BIL 44

1.6K 102 21
                                    

"B? Do you think kailangan ko pang ituloy to?"-out of nowhere na tanong ni Rhian habang naghahanda ng breakfast nila ni Bianca

"Ang alin? Yang niluluto mo? Oo naman, unless gusto mong magutom.."-natatawang sagot nito habang nag i-scroll sa cellphone

"Sira! Alam mo kung ano ang tinutukoy ko.."-muling sagot Rhian habang naghahain na ng pagkain nila

"Binibiro lang kita, (tumayo ito para tulungan si Rhian) bakit? Sumusuko ka na?"-Bianca

Tumigil saglit si Rhian sa ginagawa at nag-isip..

"Ayoko sana.. pero ayoko rin kasi ng may nasasaktan.."-malungkot nitong sabi sa kaibigan

"Bakit hindi si Glaiza ang tanungin mo? Sya lang naman ang makakasagot sayo kung kailangan mo na bang tumigil eh.."-si Bianca na umupo sa tabi ni Rhian

——————————

"Wala pa ba sila Kylie?"-tanong ng bagong gising na si Glaiza kay Chynna

Nagpaalam kasi ito sakanya na mag-ggrocery sila ni Rafael..

"Wala pa.. ito oh, kumain ka muna tsong.."-si chynna na inabutan ng tinapay si Glaiza

"Salamat.."

"Nakapag isip ka na ba?"-biglang tanong ni Chynna na ikinakunot ng noo ni Glaiza dahil hindi agad nito magets ang tinatanong ng kaibigan

"Si Kylie at si Rhian.."-dagdag ni Chynna para maintindihan ni Glaiza ang tanong nya

"Mahal ko si Kylie.."-sagot ni Glaiza na parang nagulo nanaman ang isip

"Eh si Rhian?"-tahasang tanong ni Chynna, dahil sa totoo lang pati sya ay naguguluhan na kay Glaiza

Hindi nakasagot si Glaiza.. hindi nya alam kung anong isasagot nya sa tanong na yun ni Chynna..

"Mas lalo mong masasaktan si Kylie kung patatagalin mo pa, pati ang sarili mo masasaktan mo din kung wala ka pang gagawin.."-seryosong sabi ni Chynna

"Ikaw din.. narinig ko kasi na magkausap si Rafael at Bianca, nagpapaalam na liligawan si Rhian.. mukang seryoso sa ex mo tsong, gusto din daw kasi maging legal ang panliligaw sa parents ni Rhian.."-iniwan ni Chynna si Glaiza sa kusina na nagiisip at nagtungo ito sa garden

Hindi mag sink in sa utak nya ang sinabi ni Chynna..

'Ano? Liligawan nya si Rhian?'-kunot noong nag isip si Glaiza at tsaka lang na realize ang sinabi ng kaibigan

'Hindi pwede! Akin si Rhian! Akin lang ang Yoyon ko..'-dali daling hinabol ni Glaiza si Chynna palabas sa garden at umupo ito sa tabi nya

"Interesado ka Galura?"-naiiling at nangingiti na tanong ni Chynna, knowing her friend Glaiza, alam nyang sobrang apektado talaga to kapag si Rhian ang pinag uusapan..

Huminga ng malalim si Glaiza bago nagsalita..

"Look Chynns, naguguluhan na ko okay? Oo, inaamin ko na mahal ko parin si Rhian, pero mahal ko rin si Kylie.."

"Alam mong hindi pwedeng dalawa sila Glaiza! Kailangan mo ng mamili, kailangan mo ng mag desisyon, dapat alam mo kung sino ang kaya mong palayain sakanilang dalawa.."

"Hindi ko alam Chynna.."

"Tsaka ka mag react sa panliligaw ni Rafael kay Rhian kapag alam mo na.."-inis ng sabi ni Chynna sa kaibigan

——————————-

Dalawang araw na ang nakalipas magmula nung huling araw na nagkita sila Glaiza at Rhian..

Besfriends Into LoversWhere stories live. Discover now