BIL 25

3.3K 196 32
                                    

Glaiza's POV

Nagising ako na ang bukod tanging nakikita ko ay puti..

'Nasan ako?'

'Nasa heaven na ba ako?'

'Patay na ba ako?'

Inilibot ko ang aking mga mata at napagtanto kong nasa kwarto lang pala ako at buhay na buhay pa.. Bahagya akong kumilos pero nakaramdam ako ng sakit, kirot, hapdi lahat na yata ng klase ng sakit ay nararamdaman ko.. Napansin ko rin na ang daming nakaturok sakin na mga aparato.. Inisip ko, inalala ko kung ano ang nangyari sakin..

'Shit.. Si Patty.. Paano nya nagawang ipapatay ako sa kapatid nya? Makuha nya lang ako gagawa sya ng masama? Hindi na baleng mamatay ako wag lang ako mapunta kay Rhian?'

'Si Rhian?? Oo nga pala.. Alam na kaya nya? May pakielam kaya sya?'

'Yoyon.. Kailangan kitang makausap.. Hindi ka pwedeng magpakasal sa Jason na yun.. Kapatid sya ni Patty.. May kailangan kang malaman..'


"Ate??"-rinig kong sabi ni Alchris

"Ate Chynna! Ate Bianca! Si Ate gising na!"-rinig ko ulit na sigaw ng kapatid ko

"Ha? Wa--wait tatawagin ko si Doc.."-narinig kong sabi ni Bianca at agad tumakbo palabas..

"Tsong!! Salamat sa Dyos at nagising ka na.."-umiiyak na sabi ni Chynna sakin

'Bakit ang OA ng reaksyon nila? Ganon na ba ako katagal natutulog? Malubha ba ang lagay ko? Parang hindi naman..'

"Chy---Chynns, S--si Rhian??"-nauutal kong sabi.. Ewan ko ba parang medyo nahihirapan pa ko magsalita..

"Nasa CR lang.. Alalang alala sayo.."-sabi ni Chynna sakin..

"Ta--talaga? U--umuwi sya?"-sabi ko na parang nauubusan ako ng hangin..

"Oo Ate.. Umuwi si Ate Rhian para sayo.. Si Nanay alalang alala din sayo pero natext ko na sabi ko gising ka na.."-tumango nalang ako sakanila pero natuwa ang kalooban ko sa narinig ko na umuwi sya para sakin.. She really cares for me..

Maya maya pa ay narinig ko na si Bianca at ang Doctor.. Chineck ako, parang hindi makapaniwala na nagising ako at nung na realize nya na okay naman ako at normal lahat sakin lumabas na ito at babalik nalang daw mamaya para i check ako at para daw sa result ng mga ginawang tests sakin..

"Tsong gusto mo bang matapos na ang paghihirap mo?"-biglang tanong sakin ni Chynna

'Loko to, gusto na ata akong matuluyan..'

"Ayoko pa mamatay Chynna.."-deretso kong sabi pero mahina lang..

"Sira.. Kay Rhian ang ibig kong sabihin.."-natatawang sabi nya sakin

"Matutulungan ka namin Ate.."-sabat naman ni Alchris

"Malalaman mo na kung may pag asa ka kay Bestie.."-nakangiting sabi ni Bianca sakin

Besfriends Into LoversWhere stories live. Discover now