The Pregnant Virgin

2.3M 34.7K 10.7K
                                    

PROLOGUE

"Anak, paglaki mo magiging madre ka, ha?"

"Opo, mama."

Bata pa lang ako iyon na ang madalas na sinasabi sa akin ni mama, dahil mabait na anak ako at hindi ko pa naiintindihan ang mga bagay na yun noon umu-oo na lang ako. Lumaki ako sa isang relihiyosong pamilya. My mother was a devoted Marian and my father used to be a seminarian. Hindi natuloy ang pagpapari ni papa dahil nga nakilala niya si mama. He first saw mama singing in the church choir and instantly fell in love with her. Sa simbahan sila nagkakilala at nagligawan. Napagdesisyunan ni papa na lumabas ng seminaryo para kay mama at hindi nagtaggal nagpakasal sila at nagkaroon ng isang magandang anak na pinangalanan nilang Marian. Kahit na hindi natuloy ang pagpapari ni papa, he still served God in his own way.

Bata pa ako ng mamatay si papa. Volunteer siya noon sa isang Catholic Mission kung saan pumupunta sila sa mga liblib na lugar sa Pilipinas o sa mga bundok para tulungan ang mga taong hindi nakakaabot ng tulong mula sa gobyerno at para na rin ikalat ang salita ng Diyos. Pauwi na sila mula sa kanilang misyon ng mahulog sa bangin ang sasakyan nila.

Nang mamatay si papa napagdesisyunan ni mama na mas maganda kung ipagpapatuloy ko ang nasimulan na ni papa. She wanted me to be a nun

Kaya ito ako ngayon, the 18 year old me in front of the convent. Ibinaba ni mama mula sa likod ng kotse ang travelling bag kung saan nakalagay ang mga damit ko. Konti lang ang damit na dinala ko, mga underwear lang at bra dahil may uniform naman daw kami sa kumbento.

Humarap sa akin si mama at ngumiti. She cupped her face with her hands."Kung buhay lang ang papa mo, he'll be so proud of you."

Pinilit kong ngumiti. Was this the life I really wanted? No. This was what she wanted for me. Bata pa lang ako kinundisyon niya nang magiging madre ako.

Pumasok kami sa kumbento at binati kami ng isang madre. Dinala niya kami sa isang opisina kung saan sila nag-usap ni mama sandali bago siya nagpaalam sa akin.

"Anak, magpapakabait ka ha?" Naluluhang sabi niya sa akin.

"Opo, ma." Sagot ko. Like I have a choice. Wala naman pwedeng gawin dito sa kumbento kung hindi magpakabanal.

She kissed me on the forehead and left. Dinala ako ni sister Abigail sa isang kwarto na may dalawang kama. Sa isang kama, may nakalatag ang isang puting tela at sa bintana naman ay nakaupo ang isang babae na may hawak na bible. She was wearing a black dress over a white shirt and and a white veil. She smiled sweetly at us.

"Good morning, sister Abigail." Bati niya sa madre.

"Good morning, sister Betsy." Nakangiting sabi ni sister Abigail. "Ito nga pala si sister Marian ang bagong room mate mo."

"Hi, sister Marian." Ngumiti siya sa akin.

"Hi."

"Sister Marian, siya si sister Betsy." Pakilala ni sister Abigail. Pagkatapos niya kaming ipakilala sa isa't isa, sinabi niya sa akin na kailangan ko daw isuot ang uniform na nasa ibabaw ng kama,

"Muntikan na yun." Natatawang sabi ni sister Betsy bago niya inabot ang sigarilyo na nakalapag sa gilid ng bintana.

"Ano'ng ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

She inhaled the cig and chuckled. "Gusto mo?" She offered me her cig.

Umiling ako. Hindi naman ako marunong magsigarilyo.

"Pwede ba yan dito?" Tanong ko.

"Itatago ko ba ito kung pwede?" She said, smiling. Nagpalit na ako ng damit and I wore the same outfit sister Betsy was wearing. Maya-maya ay tinawag na kami ni sister Abigail para kumain. Pagkatapos namin kumain, pinaglinis kami ng buong kumbento. Masyadong old fashioned ang kumbentong ito kaya kinailangan ko pang punasan ang sahig gamit ang mga kamay ko. Pagkatapos naman namin maglinis nag-rosary at nag spiritual reading kami.

"Marian..." Nagising ako ng may kamay na umalog sa balikat ko. Napabalikwas ako at nakita ko si Betsy.

"Bakit?" Tanong ko. I was still half asleep.

"Baba tayo." Aya niya.

"Saan tayo pupunta?" I asked.

"Basta." She answered, grinning. Hinatak niya ako patayo sa kama. Dahan-dahan kaming lumabas ng kwarto. It was dark and quiet outside. Bumaba kami sa hagdan at pumasok sa isang kwarto. Two other girls were already in there. I had met them earlier, sila si sister Rose at sister Andrea.

"Hi, Marian!" Bati sa akin ni sister Andrea.

"A-anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.

"We're going to have fun." Sagot ni sister Rose. Napakunot ang noo ko. Inilabas ni sister Andrea ang dalawang bote ng wine.

"I-ce-celebrate natin ang pagpasok mo dito sa kumbento." Sabi ni sister Betsy. Inilabas din nila ang sacramental cup at naglagay ng wine doon. God, I didn't know may mga ganito palang nangyayari sa loob ng kumbento. I thought everyone was holy here.

"Blood of christ." Natatawang iniabot sa akin ni sister Betsy ang cup. I stared at it for awhile bago ko kinuha iyon mula sa kanya. Pinainom nila sa akin iyon hanggang maubos ko ang laman ng cup.

We drank, talked and had fun. Maybe life in the convent isn't so boring after all.

"Hallelujah!" Napatingin ako sa may pinto kung saan nanggaling ang boses na iyon. It was sister Abegail and she was at the door.

"It's raining men! Hallelujah, it's raining men. Amen." Natatawang kanta ni sister Andrea habang nagsasayaw. She was already tipsy, siya ang may pinakamaraming nainom sa amin. And she didn't know it was sister Abegail dahil nakalikod siya sa pinto.

Namumutlang napailing ako sa kanya at tumingin kay sister Abegail. Everyone looked at the direction I was looking at. Their faces turned pale.

I got kicked out on my first day in the convent. Kinabukasan ay pinatawag nila si mama at agad niya akong sinundo.

The Pregnant VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon