BIL 48

899 32 3
                                    

London

Kasalukuyang nag aayos sila Glaiza at ang synthesis band dahil tutugtog sila kung saan ang event ng taong nag sponsor sakanila palipad sa London. Habang si Rhian ay napapansin na parang malungkot ang girlfriend nya at di umiimik.


"Love?"-tawag ni Rhian kay Glaiza na parang hindi naman sya naririnig


"Tapos na kayo? Tara labas muna tayo."-pagyaya ni Chynna sa mga kaibigan dahil alam nyang kailangan makapag usap ng sarinlan ang dalawa, tumango naman ang mga ito at sabay sabay na lumabas ng kwarto.


"Cha?"-muling tawag ni Rhian dito, pero tuloy parin ito sa pag aayos na parang wala sa sarili.


"Uy love?"-sabay lapit ni Rhian kay Glaiza at humawak sa kamay nito.


"Oh love? May problema ba? May masakit ba sayo?"-tarantang tanong ni Glaiza dahil sa pagkagulat na nasa tabi na pala nya ang kasintahan


"Tulala ka, may problema ka ba? Parang ang lungkot mo."-may pag aalala sa tono ng boses ni Rhian


Ngunit hindi sumagot si Glaiza, huminga lang sya ng malalim at tumingin sa mga mata ni Rhian.


"Mamimiss mo ko no?"-nakangiting tanong ni Rhian Kay Glaiza, ngunit tinignan lang sya nito.


"Love? Wag ka ng malungkot oh. Please, diba may usapan naman na tayo? Gusto mo ba sumabay nalang ako ng uwi sayo ng Pilipinas bukas?"-si Rhian na hinawakan ang magkabilang pisngi ni Glaiza


"Sorry Love, mamimiss lang kasi talaga kita. (Halik sa mga kamay ni Rhian) ako ang pupunta dito okay? Kailangan mo munang magpagaling, kailangan mo si Doctor Collins dito."-sincere na sabe ni Glaiza sabay halik sa labi ni Rhian ng mabilis


"Are you sure Love? Pwede naman kasi akong magpatingin sa Doctor sa Pi—"-si Rhian na hindi na pinatapos ni Glaiza ang sasabihin


"No Love, please? Magaling si Doctor Collins, and mas may tiwala ako sakanya dahil kaibigan ang turing nya sayo."-sabay halik ni Glaiza sa noo ni Rhian


"I love you Love, balik ka kaagad ha?"-malambing na sabi ni Rhian na naka pout kaya naman napangiti si Glaiza dito at niyakap sya


"Mahal na mahal kita Rhian and yes babalik ako agad promise.."-si Glaiza na humalik sa labi ni Rhian

—————————————

"Kyle? Diba ngayon yung event na sinasabi mo na pupuntahan nila Glaiza?" -nakangiting tanong ni Rafael kay Kylie na tila ba may binabalak


"Oo. Bakit?"-kunot noong balik tanong ni Kylie dito, nginitian lang sya ni Rafael


"Manggugulo tayo dun? No! Ayoko ng ganon Raffy, baka masaktan si Glaiza"-sabay upo nito sa tabi ni Rafael


"Ano ka ba, sino ba may sabi sayo na manggugulo tayo? Susundan natin sila dun to start our plan na makipag kaibigan ulit sakanila."-may ngiting nakakalokong sabi ni Rafael


"Talaga Raf??"-masayang yumakap si Kylie sa pinsan


"Yes. Give me the address."-Rafael


—————————————

Kasalukuyang nasa event na sila Glaiza kasama si Rhian at Bianca kung saan sila tutugtog ng synthesis band.

"Love? Are you okay?"-pag aalalang tanong ni Rhian kay Glaiza ng mapansin nyang hindi ito mapakali


"Kinakabahan lang Love."-pilit ngiting sagot ni Glaiza. Nagulat naman sya sa ginawa ni Rhian pero agad din iyong napalitan ng ngiti


"Goodluck kiss, at para mabawasan yang kaba mo."-natatawang sabi ni Rhian


"Thank you. I love you Love."-sincere na sabi ni Glaiza habang nakatingin sa mga mata ni Rhian


"Mas mahal kita Galura.."-Rhian



"Oh guys maghanda na kayo, mag pe-perform na kayo.."-Biglang sulpot ni Ate Chris


"This is it guys! Wooooo!"-excited na sabi ni Ben

————————————

Kasalukuyang binabaybay ni Rafael at Kylie ang daan papunta sa kung saan ang event na dinaluhan nila Glaiza.

"Kyle pakiabot naman nung bag ko na nasa likod please.."-pakisuyo ni Rafael kay Kylie habang nagmamaneho


Hindi alintana ni Kylie na nakabukas pala ang maliit na bag nito kaya naman nagulat sya may nahulog mula dito.


"Sorry Raf hindi ko alam na bu——"-nanlaki ang mga mata ni Kylie at agad dinampot kung ano ang nahulog mula sa bag nito


"Ano to Rafael? Bakit may baril ka?? Para saan to?"-may takot na sabi ni Kylie


"Hey relax. Lagi ko talagang dala yan, you know? For protection."-nakangiting sagot nito at di na muling umimik si Kylie at iniabot nalang ang bag dito

.

.

.

.

.

.

.

.

Time runs

"Congrats guys! Dahil masyado nyong ginalingan, marami ang kumukuha sainyo para mag perform ulit."-masayang balita ni Ate Chris


"Talaga ba Ate Chris?"-masayang tugon ni Mike


"Oo Mike, kaya naman pagbalik natin ng Pilipinas aayusin natin ang schedule nyo."-nakangiting sagot ni Ate Chris


"Yehey! Group huuugggg!"-masayang sabi ni Chynna at niyakap ang mga kasama


"Ang galing galing nyo kasi eh, congrats sainyo."-si Rhian na hawak ang kamay ni Glaiza habang naglalakad sila palabas ng venue ng event


"May inspirasyon ba naman si Glaiza eh.."-kinikilig na singit ni Ben


"Ayyyyyiiiieeeeee"-sabay sabay nilang pang aasar


"Aray ko naman Bianca! Bigla bigla kang tumitigil dyan. Bakit ba kas——"-di na natuloy ni Chynna ang sasabihin ng makita din nya kung sino ang nasa harapan nila


"Kylie/Rafael?"-sabay na bigkas nila Rhian at Glaiza


"Love, halika na.. sakay na tayo sa kotse."-pagyaya ni Glaiza kay Rhian na agad naman pinigilan ni Kylie


"Glaiza? Hindi naman kami manggugulo sainyo eh."-seryosong sabi ni Kylie dahilan ng pagtigil nila sa paglalakad


"Ano bang gusto nyo?"-mataray na sabat ni Bianca


"Guys, relax please? Gusto lang namin makipag ayos, ang pangit naman kung maghihiwa hiwalay tayo ng may samaan ng loob diba?"-bait baitan na sabi ni Rafael


"Tama si Rafael, Glaiza Rhian gusto ko lang din sanang mag sorry."-Si Kylie na palipat lipat ang tingin kay Glaiza at kay Rhian


"Okay na yun Kylie, Sorry din dahil nasaktan kita.."-sincere na sabi ni Glaiza sabay yakap kay Kylie


"So? Tara? Labas tayo? Bar tayo? Sagot ko."-nakangiting pag yaya ni Rafael sakanila


Nagtinginan ang magkakaibigan, tingin na tinatanong ang isa't isa kung okay lang ba, nagkatinginan ang lovebirds at tumango si Rhian bilang tugon ng pagpayag.


"So? Guys? Game?"-muling tanong ni Rafael




"Game.."-sagot ni Rhian 



Simpleng Nagkatinginan si Rafael at Kylie na tila ba akala mo ay nagwagi na sila sa pinaplano nila..






































A/N: Hello readers! 😊 Long time.. 😅
Lame update? Bitin nanaman? 😅 thank you sa pag subaybay.. ❤️

Besfriends Into LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon