BIL 18

3.1K 145 8
                                    

Kasalukuyang nasa bahay sila ni Chynna.. Nag pa-practice para sa gig nila..

Kanina pa napapansin ni Rhian na parang wala sa mood si Glaiza, matamlay ito at parang malalim ang iniisip..

'Di kaya si Patty ang iniisip nya?'-sabi ni Rhian sa isip nya..

'Nagsisi na kaya sya na nakipaghiwalay sya kay Patty..'

'No, no.. Erase Rhian..'-gulong gulong naiisip ni Rhian

'Nakapag move on na sya Rhian.. Diba?? Diba??'


'O hindi pa??' -biglang bawi ng isip nya..


'Arrrrggggg!!!!'-sigaw nya sakanyang isipan..

'Ano ba Rhian.. Think of the brightside! Ikaw na ang girlfriend ni Glaiza ngayon.. Kahit pagpapanggap lang ang lahat..'-napahinga nalang ng malalim si Rhian, nasaktan at the same time dahil sa naisip nya na nagpapanggap nga lang pala sila..


"Okay!! Good job Guys! Sana mamaya sa gig natin energetic tayo ha? (Biglang tingin ni Chynna kay Glaiza ng mapansin nyang parang wala man lang itong gana) for now, pwede na tayong magpahinga at umuwi na.. See you later!"-Chynna

"Glai? I mean Love..(ng maalala ni Rhian na ang alam nga pala ng mga ito ay merong SILA) uhm.. Susunduin ako ni Bianca sa RK.."-si Rhian

"Okay.."-tipid na sagot ni Glaiza at nauna na itong pumunta sa kotse..

"What?? Problema non.. LQ ba kayo??"-si Chynna habang inaayos ang mga gamit na ginamit nila sa pagpa practice..

"Hindi ko rin alam Chynns.. Sige, una na ko.."-sabay beso ni Rhian kay Chynna

--------------------

Nag da-drive si Glaiza papuntang RK.. Awkward silence strike..

"Cha, may problema ba tayo??"-pambasag ni Rhian sa katahimikan dahil hindi na nya matiis ang di pagpansin nito sakanya..

"Wala.."-tipid na sagot nito..

"Bakit ganyan ka?? I mean bakit di mo ko pinapansin o kinakausap man lang.."-inis na sabi ni Rhian

"Eh ano palang tawag mo dito?? Nag uusap tayo di ba??"-pilosopo ngunit seryosong sabi nito..

"Bahala ka nga! Hindi mo man lang ba aalamin kung saan ako pupunta?"-Rhian

"May karapatan ba ko?? Hindi mo naman ako GIRLFRIEND di ba?? Nagpapanggap lang naman tayo.. At ang sabi mo si Bianca naman ang kasama mo.."-Seryosong pahayag nito.. Nakaramdam naman si Rhian ng kirot sakanyang puso ng marinig ang mga katagang iyon galing kay Glaiza..


'Oo nga pala.. Pagpapanggap lang ang lahat..'-sabi ng isip ni Rhian

Maya maya pa ay nakarating na sila sa RK..


"Bestie!!!"-masayang tawag ni Bianca kay Rhian ng pumasok ito sa loob ng RK..

"Hi B.."-walang emosyong bati ni Rhian sa kaibigan at bumeso sya dito.. Napansin naman iyon ni Bianca na ngayon ay bumeso narin kay Glaiza

"May problema ba kayo??"-tanong ni Bianca sa lovebirds este sa magkaibigan na parehong hindi maipinta ang muka..

"Wala! / Meron!"-sagot ni Glaiza at Rhian.. Napakamot nalang ng ulo si Bianca sa sagot ng dalawa..

"So, Bestie ano? Tara na?"-Bianca

"Sige B, alis na tayo.."-sabay hawak ni Rhian sa braso ni Bianca

Besfriends Into LoversWhere stories live. Discover now