Chapter 45: Cold Rain

4.9K 203 38
                                    

I looked out the window as I put my white t-shirt on. The sky is dark and the rain is pouring hard. I could hear the murmuring of its harsh drops through the window like buzzers. The rainy days just started.

Ang pagkakaalam ko ay darating sila Gazelle at Katy dito upang bumisita. Si Max Monteverdi ang susundo sa kanila ngayon at maya-maya siguro ay nandito na sila. And when they arrive, I wanted to talk to him since we've never got the chance to. The last time I saw him is when he protected Devon from me by pointing me a gun. I was so mad at him and the whole mafia that time, but things are now sorting out. I need to sort my things out.

After more than two weeks of resting, I think it's time to plan and change our lifestyles. Change our lifestyles? Huh, magandang pakinggan, mahirap gawin. Lalo na't dumadaloy sa dugo ko ang aking totoong propesyon. My parents were great assassins made. And being their child, I got the privilege to be born like them, trained like them. I can't think of any job I could enjoy, but killing. The irony is that I want a normal life since then.

Good thing for my two subordinates they've got no problems. Si Gazelle ay maaaring bumalik sa mafia at ipagpatuloy ang trabaho sa Tactical Department. Samantalang si Katy ay pwedeng mag-apply muli ng pagiging nars sa ospital nila Devon. They've got places to go. While me? I don't know...yet. Like what I've thought, everything is still vague.

And for Devon? I still can't believe the table had turned completely. I spent my whole damn life planning the Don's death, but now we're living under the same roof. Hanggang sa ngayon ay wala pa kaming pinag-uusapan sa nangyare bago ang pagkuha sa akin ng Dark Clan. Sa tingin ko ay may panahon para roon at maaaring ganon rin ang kanyang iniisip. Some things were better left unsaid. I'm not ready with my answer, anyway. I'm still shook of every words he said to me until now.

Lumabas ako sa aking silid upang maghanap ng makakakin nang makasalubong ko ang isa sa mga kasambahay. "Anong oras umalis si Devon?" tanong ko.

"Ang pagkakaalam ko po ay nasa kanyang opisina nito sa taas, Ma'am Aurora," aniya na pinagtaka ko. Hindi ko alam na hindi pala ito umalis. Madalas ay inaasikaso niya ang kanilang negosyo.

Tinahak ko ang daan patungo sa kanyang opisina sa mansyon. Pagkatapat ko sa pinto ay walang seremonyas ko itong binuksan. Nagulat ako ng pagkapasok ko ay hindi lamang siya ang naroon. All their eyes darted to me and everyone fell silent.

Lahat sila ay napatingin sa akin. They are all gathered around the long table like they're having a meeting. Si Devon ay nasa dulong bahagi at may hawak na mga papeles. Nakatingin din ito sa akin ng may pagtataka sa aking biglaang pagsulpot, ngunit kanya ding ibinalik ang atensyon sa hawak. Bukod kila Aspen at April ay wala na akong nakilala sa kanilang kasamahan.

I've decided to just leave this place because of the awkward silence when the door behind me burst open again. Napaharap ako sa pinsan ni Devon at kakambal ni Aspen na si Ashton. With his platinum blonde hair, he flashed a boyish smile when he saw me.

"Hey, Aurora!" bati niya sa akin. "Kasama ka rin ba sa meeting?"

Bago pa ako makasagot ay hinila niya na ako patungo sa lamesa. Pinaupo niya ako sa upuan na saktong katapat ng kay Devon at tumabi sa akin. Lahat sila ay nakamasid lamang, except him. Their Don seems to be too busy reading the files in front of him.

Someone from their group made fake coughs and decided to spoke, "Sa palagay ko ay mas nararapat kung wala siya rito." And of course, he was referring to me. Isa pang babae ang nagsalita.

"Hindi ko alam na dito pala siya namamalagi. Hanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kinailangan itong iligtas. She's a traitor."

Humalukipkip ako at pinadaanan silang lahat ng malamig na titig. Most of them just looked away. I'm not that dumb to notice that they don't like my presence inside the mafia's premises. Kung hindi lang siguro sa kanilang pinuno ay kanina pa kami rito nagpapatayan.

Pretty but DeadlyWhere stories live. Discover now