BIL 31

2.4K 117 10
                                    

"Wala ka ba talagang naaalala Baby?"-kunot noong tanong ni Daddy Gareth

"Ofcourse Dad meron.. Edi sana hindi ko kayo kilala ni Mom kung wala akong naaalala.. Ang hindi ko lang naman maalala ay kung bakit ako nandito ngayon.. And one more thing Dad, ilang days palang kaming nakakabalik ni Mom dito sa Pilipinas sinundan nyo na agad kami.."-Rhian

"Sige nga anak, sabihin mo nga ang lahat ng naaalala mo saamin ng Dad mo.."-Mommy Clara

"After ilang years ng pag stay natin sa London, heto at nakauwi na tayo ngayon.. And--- and nagkita kami ni Cha sa mall kasama ko si Bianca at may kasama syang babae?? (Parang nakaramdam si Rhian ng kirot sakanyang puso na para bang tinutusok ito ng karayom dahil sa nasabing may kasamang babae si Glaiza.. Hindi alam ni Rhian kung bakit pero alam nyang nasasaktan sya..) and after that nag usap kami and finally We're okay now.. And---- OUCHHHH!!!!"-sigaw ni Rhian ng biglang manakit ang ulo nya..

"Baby?? Humiga ka muna.. I'll call the Doctor.."-pinahiga ni Daddy Gareth si Rhian, tumingin muna ito kay Mommy Clara at tsaka labas ng kwarto..

Ilang minuto lang ay bumalik na si Daddy Gareth kasama ang Doctor.. Lumapit ito kay Rhian at sinuri.. Hindi naman mapakali ang mag asawa na nasa kabilang side ng higaan ni Rhian habang ine examine ito.. Panay ang hinga nila ng malalim.. Nakita nilang tinurukan muna ng Doctor ng pampatulog si Rhian dahil sa sobrang sakit ng ulo na nararamdaman nito..

//yung totoo po Doc? Kakagising lang eh tulog nanaman??

Maya maya pa ay lumapit ito sakanila.. 

"Based on my examinations merong Selective amnesia ang pasyente.."-Doctor

"Paano nangyari yun Doc?"-Mommy Clara

"Masama ang naging pagkakabagsak ng ulo ng pasyente.. Mr. And Mrs. Howell maaaring may mga bagay na pumapasok sa utak nya na nahihirapan syang ma access dahilan ng pagkakasakit ng matindi ng kanyang ulo.. Kaya wag nyo po muna syang pilitin sa mga bagay na hindi nya maalala.. I do not believe that they have 'erased' their memories. I believe that the memories are still there, but they are difficult to access."-Doctor

"Matatagalan po ba bago nya maalala ang lahat?"-Daddy Gareth

"Well, depende po iyon kay Miss Howell.. Tulungan nyo po sya pero wag natin ipilit.."-Doctor

"Thank you Doc.."-Mommy Clara

"Okay.. Mauna na ko, tawagin nyo lang ako kung may problema.."-sabay alis nito..

Napabuntong hininga si Mommy Clara habang napaupo ito sa may bandang paanan ng hinihigaan ni Rhian..

"Gareth.."-naiiyak na tawag nito sa asawa..

"Ssshhh.. I know Clara mahirap pero kailangan natin magpakatatag para kay Rhian.. Tayo ang dapat na unang tumulong para maalala nya ang lahat.."-Pag aalo nito sa asawa

---------------------

Nakikita ngayon ni Glaiza sa harapan nya ang mga taong nagplano ng lahat..

Si Patty, Jason and David.. Kumunot ang noo ni Glaiza ng hindi nya makita ang babaeng bumaril sa girlfriend nya..

'Nasan si Solen?'

"Glai.. I'm sorry.."-biglang sabi ng isang babaeng di kalayuan sakanya pero mas lalong kumunot ang noo nya ng makita nya itong nakatali rin katulad nya..

"Solenn?? Bakit ka nakatali dyan?"-takang tanong nito sa babae

"Glai, pinilit lang nila ako.. Tinakot nila ako na kung hindi ko gagawin ang gusto nila papatayin nila ang Dad ko na kasosyo nila sa negosyo nila dito sa Pilipinas.."-Solenn

"Pero bakit Ikaw pa?"-Glaiza

"Dahil nalaman ni Patty na may gusto din ako sayo.."-Solenn


"Patty!!! Pakawalan mo kami dito!!"-sigaw ni Glaiza

"Hi Babe.. Ang sweet sweet mo talaga.."-Patty

"Shut up! Pakawalan mo kami dito! Hayop ka talaga!"-galit na galit na saad nito

"Hahahaha... Hindi muna Babe.. Kailangan makapag isip isip ka muna at sabihin mo na ako talaga ang mahal mo.."-Patty

"Baliw ka na! Kahit kailan hindi kita mamahalin!"-Glaiza

*pak!*

Sinampal ni Patty si Glaiza..

//luuuhhh.. Lagot ka sa Rebels Patty..

"Ang kapal ng muka mo! Glaiza ginawa ko lahat para sayo! Ano pa bang hindi ko nagagawa? Minahal kita ng buong buo.. Ano pa ba dapat kong gawin para mahalin mo rin ako?!"-Patty

"Wala kang dapat gawin Patty.. Si Rhian lang talaga ang Mahal ko.. Kahit anong gawin mo si Rhian parin ang gugustuhin at mamahalin ng puso ko.. Kahit patayin mo pa ako ngayon Patty, si Rhian parin.."-Glaiza

"Pwes magdusa ka.. Pagdusahan mo ang pagmamahal na sinasabi mo para kay Rhian.. Panindigan mo yang sinabi mo na kahit patayin kita ngayon si Rhian parin.. Yang pagmamahal na yan ang papatay sayo, at mamamatay ka ng malungkot.."-lumuluhang sabi ni Patty at sabay umalis sa harapan ni Glaiza

"Wag nyong pakakainin yan! Hayaan nyo syang mamatay sa gutom!"-dagdag pa na sabi nito..

"Patty! Hindi totoong mamamatay ako ng malungkot dahil kahit na ikamatay ko pa ang pagmamahal ko sakanya hinding hindi ko pagsisisihan na ipinaglaban ko ang pagmamahal ko sakanya.. Masaya akong mamamatay dahil sa alam ng lahat ang katotohanang sya lang ang nilalaman ng puso ko..  dahil napanindigan ko ang pagmamahal ko kay Rhian at mamamatay akong masaya sa pagkakaalam kong ganon din ang nararamdaman nya.."-Glaiza

Nakaramdam ng matinding sakit si Patty dahil sa mga sinabi ni Glaiza bagkus lalong tumindi ang galit nya sa mga ito..
















A/n: sorry sa lame and short ud..

Happy reading!❤️❤️❤️

Besfriends Into LoversWhere stories live. Discover now