BIL 21

2.7K 136 16
                                    


"Chynna!"-tawag ni Glaiza kay Chynna na kasalukuyang inaayos ang sounds nila para sa gig nila mamaya..

Tumingin sya kay Glaiza at sumenyas as per saying 'sandali lang..' Tumango lang si Glaiza at umupo..

'It's been 2months..'-bulong ni Glaiza sa sarili..

Yes, it's been two months simula nung umalis si Rhian papuntang London..

'Shit! I badly missed her..'-muling sinabi nito sa sarili..

'Kamusta na kaya sya?'

'Ano na kaya nangyayari sa buhay nya ngayon?'

'Kasal na kaya sya? Natuloy kaya ang kasal nya?-nakaramdam ng kirot sa puso si Glaiza nang maisip nya ang huling katagang iyon..

Pakiramdam nya ay durog na durog ang puso nya.. Pakiramdam nya ay napariwara ang buhay nya dahil sa ginawang pag alis na iyon ni Rhian.. Madalas syang umiinom, hindi lang pala madalas.. Gabi gabi syang umiinom upang kahit sandali ay makalimot sya..

"Hoy Glaiza Galura!!!"-tawag ni Chynna sa kaibigang nakatulala nanaman at malalim ang iniisip..

"Ayyy Rhian Howell!!!"-gulat na sambit nito at bumalik sya sa realidad..

"Ano ka ba naman Chynna!!!"-si Glaiza na hawak ang dibdib kung saan nakapwesto ang puso nya dahil sa gulat..

"Sinasabi ko na nga ba eh.. Si Rhian Denise Howell nanaman yan eh.. Tsk, tsk.."-sabi ni Chynna na ngayon ay umupo sa tabi ni Glaiza

"Chynns.. Bakit ganon? Ang sakit sakit parin.."-naiiyak na sabi ni Glaiza sa kaibigan

"Kasi nga MAHAL mo pa.."-Seryosong sagot naman nito sakanya..

"Pakiramdam ko hindi na kakayanin ng puso ko yung sakit.. Habang tumatagal parang lalong nadudurog to (sabay turo sa puso nya) Mahal na mahal ko parin sya Chynna.."-si Glaiza na ngayon ay umiiyak na..

"Ssshhh.. Tahan na tsong.. Maniwala ka isang araw maayos din yan.. Maniwala at magtiwala ka lang.."-Chynna

"Inom tayo mamaya.. After ng gig natin.."-Glaiza

"Nanaman?? Glaiza naman.. Pagpahingahin naman natin baga natin.. Puputok na sa alak to.. Oi..."-sabi ni Chynna kay Glaiza na lumalakad na papalayo sakanya

'Haaaay.. Mapapalaban nanaman kami sa inuman..'-buntong hiningang sabi ni Chynna

.
.
.
Time runs..

"Please welcome The Synthesis band.."

Palakpakan na may halong sigaw ang mga tao..

"Sana naman nandyan si Glaiza.."-sabi ng isang babaeng taga hanga nito

"Oo nga eh.. Madalas syang wala simula nung nag break sila nung Girlfriend nya.."-sagot naman ng kasama nito

Maya maya ay lumabas na sila Glaiza at lalong lumakas ang hiyawan at palakpakan ng mga tao nang makita si Glaiza..

"Magandang gabi sainyong lahat!!!"-sigaw ni Glaiza with a fake smile..

"Hoooooooooooo!!!! Glaiza! Glaiza! Glaiza!"-sigaw ng mga tao..

"Guys, Alam ko marami na kong utang sainyo dahil madalas nyo kong hindi makita.. At ngayon humihingi narin ako ng pasensya sainyo dahil ngayon nyo na nga lang ulit ako nakita eh mukang idadamay ko pa kayo sa kalungkutan ko.."-paliwanag ni Glaiza sa mga taong nakikinig sakanya..

"At ngayon ang una kong kakantahin ay para sa mga taong minsan ng nabigo sa kanilang minamahal na hanggang ngayon ay hindi parin makalimot sa pagmamahal na yun.. Alam kong nagtataka kayo kahit ang mga kabanda ko ay naguguluhan na sakin..(kamot ulo) hindi nila matiyak kung sino ba ang taong palagi kong tinutukoy.. (Kung si Patty ba o si Rhian dahil si Chynna lang po ang nakakaalam ng totoong feelings ni G) uhm.. Para sayo tong kanta na to.."-at nagsimula ng si Glaiza sa pag strum ng gitara nya..

Besfriends Into LoversWhere stories live. Discover now