now." Napatayo siya at niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"Thank you. Baby Princess. I love you!"

"I love you too, Baby Prince."

Nagpalakpakan ang mga tao na nanunuod sa amin maliban sa tatay ko na naghuhumirintado.

Natawa nalang ako.

Sinong mag-aakala na ang bestfriend ko noon na mahinhin at naging bully sa akin ay siyang mamahalin ko habang buhay.

.

Sabi nga ng iba 'Do opposite really attract?'

And my answer is OPPOSITE DO ATTRACT.

-The End

*****

Thank you! Thank you so much sa mga sumabaybay ng estoryang to at sa mga supporta.

Love. Love. Love.

-DeeKeeCee

OPPOSITE DO ATTRACT ---COMPLETED [UNEDITED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin