BIL 24

2.8K 163 19
                                    

Breath In Breath Out..

'You can do this Rhian..'-cheer ni Rhian sa sarili..

Pumasok na si Rhian sa ICU at nakita nya si Nanay Cristy na nakaupo at naka-head down sa kama na hinihigaan ngayon ni Glaiza..

Tumingin sya sa pasyenteng nakahiga ngayon sa kama, isang walang malay na Glaiza ang nakikita nya ngayon.. Hirap na hirap syang tanggapin ang kalagayan nito, hindi nya lubos maisip kung bakit iyon sinapit ng bestfriend nya.. Nasasaktan sya para dito.. Hindi nya mapigilan ang sariling hindi maiyak, tinakpan nya ang bibig nya para maiwasan gumawa ng ingay ng dahil sa pagkakaiyak..


"Cha.. I'm here na.."-bulong nito kay Glaiza habang nagpupunas ng luha..



"Oh Rhian anak.."-mahinang tawag ni Nanay Cristy sakanya


"Hello po Tita.."-bati ni Rhian dito


"Kanina ka pa ba dyan? Pasensya ka na at nakatulog ako.."-Nanay Cristy


"Hindi naman po, kamusta na daw po ang lagay ni Cha?"-alalang tanong ni Rhian


"Sabi ng Doctor may mga gagawin pa raw na tests sakanya pero stable naman daw ang condition nya.."-Nanay Cristy


"Ganon po ba? Sige po Tita, mag pahinga po muna kayo.. Ako na po muna ang magbabantay sakanya.."-Rhian


"Gusto mo lang masolo si Cha eh.."-pang aasar ni Nanay Cristy


"Tita Cristy talaga.."-pigil kilig na sabi ni Rhian dito..


"Oh sya.. Sige, uuwi muna ako ha? Kukuha lang ako ng gamit ni Cha.."-Nanay Cristy


"Sige po.. Mag iingat po kayo.."-Sabay beso ni Rhian dito

----------------

Hindi namalayan ni Rhian na nakatulog na pala sya..


"Bestie.. Wake up.."-mahinang yugyog ni Bianca kay Rhian

Nagkusot ito ng mata..

"Oh B.. Bakit? Gising na ba si Cha?"-tanong ni Rhian dito pero umiling ito as per saying 'Hindi pa..'


"Eto Ate Rhian pagkain.. Kumain ka na muna.."-Alchris


"Thanks.. Kayo? Kumain na ba kayo?"-Rhian


"Oo Bestie tapos na.."-Bianca


"Sila Chynna?"-muling tanong ni Rhian at sabay subo ng pagkain


"Umuwi muna.. Si Chynna babalik daw agad, maliligo lang.."-Bianca at tumango nalang si Rhian sa sinabi nito..
.
.
.
Time runs

Pitong oras na ang nakakalipas.. Sobrang bigat na ng nararamdaman ni Rhian..

'Please Cha.. Gumising ka na dyan.. Magtatapat na ko sayo, gumising ka lang..'-huminga ng malalim si Rhian


"Tsong, Mahal mo??"-biglang tanong ni Chynna kay Rhian


"Ha? Sino?"-patay malisyang sagot ni Rhian


"Sino pa ba? Edi si Glaiza.. Yung bestfriend mo na nakahiga ngayon dyan sa kama na walang malay.."-Chynna

"Oo Chynna.. Mahal na mahal ko sya.."-sabi ni Rhian habang nakatingin kay Glaiza


"Gaano mo kamahal si Ate.."-biglang sabat naman ni Alchris na hindi inaalis ang tingin kay Glaiza

Besfriends Into LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon