BIL 3

5.6K 199 14
                                    

Rhian's POV

'Bakit sya nagkakaganito? Bakit sya nakikipag harutan sa babaeng yun? Bakit nya hinahayaan na  landiin sya ng babaeng yun sa public place.. at dito pa talaga sa mall ha? bakit ang gulo nila? Bakit ang saya nila? Wait... tama ba tong nakikita ko?? Babae ang kaharutan nya??..'-kahit gulong gulo ako sa nakikita ko.. hindi na ko nakapagpigil at lumapit na sakanilang dalawa..

"Hoy! Kung gusto nyong magharutan at maglandian wag naman dito! Wag sa gantong lugar! Di to luneta.. mall to! Ang haharot nyo! nasa gitna pa kayo!"-sabi ko sakanila

"What?? what are you talking about?!"-rinig kong sabi nung babaeng kasama nya..

"Wag mo kong winawat wat dyan.. baka tamaan ka sakin.."-mataray na sabi ko sakanya..akala nya ha?

Nagulat ako ng humarap sakin ang bestfriend ko na masama ang tingin sakin.. binigyan nya ko ng tipid na ngiti at yumakap doon sa babaeng kasama nya na parang may binulong sya dito at umalis na yung babae na ikinatuwa ko naman..

'Seriously sa harap ko pa talaga?'-sabi ko sa isip ko.. lumapit sya sakin at may binulong..

"I know, you're jealous Howell.."-pang aasar na sabi nito..

'Shit.. ano bang trip nya?? Ako nagseselos?? Nagseselos nga ba ko?? Nagseselos ka ba talaga Yoyon??'-sabi ko ulit sa isip ko..

Parang hindi ko na sya kilala.. nagbago na sya.. ibang iba na sya.. hindi na sya ang Glaiza Galura na kilala ko.. hindi na sya si Cha na bestfriend ko..

"Glaiza tumigil ka na! Tigilan mo na yang mga kalokohan mo.. walang alam si Rhian.."-nagulat ako ng biglang magsalita si Bianca..

'Ano ang kailangan kong malaman? Ano ang mga hindi ko alam?'

"Wag kang mangielam Bianca.. hindi ikaw ang kausap ko.."-seryosong sabi nya kay Bianca.. tinignan nya ito ng masama.. ang taray ng muka nya.. parang ang sungit sungit nyang tignan..

"Ano ba ang nangyayari sayo Cha?"-di ko napigilang itanong sakanya..

"Hindi mo kasi alam.."-sabi nya na hindi man lang nakatingin sakin..

'Tsss.. ano ba kausap tong si Glaiza.. malamang di ko alam kaya nga nagtatanong eh.. baliw lang?'-sabi ko sa isip ko..

"Ano bang nangyari sayo? Bakit ka ganyan? I'm your bestfriend! May karapatan akong malaman kung bakit nagkakaganyan ka!"-di ko mapigilang sigawan sya.. nasasaktan ako sa nangyayari..

"Kahit tinaboy mo ko Glaiza.. bestfriend parin kita.."-dagdag kong sabi sakanya..

Ngumiti sya ng nakakaloko sakin..

"You want to know the truth??"-tanong nya sakin

Nilapit nya ang muka nya sakin at tinignan ako sa may bandang labi ko at bigla syang nagsalita..

"It's your fault kung bakit ako nagkakaganito.."-seryosong sabi nya sakin..

Hinawakan nya ang mga kamay ko.. tinignan ako ng sincere sa mga mata ko.. parang namagnet nya ang mga to dahil parang ayokong humiwalay sa mga tingin nya.. huminga sya ng malalim..

"Mahal kita Rhian.. Mahal na mahal.."

Para akong nabingi sa mga sinabi nya.. hindi ko alam ang sasabibin ko.. hindi ko alam ang isasagot ko.. di ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.. pero alam ko mas nangingibabaw ang saya sa puso ko..

"Glaiza.."-yan lang ang tanging nasabi ko..

"Yoyon.. Mahal na mahal kita.."-sabi nya ulit sakin..

Besfriends Into LoversWhere stories live. Discover now