BIL 41

1.3K 92 6
                                    

Glaiza's POV

Parang gusto kong ibuga yung kapeng nainom ko sa pagmumuka nitong si Rafael, bakit nya gustong isama si Rhian? Okay na eh.. natutuwa ako na pinagbigyan nya si Kylie sa gusto nitong lumibot dito sa London, pero ang isama si Rhian? No way! Para ano? Pormahan nya? Tss..

"Babe.. okay ka lang ba??"-rinig kong sabi ni Kylie habang papalapit sakin

I compose myself..

'No I'm not! Pagsabihan mo yang pinsan mo na wag dikitan si Rhian!'-yan ang gusto kong sabihin ngayon sakanila pero syempre hindi ko pwedeng gawin yon, isa pa wala na nga pala akong pakielam sa babaeng yun..

"Ha?? Ofcourse I'm okay babe.."-ngiting pilit ko sakanya..

Napatingin ako sa gawi ni Chynna na ewan ko ba dito at nagpipigil ng tawa, tinignan ko sya ng masama.. binigyan nya ko ng tingin na makahulugan..

"Okay lang naman babe diba?"-rinig ko ulit na sabi ni Kylie habang nakayakap sakin na halatang naglalambing.. hinawakan ko ang kamay nya..

"Ofcourse.. pwede naman Rafael.."-wala na kong nagawa kundi ang pumayag..

"Yes! Thank you guys!"-rinig kong sabi ni Rafael na halatang tuwang tuwa at kinuha ang cellphone nya at may tinawagan, and I guess si Rhian yun..

'Kakakilala palang nya sa lalaking to, binigay na agad nya ang contact number nya? Gusto nya rin ba tong si Rafael?'

'Nakakainis!'

End of POV

——————————-

Katatapos lang maligo ni Rhian at sakto naman na nag ri-ring ang cellphone nya.. agad nya itong tinignan, napakunot ang noo nya dahil hindi nakaregister ang numerong tumatawag..

"Hello??"-sabi nya sa kabilang linya at hinihintay marinig ang boses ng kausap..

"Hi Rhian! It's me Rafael.."-masayang pagbati nito sakanya.

Napakunot ang noo ni Rhian sa pagtataka, na tila ba akala mo ay nakikita ng kausap ang muka nya.. wala naman syang natatandaan na binigay nya dito ang contact number nya..

"Hmmmm.. I'm sorry, hiningi ko kay Bianca ang number mo.."-biglang sabi ni Rafael na akala mo ay nabasa kung ano ang nasa isip ni Rhian

"Ah.. yeah Rafael? Napatawag ka?"-sagot ni Rhian sa kabilang linya at tinignan ng masama ang bestfriend nya na kasalukuyang nakaupo at nakatingin sakanya, nag peace sign naman ito sakanya ng mukang nagets ang ibig nyang sabihin..

"Yayayain sana kitang sumama samin nila Glaiza, nagyayaya kasi si Kylie gumala eh.. sama mo narin si Bianca.."-masayang sabi nito

"Eh kasi Rafael..."-hindi nya alam ang isasagot dito, dahil hindi naman nya alam kung gusto ba ni Glaiza na kasama sya..

"Ayaw mo??"-malungkot na sabi nito, nakaramdam naman sya ng konsensya..

"Uhm no Raf.. okay lang ba kila Glaiza? I mean, alam mo na baka kasi ayaw nila na may ibang kasama?"-paninigurado ni Rhian

"Okay lang.. gusto din nila! So, see you later Rhian! Sunduin namin kayo ha? Text me your address.. bye!"-masayang sambit nito at ibinaba na ang tawag

Bumaling si Rhian sa kaibigang si Bianca at tinignan nya ito ng nakamamatay na tingin..

"What?!"-patay malisyang tanong ni Bianca

"Wag ka ng mag maang maangan dyan B! Alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko.."-taas kilay na sabi ni Rhian sa kaibigan.

"Oh? Anong masama dun bestie? Single ka naman, at wala naman akong nakikitang masama sa pagbigay ko ng number mo dun kay Rafael, and besides..... gwapo naman sya ah?"-pangaasar na sabi ni Bianca dito

"Edi sana number mo nalang ang binigay mo! Baka isipin ni Glaiza, easy to get ako kay Rafael.."-Rhian

"Easy to get agad? Number lang yung hiningi hindi naman ang sarili mo! Palibhasa hindi si Glaiza ang humingi ng number mo.."-mapang asar na turan ni Bianca kay Rhian

"Tse! Mag ayos ka na nga! Sasama tayo sakanila!"-sabay bato ng tuwalya ni Rhian kay Bianca at iniwan na ito sa kwarto

"Ouchhhh! Sobra ka na Howell ah!"-pahabol na sigaw ni Bianca kay Rhian

———————————

Nagmamadaling bumaba ng hagdanan si Rhian dahil nasa labas na daw ng bahay nila sila Rafael at naghihintay..

"Bianca let's go!"-sigaw nito sa kaibigan na nasa taas pa

"Wait! Eto na.."-sagot ni Bianca na ngayon ay pababa na

Hinila na ni Rhian si Bianca palabas ng bahay..


"We're sorry guys.. ang tagal kasi ni Bianca.."-hingi ng paumanhin ni Rhian

"No, it's okay Rhi.."-nakangiting sabi ni Rafael na ngayon ay pinagbuksan sya ng kotse sa tabi ng driver's seat

"Thanks.."

Pagkasakay ni Rhian ay sumakay na din si Rafael sa driver's seat.. napansin nito na hindi pa kinakabit ni Rhian ang seatbelt nito, he decided na sya nalang ang magkabit, unti unti syang lumalapit kay Rhian habang nakatingin sa magandang muka nito na hindi naman nakaligtas sa mga mata nila lalong lalo na kay Glaiza, nanlaki ang mga mata nito dahil malapit na talaga si Rafael kay Rhian..


'May balak ba syang halikan si Rhian?'-tanong ng isip ni Glaiza



"Rafael! Anong ginagawa mo kay Rhian?!"-nanlalaking matang tanong ni Glaiza dito dahilan upang mapatingin sakanya ang mga kasama

"Ha?? Kinakabit ko lang ang seatbelt nya.."-nagtatakang sagot ni Rafael

"Ha? Seatbelt? O—-oo nga.. wala, kasi ano eh.... kasi si Mike, gusto daw umupo dyan sa harapan.."-pagpapalusot na sabi ni Glaiza na tumingin kay Mike at ipinagdadasal na sana ay sumakay ito sa sinabi nya pero parang nabigo sya..


"Ha? Hindi ah.. ayoko nga dyan sa harapan eh, mas gusto ko dito sa likod noh.."-Mike

"Diba sinabi mo sakin kanina?"-ulit ni Glaiza na pinanlakihan ng mata si Mike pero di parin ata nito nakuha ang gustong iparating ni Glaiza

"Wala akong sinasabi Glaiza, ayo—-"-di natuloy ni Mike ang sasabihin ng pandilatan sya ulit ng mata ni Glaiza

"Oo na gets nanamin Glaiza.."-natatawang sabat naman ni Bianca

Tinignan naman ito ni Glaiza ng masama, buti nalang talaga ay nasa kaliwa nya si Kylie at sa dulo ito nakapwesto kaya hindi nakikita nito ang mga pandidilat nya kay Mike at Bianca.. nagtataka naman sila Rhian sa mga ito..

"Okay na Rafael.. alis na tayo.. wag mo ng pansinin ang mga yan.."-natatawang sabi din ni Chynna dito para makaalis na sila dahil baka makahalata din si Kylie na nagseselos naman kasi talaga ang girlfriend nya sa pinsang si Rafael..

Nagtitinginan sila Bianca, Chynna, Ben at Mike, natatawa sila dahil sa inasta ni Glaiza.. nagkibit balikat nalang si Rafael at pinaandar na ang kotse para sa first destination nila..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.



A/N:another update? Gusto nyo ba ng maraming selosan?hahaha..

Hindi naman halata masyado si Glaiza noh??😂😂😂

Abangan ang mga sunod na mangyayari..😁 sorry sa lame ud..

Besfriends Into LoversWhere stories live. Discover now