ODA 26

3.3K 71 2
                                    

Allison's POV

Kakarating lang namin nina Cliff at Nathan sa bogenVILLA ng sinalubong ako ng isang babaeng mukhang clown.

"Ang tagal niyo naman Allison di niyo tuloy nakita ang magandang eksena dito kanina." Anong eksena ang pinagsasabi nito?

"BITAWAN MO NGA AKO NEXUS. HINDI PA AKO TAPOS SA BABAENG MUKHANG ISPASOL NA YUN." Nakita naming pababa n hagdan sina Meddy na hinawakan ni Nexus.

"Wag mo na nga sabing patulan baka ikaw naman ang masuspende niyan."

"Sinong nasuspende?" Agad kong tanong ng tuluyan na silang makababa ng hagdan.

"Si Cali. Pinagbintangan siya ang nagnakaw na kwentas ni Monique na alam naman nating hindi magagawa yun ni Cali. Sigurado akong pinlano niya to." Meddy.

"Nasan si Cali ngayon?" Ano na naman tong ginawa mo Monique?

"Nasa opisina pa ni Ms. Custodian." Nexus.

"Sigurado akong di na makakasali si Cali sa Treasure hunt natin mamaya." Nathan.
-------------------

"Monique, ano na naman tong ginawa mo?" Pinuntahan ko si Monique dito sa veranda ng bogenVILLA.

"Anong ginawa ko? Wala naman, nakaupo lang ako rito."

"Wag mo akong gawing tanga. Ano ginawa mo kay Cali?"

"Wala naman akong ginawa sa kanya. Siya pa nga tong may ginawa sa akin, ninakaw niya ang kwentas ko." I don't believe you.

"Oras na malaman kong may pakana ka rito. Kakalimutan kong kilala kita." Akmang aalis na ng---

"Yan naman talaga ang gusto mo ang kalimutan ako diba? Dahil sa Cali na yan. Allison,patawarin mo ako sa nagawa ko noon. Mahal na mahal pa rin kita. Please bumalik ka na sa akin." Bigla siyang lumuhod sa harap ko.

"Tumayo ka na diyan Monique, pinapatawad na kita matagal na but I'm sorry hindi na kita mahal." Yun naman talaga ang totoo.

"BAKI? SINO ANG MAHAL MO? SI CALI BA? SI CALI? ANO MAGSALITA KA? SI CALI BA?"

"HINDI!" Hindi ko alam kung si Cali ba talaga, dahil mahal ko rin si Princess, yung bestfriend ko. Although, hindi pa kami nagkita muli. Narealize ko lang isang araw na may naramdaman ko sa kanya at higit pa sa kaibigan yun.

"Hindi ako naniniwala sayo. Sinabi mo lang yan para tantanan ko si Cali but I'm sorry hindi ko siya titigilan hangga't hindi siya nawawala sa landas ko." At padabog siyang umalis sa veranda.

Alam kong kayang gawin ni Monique lahat ng sinabi niya, kailangang protektahan ko si Cali.

Pero paano?

*****
Cali's POV

Pinalipat ako ng kwarto ni Ms.Custodian baka raw kasi may mangyari sa amin ni Monique dahil sa insedinte kanina.

Nagpapasalamat nalang din ako dahil hindi naniniwala si Ms.Custodian sa binibintang ni Monique sa akin.

"Sana sa first day natin dito sa bogenVILLA magkaroom mate na tayo, di sana ka ginagawan ng kasalanan ng babaeng mukhang ispasol na yun." Nalipat ako dito sa kwarto nina Meddy at si Grace naman na ka room mate ni Meddy ay nalipat dun sa kwarto namin ni Monique.

"Cali, sayang nasuspende ka di ka tuloy makakasali sa activity natin bukas, masaya pa naman yun." Kahit hindi naniwala si Ms.Custodian sa binibintang ni Monique sa akin ay sinuspende pa rin niya ako baka raw kasi isipin ng mga kaklasi ko na kinukunsenti niya ako.

"Okey lang yun Meddy, ano ka ba? Tsaka isang activity lang naman ako di kasali." Yah! Isang activity lang ako di kasali at yun yung Treasure Hunting. Yun pa din naman ang pinaka favorite ko.

"Magbabayad talaga ang Monique na yan, oras na malaman ko na siya ang may pakana nun. Sasabunutan ko talaga siya." Sabi niya habang ikinikuyom ang mga kamao niya.

Ningitian ko nalang siya, wala naman kasi akong balak laban kay Monique oras na malaman ang totoong pangyayari.

*****
Thanks for reading!

-dkc

OPPOSITE DO ATTRACT ---COMPLETED [UNEDITED]Where stories live. Discover now