Chapter 24: Trust Issues

6.8K 246 23
                                    

Tinupad ni Devon ang sinabi nito. Pagsikat ng araw, naglalakad na kami palabas ng unit niya. Hindi niya na rin muling binalik ang posas sa aking mga kamay. Pero nagkaroon naman ito ng kondisyon.


Tumaas ang aking kilay nang nilahad niya sa akin ang kanyang kamay. I threw him a questioning look.


"Hold it so I know that you won't run." Aniya.


Tinignan ko ang nakalahad nitong kamay pabalik sa mukha nito. "I won't run. Pabalik na nga, diba?" Pabalang kong sagot sa kanya.


"Sometimes I'm having trust issues when it comes to you." Simply said, he doesn't really trust me. Akma ko siyang lalagpasan pero akma din niyang ilalabas ang posas na nasa bulsa nito. Napatigil ako para samaan ito ng tingin. Ugh, this thick head demon! He's prolonging the situation.


"Fine!" I grab his hand harshy and drag him to the elevator to make things easier and faster. Ako na rin ang pumindot para makababa kami. I don't have time for fights for now. I'm too hungry for everything.


Nang makita ko ang repleksyon namin nag magsara ang elevator ay nakita kong nakangisi ang demonyo. Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya na mas ikinangisi nito. Napabuga na lang ako ng hangin at pumikit ng mariin para kumalma. Why am I always around with this demon? Oh hell, why?


Tumunog ang hudyat at bumukas ang pinto. Pagkalabas pa lang namin ay sumalubong ang limang kalalakihan na nakapormal na damit. Sabay-sabay silang napatingin sa kamay naming magkahawak na agad naman nilang binawi ng magtama ang mga paningin namin. Atubili silang lumapit kay Devon at may inabot na piraso ng mga papel. Binitawan niya ang kamay ko para kunin ito. Bahagya pa silang lumayo. I just rolled my eyes at them even though they're not looking.


Napatingin ako sa grupo ng kabataan na maingay na nagtatawanan. Dumaan sila sa gilid ko na naghahagikhikan at nagtutulakan. Pinagmasdan ko silang lumiko hanggang nahagip ng mata ko ang pamilyar na pigura. Naglalakad ito sa hallway at lumiko rin.


Is that Max?


Tinignan ko si Devon na seryosong nakikipag-usap sa mga lalaking iyon. Hindi na ako nagdalawang-isip na tumakbo papunta sa nilikuan ni Max. Well, I suppose it was him. But I really feel like it was him. Para makasigurado ay kailangan kong makita.


Nadatnan ko ang likod ng lalaking iyon na pumasok sa isa sa pinto ng gusaling ito. May unit siya dito?


I cursed when the door closed. I ran to it and checked if it's already lock. I smirk when it isn't. Marahil ay nakalimutan niya. I entered quietly. Minata ko lahat ng gamit doon. Hindi ito tulad noong kay Devon na parang walang nakatira dahil sa kawalan ng mga bagay-bagay. Dito ay kumpleto sa muwebles.


Tinahak ko ang daan patungong kusina, pero walang tao. Bago ako umalis ay humugot muna ako ng isa sa mga kutsilyong nakahelera doon. Well, you wouldn't know... If it wasn't Max, I'll just probably slash the guy for no further complications that I trespassed here.


Nagtungo ako sa isang pintong unting nakaawang. Sumilip ako at nakita ang likod ng lalaking iyon. He took off his top and a familiar tattoo poke out from his back. A familiar blindfolded woman. Arms were crossed over her naked chest, covering it, both holding small sharp swords. Intricate designs circled that woman resulting to a very familiar sign. A familiar sign that I refused to be tattooed on me years ago... It was Clemente Mafia's insignia.

Pretty but DeadlyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant