BIL 32

2.7K 125 10
                                    

Kasama ni Bianca si Chynna ngayon sa hospital kung saan naka confine ni Rhian..

Kasalukuyang nasa tapat na sila ng kwarto ni Rhian..

"Ate Chynna! Ate Bianca!"-tawag ni Alchris sakanila na halos kararating lang din..

"Oh Alcrhis.. Kasama mo si Tita Cristy?"-Chynna

"Hindi Ate Chynna eh, nasa police station sila ngayon ni Tito Gareth.."-Alchris

"Oo nga pala.. Wala pa bang balita sa paghahanap nila kay Glaiza?"-Bianca

"Wala pa nga eh.. Teka, parang ngayon ko lang kayo nakita dito.."-Alchris

"Ah oo, ngayon palang kami dadalaw ulit.. Huling dalaw namin dito hindi pa nagigising si Rhian eh.."-Chynna

"Alam nyo, pumasok na tayo.. Nakakangalay na eh.."-sabay bukas ni Bianca ng pinto..


"Hi Tita.."-sabay sabay silang lumapit dito at nagbeso..

All of a sudden bigla silang niyakap ni Mommy Clara with tears on her face..

"Sorry Tita kung ngayon lang ulit kami nakadalaw kay Bestie.."-Bianca

"No, it's okay.."-pahid luhang sabi ni Mommy Clara

"Tita, mukang pagod na po kayo.. Magpahinga na po muna kayo at kami po munang bahala kay Rhian.."-Chynna

"No, I'm fine.. Pero ayos lang ba kung dito muna kayo? May kukunin lang akong gamit ni Rhian sa bahay.."-Mommy Clara

"Oo naman po Tita.. Kami po munang bahala kay Ate Rhian.."-Alchris

"Oo nga po Tita.."-Bianca

"Sige, salamat sainyo.. Mauna na muna ako ha?"-paalam nito sakanila

"Mag iingat po kayo.."-pahabol na sabi ni Chynna dito..

Maya maya pa ay nagising na si Rhian..

"Hey Besttie!"-lumapit si Bianca dito at bumeso..

"Tsong kamusta? Buti naman at nagising ka na.."-Chynna

"Hello Ate Rhian.."-Alchris

"Salamat sa pagdalaw.."-nakangiting sabi ni Rhian sakanila

"Nga pala Bestie, umalis muna sandali si Tita.. May kukunin lang daw na gamit mo.."-Sabi ni Bianca habang inaalalayan si Rhian na umupo

"Tsong Happy Five months nga pala sainyo ni Glaiza.. Ay! Belated pala.."-si Chynna na nag peace sign pa kay Rhian

Napakunot ang noo ni Rhian sa narinig mula kay Chynna..


'Anong happy 5 months?'


"A--anong 5 months? Ba--bakit mo kami binabati ni Cha ng happy 5 months?? Naka drugs ka ba? Hindi naman kami nag ce-celebrate ng ganon ni Cha and--- and matagal na kaming mag bestfriend para batiin mo kami ng happy 5 months.."-may pagtatakang sabi nito..

Nagkatinginan ang tatlong kasama ni Rhian sa loob ng kwartong iyon..

"Oh bakit ganyan reaksyon nyo?"-Rhian

"Hoy Rhian hindi nakakatuwa ah! Masasaktan si Glaiza sa ginagawa mong ganyan na para bang hindi mo alam na girlfriend mo yung tao.."-seryosong sabi ni Bianca na may inis sa tono ng boses nito..

Hindi naman makapaniwala si Rhian sakanyang mga naririnig mula sa kaibigan.. Nanatiling nakakunot ang noo nya at pinipilit aalalahanin ang bagay na iyon.. Dali dali naman hinila ni Alchris ang dalawa palayo kay Rhian..

Besfriends Into LoversWhere stories live. Discover now