ODA 34

3.5K 79 3
                                    

Cali's POV

May family dinner kami ngayon kasama ang family ni Prince.

Sabi kasi ni Papa na matagal na daw kami di nakapagdinner kasama ang family ni Prince.

Nong mga bata pa kasi ay lagi talaga kaming nagdidinner kasama sila sa bahay namin and vice versa.

At ngayong gabi ko na rin sasagutin si Prince. Halos tatlong buwan na din siyang nanliligaw sa akin and I think this is the right to give my YES to him.

Nakapagpaalam na ako kina Mama at Papa na sasagutin ko na si Allison. Siyempre, niyakap ako ni Mama at masaya siya para sa akin pero si Papa iba ang reaksyon. Ganito--

"HINDI AKO PAPAYAG. Hindi ako papayag na magboboyfriend na ang aking my one and only baby princess."

Natawa pa nga kami ni Mama kasi ang tigas ng boses niya nong una tapos biglang huminahon at nag-iiyak.

Gayun pa man, naiintindihan ako ni Papa dahil kay Mama atsaka hindi ko naman sila iiwan. Magboboyfriend lang ako hindi pa ako mag-aasawa.

Mga ilang sandali nakarating na rin kami sa isang restuarant na pagmamay-ari ng pamilya nina Prince.

Agad ko namang nakita si Prince pagkapasok ng pagkapasok namin sa restuarant. Sinalubong naman niya kami, hindi pala ako lang atsaka niyakap.

"Ehem." Sino pa ba nga edi ang magaling ko Tatay.

"Hehe. Good evening po Tito, Tita!" Nagbeso naman si Prince kay Mama at shakehands lang kay Papa.

Giniya naman kami ni Prince papunta sa mesa nila at nandun na nga sina Tita Carmen at Tito Rusty.

"Long time no see Pare. Kamusta ka na?" Tito Rusty to Papa.

"Eto pa rin gwapo. Haha. Ikaw kamusta ka na? Kamusta yung business niyo?" May kahanginan din palang taglay ang Tatay ko.

"Maayos naman at medyo nakabawi-bawi na. Salamat talaga sayo pare." Tito Rusty to Papa.

Sige na, kayo na ang mag-usap, isipin niyo lang na wala kami rito.

Kaimbyerna tong mga tatay namin daig pa ang mga babae kung makipagchismisan.

"Grabe! Mari, di pa rin pala nagbabago ang dalawang to." Tita Carmen to Mama.

"Oo nga, dinaig pa tayong dalawa." Mama to Tita Carmen.

At yun, ang dalawa naming nanay may sarili ding business.

Kainis naman parang wala kami rito sa tabi nila. May kanya-kanya na silang mundo.

Haaay! Gutom na ako.

"Looks like we're out of here. Let's go." He offered me his hand and my heart beats fast.

I don't mind what's happen to our surroundings and when I back to my senses nandito na kami sa labas ng restuarant.

Isang garden at may fountain sa gitna. Sa gilid naman ay may apat na bench na nakaharap sa fountain. Yung fountain naman ay mag-iiba kulay ng tubig gawa ng mga lights na nasa gilid ng fountain.

Inalalayan niya akong maupo sa isa sa mga bench na nakaharap sa fountain.

"Thank you Prince at dinala mo ako rito." Sabi ko sa kanya without looking at him. Nakatuon kasi ang atensyon ko sa fountain.

"Anything for my Princess." After that natahimik kaming dalawa.

"Princess, it's been 3 months since the day I court you and I'm happy cause you let me and I'm more happier If you said Yes to me, but If you're not ready to answer me. I'm willing to wait." Nagdrama naman si Prin.ce

"YES." Sabi ko. I don't know If he gets it.

"Anong Yes ang pinagsasabi mo Princess?" Ngek! Hindi pala niya talaga na gets.

"A-ano kasi. Ahmm. Paano ko ba sasabihin to?" Alam ko na.

"Magtanong ka sa akin ng kung anu-ano. At sasagutin ko ng buong puso." Sana man maisip niya yung gusto kong itanong niya sa akin. Hehehe.

"Sige. Isa lang naman ang gusto kong itanong sayo yun ay "WILL YOU BE MY GIRLFRIEN?"" Natumbok mo.

"YES!" Walang anu-ano'y sagot ko.

****'
Thanks for reading!

-dkc

OPPOSITE DO ATTRACT ---COMPLETED [UNEDITED]Where stories live. Discover now