BIL 33

2.7K 119 12
                                    

Kasalukuyang nag tatawanan at nag ku-kwentuhan sila Solenn at Glaiza ng biglang dumating si Patty..

"Hi Babe.. So, okay ka na? Nakakatawa ka na eh.."-Patty

"Hello Babe.. Ito kasing si Solenn eh kung anu ano ang kinukwento.."-natatawang sabi ni Glaiza

"Ano nga ulit yung tawag mo sakin?"-Di makapaniwalang reaksyon ni Patty..

"Babe.. Bakit? Mali ba?"-Glaiza

"No.. Nagtataka lang ako.. So ibig sabihin ba nito, nakapag isip ka na?"-Patty

"Yes Babe.. Naisip ko na tama ka, walang mangyayari kung si Rhian ang pipiliin kong mahalin.. Ano pang silbi ng pagmamahalan namin kung hindi naman na kami magkikita kailanman? Naisip ko lang na mas mabubuhay pala ako ng matagal kung ikaw ang pipiliin ko.. So, that's it.."-Mahinahon na sabi ni Glaiza dito pero deep inside gusto nyang bawiin ang lahat ng iyon..

"Sabi ko na nga ba eh.. (Yakap kay Glaiza) hindi mo pagsisisihan na ako ang pinili mo.."-masayang sabi ni Patty

"Pwede ba kitang mayakap Patty?"-Glaiza

"Ofcourse Babe!"-sabi nito na nag open arms pa..

"But how? Nakatali parin ako.."-Glaiza

"Oo nga pala.. Dahil dyan sa desisyon mo, pakakawalan na kita.."-Patty

"Hey! Seryoso ka Patty? Baka niloloko ka lang ng lesbianang yan.."-Jason

"No Kuya! Alam kong totoo ang sinasabi ni Glaiza sakin.."-Patty

"Pag isipan mo.. Baka maisahan tayo nyan.."-David

"Shut up David! Tanggalin mo nalang ang tali nya! Kung ayaw mong ikaw ang itali ko dito.."-sigaw ni Patty dito na agad naman sinunod ni David

//hahaha.. Uto uto si Patty.. Uto uto si Patty..🎤🎤🎤

Agad naman tinanggal ni David ang nakatali kay Glaiza..

"Babe, pakawalan mo narin si Solenn.. Tutal naman sumunod din sya sa gusto mo mangyari.."-Glaiza

"Okay Babe.. David, tanggalin mo narin ang nakatali kay Solenn.."-nakangiting utos ni Patty dito..

Hinalikan ni Patty si Glaiza, ayaw man nyang halikan ito pabalik pero no choice sya, kailangan nya itong paniwalain na handa nya itong mahalin pabalik..


"Congrats Patty.. Nasayo na si Glaiza.."-Nakangiting sabi ni Solenn

"Thank you.. Sige na Solenn makakaalis ka na.."-Patty

"Ako din ba makakauwi na?"-Glaiza

"Hahaha.. Ofcourse not Glaiza.. Ano ako tanga? Alam kong uuwi ka dahil gusto mong makita si Rhian, kaya naman simula ngayon palagi mo na kong kasama dahil kung hindi, hindi ako magdadalawang isip na saktan ulit si Rhian.."-Patty

"Sige guys una na ko.. Glaiza, I have to go.. Congrats sainyo ni Patty.."-sabay alis ni Solenn

'Shit! Naisahan ako ni Solenn..'

'Bakit nya ko iniwan dito..'

Inis na inis na sabi ni Glaiza sakanyang isip..

Besfriends Into LoversWhere stories live. Discover now