BIL 43

1.3K 104 10
                                    

The Ledbury

"Ayos pala talaga dito pare noh, masasarap talaga ang pagkain.."-sabi ni Benjamin at tsaka sumubo ng pagkain

"Sabi ko naman sainyo eh, you will like this place.."-nakangiting sabi ni Rafael habang lagay ito ng lagay ng pagkain sa plato ni Rhian

Samantalang si Glaiza? Ayun, pinapatay na sa tingin si Rafael at kitang kita nila Chynna at Bianca ang mga matang yun..

"Hindi sya kumakain nyan.. hindi kumakain yan ng hilaw at may dugo dugo pa.."-walang emosyong sabi ni Glaiza bago sumubo ng pagkain

"Sorry.. Ito nalang Rhian.."-si Rafael na binigyan si Rhian ng sugpo

"Hindi marunong kumain yan ng ganyan.. kailangan ipaghihimay mo pa yan para makain nya ng maayos yan.."-muling sabi ni Glaiza

Napatingin naman ang lahat sakanya pero dineadma lang sila ni Glaiza, nakakahalata na si Kylie pero binalewala lang nito ang inaasta ngayon ni Glaiza..

"Ito Rhi, well cooked tong pork na to at masa——"-di natuloy ni Rafael ang sasabihin ng magsalitang muli si Glaiza

"Alam mo Rafael? Imbis na bigyan mo si Rhian ng kung anu-ano, bakit hindi mo nalang sya hayaan?, mas gusto nyan ang vegan foods.."-mataray na sabi ni Glaiza

"It's okay Glaiza, ngayon lang naman eh.."-Rhian

"And... thank you Raf.."-nakangiting sabi ni Rhian dito pero ayaw magpatalo ni Glaiza

"Hindi nga pwede Rhian eh.. masisira diet mo.."-muling sagot ni Glaiza at tinignan ng masama si Rhian


'Di naman ako nag di-diet ah?'-takang sabi ni Rhian sa isip


"Ehemmm! Ang sarap ng mga pagkain nila dito noh?"-si Chynna na sinusubukang tanggalin ang tensyon sa mesa nila..


"Ah, Babe ito oh.. crab, try mo masarap.."-si Kylie naman na idol ata ang pinsan nya at naglagay din sa plato ni Glaiza


"Uhm, Kylie hindi yan pwede kay Cha.. may allergy sya dyan eh.."-si Rhian naman ang nagsalita


Damang dama na talaga nila ang tensyon sa apat na kasama..


"Alam nyo Rafael at Kylie bakit hindi nyo nalang kaya hayaan na silang dalawa ang maglagay ng pagkain sa plato ng isa't isa? Total sila naman talaga ang mas magkakilala.."-prangkang sabi ni Bianca pero parang walang narinig si Kylie..

"Eto babe, cake?"-alok ni Kylie kay Glaiza

"Wag mo sya pakainin nyan Kylie, sensitive lalamunan nyan, mabilis manakit at mamaos.."-seryosong sabi ni Rhian na derechong nakatingin kay Kylie

Hindi alam ni Glaiza pero nakakaramdam sya ng tuwa sa ginagawa ni Rhian.. pinipigilan nya ang labi nyang mapangiti..

'Alam parin pala nya lahat ang tungkol sakin..'-kinikilig na sabi ni Glaiza sa isip

"Oh Bestie tapos ka na ba kumain?"-tanong ni Bianca kay Rhian ng mapansin nitong hindi na sumusubo ng pagkain..

"Yeah, I'm done na B.."

"Yung meds mo ah, don't forget.."-Bianca

"Yes, thank you B.."

"Medicines? Why? Are you sick?"-nag-aalalang tanong ni Rafael

Nagtinginan si Rhian at Bianca..

"May sakit ka Rhian?"-kunot noong tanong ni Glaiza

Besfriends Into LoversWhere stories live. Discover now