BIL 35

2.7K 121 18
                                    

Time runs

Three months later..

Tatlong buwan na ang nakakalipas.. Maraming nangyari sa buhay ni Glaiza.. Lalong sumikat ang bandang kinabibilangan nya, mas lalong dumami ang fans, kabi-kabilang gig, at kung saan saang bansa na rin sila nakakapag perform, nagkaroon narin sila ng manager na humahawak sakanila..

Kasalukuyang nag aayos ng gamit ngayon si Glaiza para sa mga gagamitin nya mamaya sa gig nila, ng may biglang nahulog sa paanan nya.. Dinampot nya ito at tinignan, picture iyon  na may nakasulat sa likuran nito.. Napabuntong hininga sya at naisip nanaman nya ang araw na iyon..

Flashback

"Glaiza??"

"Tita Clara! Si Rhian po??"

May inabot ito sakanya..

"Pinabibigay nya yan sayo.."

Tinignan ito ni Glaiza, picture nila iyon na may nakasulat sa likuran nito..

Cha,

I'm sorry.. I'm sorry kung kailangan ko ng umalis.. I'm sorry kung sa dinami dami ng pwede kong makalimutan bakit yung tayo pa? Bakit ang relasyon pa natin? Siguro Cha may dahilan kung bakit ito nangyari.. Siguro hanggang dito nalang tayo.. Kailangan nanatin tuldukan kung ano man ang meron tayo.. Hindi siguro tayo dapat dumating sa point na naging mag girlfriend tayo.. Hindi ko alam Cha, naguguluhan ako.. Wala akong maalala tungkol doon kahit na kaunti.. Ayokong masaktan ka, kalimutan mo na ko gaya ng paglimot ko sayo, sa kung ano tayo.. I'm sorry Glaiza..

Rhian

End of flashblack

Napabuntong hininga si Glaiza.. Ramdam na ramdam nanaman nya ang sakit na idinulot ng kahapon.. Nagagalit sya, naiinis sya ngunit wala syang magawa..

Palagi nalang bang may magpapaalala sakanya ng mga pangit na nangyari sa nakaraan? Palagi nalang ba syang masasaktan? Gabi gabi nalang ba syang iiyak? Pagod na pagod na sya, tatlong buwan na ang nakalipas ngunit sa pakiramdam ni Glaiza ay kahapon lang ito nangyari.. Sariwang sariwa ang sakit sa kanyang puso..

Napapikit nalang sya at hinayaang tumulo ang mga luha sakanyang mga mata..


"Anak.."-tawag ni Nanay Cristy sakanya kaya naman pasimple nyang pinunasan ang mga luhang kumawala sakanyang mga mata..

"Nay.. Ba--bakit po?"-sagot ni Glaiza na kunwaring abalang nagaayos ng gamit nya..

"Anak, nakita ko iyon.."-tukoy nito sa pagpunas ni Glaiza ng luha..

"Ang alin Nay??"-patay malisyang sagot nito..

"Alam ko umiiyak ka.. Si Rhian nanaman ba anak?"-Nanay Cristy

Naupo si Glaiza at hindi na napigilan pa ang maiyak..

"Ang sakit parin Nay.. Ang sakit sakit.. Ginawa ko na lahat pero hindi ko parin sya makalimutan.. Ayoko na Nay.."-umiiyak na sabi nito, agad naman syang niyakap ng Nanay nya..

"Sssshhhh... Tahan na anak.. Marahil ay hindi pa ito ang tamang panahon para sainyo ni Rhian.. Alam kong darating ang panahon na magkikita ulit kayo, magkakausap at magkakaayos.."-Nanay Cristy

"Ayoko na Nay.. Baka tama sya, baka tama na  hindi naaayon samin ang tadhana.. Ayaw ng tadhana, ang daming humadlang saamin noon, siguro ay hindi talaga kami pwede.."-Glaiza

"Tama ka Anak.. Ang daming hadlang NOON.. NOON Anak hindi ngayon.. Mapaglaro ang tadhana, isang araw pagtatagpuin ulit kayo nito.."-Nanay Cristy


Besfriends Into LoversWhere stories live. Discover now