Prologue

13.9K 220 5
                                    

"Mama!!"

"Anak dali magtago ka!!"

"Tanya! Magtago kayo ng anak mo!! dalian nyo!"

Iyak ng iyak ang batang lalaki habang pilit inaabot ang kamay ng papa nito. Hawak ang isang baril at patuloy na nakikipagbarilan sa mga taong nasa labas ng kanilang bahay. Warak at hindi na mapapakinabangan ang kanilang bahay na ng nilalamon ng apoy.

Bumulahaw sa tahimik na gabi ang malalakas na putok ng baril at hiyaw ng mga taong nag-aagaw buhay.

"Mama..si papa?" Iyak ng pitong taong gulang na lalaki sa ina nitong nanginginig sa takot. Hindi nya maintindihan ang nangyayari. Bakit ang napapanuod nya sa TV ay nangyayari sa kanila. Pumasok ba sila sa loob ng TV? Gulong-gulo ang bata.

Ang sabi ng papa nya hindi totoo ang napapanuod nya sa telebisyon at pulos kathang isip lang ang lahat. Ngunit ano ngayon ito? Imahinasyon lang ba ang mga naririnig nyang putukan ng mga baril?

Ang duguang yaya Sinda nya na nakahandusay sa sahig?

Ang init ng apoy na dumadampi sa batang balat nya?

Ang mga dugong nasa sariling kamay nya na galing sa Papa nya?

"A-anak.." nanginginig na tawag ni Ginang Tanya sa anak nitong puno ng luha ang mukha. Hindi ito makapagsalita ng maayos dahil sa takot na nararamdaman. Nasa isip nito na ngayong gabi matatapos ang buhay nilang pagpapamilya.

Pinagmasdan ng Ginang ang natitirang pagkakataon na makikita nya ang anak. Nanlalabo man ang mata at mahapdi dulot ng usok na kumukulob sa buong kabahayan ay pinilit nitong memoryahin ang bawat bahagi ng anak. Mahal na mahal nya ito at ngayon palang gusto na nyang mamatay dahil alam nyang masakit ang kakahantungan ng lahat.

"Ma-makinig kang m-mabuti kay m-mama h-hah?" Garalgal na kausap nito sa anak.

Pumikit sya ng mariin at pinakiusapan ang sarili na magpakatatag. Hindi nya pwedeng sabayan ang anak dahil responsibilidad nyang patatagin ang loob nito na kahit sa loob-loob nya ay hinang-hina na sya.

Nakisabay sa pag-atungal ang batang lalaki. "Shhh.. wag kang umiyak anak." Mariing niyakap nya ang bata at mahinang inihele ito. Kahit man lang sana makatulog ang anak nya habang binabawian sila ng buhay. Napakabata pa nito para maranasan ang lupit ng mundo.

Juice ko huwag nyong papabayaan ang anak ko.. piping usal ni Tanya para sa anak. Hiniling nyang mabuhay ang anak nya o mauna syang mamatay dito dahil hindi nya kakayanin ang makitang pinapatay sa harapan nya ang anak. Hindi nya kaya..

"Tanya!!"

Sigaw ng asawa nito. Patuloy parin ang ingay dulot ang putok ng baril ngunit hindi iyon inisip ng asawa nito.

"Dyan ka lang hah a-anak?" Pikit matang bilin nito sa anak. Tinago nya ito sa likod ng hagdan kong saan may maliit na taguan kung saan malimit syang magtago kapag maisip nyang pag-alalahin ang magulang nya.

"Mama!!" Bulahaw ng bata ng tangkain ng mama nitong iwan sya. Takot na takot ang batang lalaki na lumambitin sa binti ng ina. "Mama!! Wag mo po akong iiwan!!" Takot na takot na atungal nito.

Humagulgul ang ina nito at pinalis ang mga luhang lumalandas sa makinis na mukha ng anak.

Mapait itong ngumiti at pinakatitigan ang anak sa huling sandali ng buhay nya. Kahit ngayon magwawakas ang buhay nito ay masaya sya at nagkaroon sya ng anak na ganito.

"M-mahal na mahal ka ni mama." Doon na bumigay ang ibayong pagpapakatatag nya. Niyakap nya ang anak- ng mahigpit na mahigpit bago ito sapilitang ipasok sa taguan..

Carrying The Demons ChildWhere stories live. Discover now