ODA 6

3.9K 101 2
                                    

One week had passed, medyo nakaadjust na ako sa bago kong school at siyempre may kaibigan na ako, si Meddy.

Kasalukuyan kaming kumain ngayon ni Meddy sa cafeteria ng biglang nagtilian ang mga babae pati mga binabae.

"Nandyan na naman sila. Bilisan mong kumain Cali ng makaalis tayo agad dito." Mabilis inubos ni Meddy ang kanyang pagkain.

"Bakit Meddy? May problema--" Naputol ang sasabihin ko ng biglang--

"Oy! May kasama ka na pala nerdy girl." May tatlong na gwapong lalaki na nasa harap namin ngayon ni Meddy.

"Aist! Nakita na niya ako." Bulong ni Meddy.

Sino ba ang mga to? Bakit ganito ang reaksyon ni Meddy?

"Tara na Cali malalate na tayo." Hinila na ako ni Meddy palabas ng cafeteria. Narinig ko pa ngang tinatawag si Meddy nong lalaki kanina.

Nakarating kami sa mini park ng school.

"Sino ba ang mga yun? At bakit tumakbo tayo palayo sa kanila? Tinawag ka pa nong lalaki." Grabe! Hinihingal talaga ako.

"Pasensya ka na Cali huh, dinamay pa kita." Sabi ni Meddy na hinihingal din.

"Sino ba ang mga yun? " Paulit-ulit kong tanong.

"Actually apat sila, sila ang tinatawag na F4 dito sa FU at yung lalaking tumawag sa akin kanina si Nexus, kababata ko. Since mga bata pa kami may gusto na ako sa kanya kaya nong first year kami nagtapat ako sa kanya at dahil nerd ako pinahiya niya ako buong FU. Simula non nilalayuan na ako ng mga naging kaibigan ko at lahat na ng estudyante dito." Meddy.

Kawawa naman pala si Meddy. Akala ko sa teleserye lang nangyayari ang ganito pati rin pala sa totoong buhay.

"Para ka pala si Shanchai at Go Jandi. Heiehe. Wag kang mag-alala nandito naman ako,walang iwanan diba?" Yayakapin ko sana si Meddy ng bigla nalang sumakit ang ulo.

'Walang iwanan diba?'

Paulit-ulit na naririnig ko ang boses na yun sa utak ko.

"Cali, okey ka lang?" Hindi ko siya sinagot dahil sobrang sakit ng ulo ko, para itong mabibiyak.

"Cali? Cali? Cali?" and everything went black.

.

*****
Meddy's POV

May POV pala ako? Thanks author.

Wait, si Cali pala!

"Cali, okey ka lang?" Tawag ko sa kanya, bigla nalang kasi siyang namimilipit sa sakit ng ulo niya.

"Cali? Cali? Cali?" Bigla nalang siyang nawalan ng malay.

Hala! Anong gagawin ko?

Kailangan kong madala si Cali sa clinic pero paano? Hindi ko siya kayang buhatin.

"Hoy! Allison, kailan ka ba papasok? May balak ka bang pumasok?" Alam ko sinong may-ari ng boses na yun.

Aist! Bahala na! Ang importante madala si Cali sa clinic.

"HOY! NEXUS!" Tinawag ko siya, di naman masyadong malayo tong kinalalagyan namin ni Cali sa kanya.

Pinatay muna niya ang tawag at lumapit sa amin.

"Tatakbuhan mo ako, tapos ngayon tinawag-tawag mo ako.__Oh! Anong nangyari diyan sa kasama mo? Bakit diyan natulog? Wala ba siyang bahay?" Bakit ba ako nagkagusto sa lalaking to? Eh, mas madaldal pa siya kaysa akin.

Ay! Teka, si Cali pala.

"Nexus, tulungan mo naman akong dalhin to si Cali sa clinic, bigla nalang kasing sumakit ang ulo niya at hinimatay."

"ANO?! Ba't di mo sinabi agad?"

'Paano ko sasabihin eh, daldal ka ng daldal hindi ako makapasok.' Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero wag nalang.

Binuhat na niya si Cali na parang bagong kasal at nauna ng maglakad. Kinuha ko ang mga gamit ni Cali at sumunod na sa kanila.

Sana ako nalang si Cali ng maramdaman ko ring buhat ako ni Nexus.

***

Thanks for reading.

-dkc

OPPOSITE DO ATTRACT ---COMPLETED [UNEDITED]Where stories live. Discover now