Chapter 49: Ugly Truths

4.5K 186 65
                                    

Note: I was long gone again. I ended the semester first bc I want my focus solely on acads. But, here's a jam-packed chapter to compensate for the long wait. Thank you for not giving up on this story. And for the last two chapters, I'm dedicating it to my two favorite writers of action stories. :)

Comment down your lovely thoughts about the coming end of PBD. Happy Reading! ;)

***

Mainit. Ang init na marahang humahaplos sa aking balat ay siyang nagpamulat ng aking mga mata. Hindi ako nakaramdam ng gulat ng makita ang malawakang apoy na sumasayaw sa aking harapan. Madilim ngunit ang apoy ay siyang nagbigay liwanag sa lugar na kinatatayuan ko. Pinagmasdan ko ang paligid at sinundan ng tingin kung saan ito nagtatapos hanggang ako ay napalingon sa aking likod.

I held my gasp when I saw a man standing behind me with his head bowed down. Mabilis akong napaikot paharap sa kanya at naging alerto. Ngunit nawala ito ng parang bula ng tuluyan na itong nag-angat ng tingin.

"Devon," I whispered under my breath. His lips curved into a smile like he heard me. I don't know, but I smiled back at him.

Dalawang hakbang lamang ang iginawad nito upang makalapit sa akin. He lifted his hand and touched the side of my face, cupping my cheek. I close my eyes as I felt his thumb stroking it slowly, making me feel drowsy. It's like we didn't mind the wild fire surrounding us and its heat kissing our skin gently. We didn't mind at all.

I open my eyes and look directly at his. Ang dami kong nais na itanong kung anong nangyare, ngunit walang lumalabas na salita sa aking bibig. Pawang sapat na ang ganito lamang. I never felt so safe right now while staring at him. Bakit ngayon ko lang napagtanto ang lahat? Bakit ngayon ko lamang ito napangalanan?

This moment of realization is making me feel like I'm floating. However, the bliss drastically dropped down when I caught a shadow emerged from the fire behind Devon, making it's way to us.

The dark figure stop completely on the fire, unbothered of getting burnt. Nanlaki ang aking mga mata ng dahan-dahan niyang inangat ang kanyang kamay na may hawak na baril. He pointed the gun directly at Devon's back. Kumalabog ng husto ang aking dibdib dahil sa kawalan ng kahandaan. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Devon na walang kamalay-malay sa nangyayare.

Halos isang segundo lamang ang naibigay sa akin upang kumilos habang pinagmasdan ko ang paghila niya ng gatilyo. Hindi ko iyon sinayang. Agad kong hinila si Devon payakap sa akin at umikot para magkapalit kami ng pwesto. And, I heard the loudest and scariest bang of a gun that sent me into the void of darkness. I received the pain from the bullet and blood splashed out.

Then, I woke up.

I woke up gasping for air as beads of sweat run down my forehead. I could still hear the gunshot from that unknown man. Fuck. What kind of dream is that?

"Ano ang napaginipan mo? You look so scared."

Pagod akong nag-angat ng tingin sa nagsalita, ngunit pawang mas lalo akong nawalan ng lakas ng makita ang lalaking nasa aking panaginip lamang. Doon lang pumasok sa isip ko ang pagsuri sa kasalukuyan naming sitwasyon. Bumuhos lahat ng ala-ala bago kami napadpad dito. Si Max...Halos hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyareng katraydoran ni Max sa amin.

Saglit kong pinagmasdan si Devon. Magkaharap kami at parehong nakaupo sa isang bakal na upuan na mismong nakadikit sa sahig. Pareho ring may bakal na nakapalibot sa aming mga kamay at paa na siyang nakadikit sa mismong aming kinauupuan. Subalit ay meron pang makapal na lubid ang dagdag na nakapalibot sa kanyang katawan. Bukod doon ay makikita ang mga pasa at sugat nito sa kanyang braso sa labi.

Pretty but DeadlyWhere stories live. Discover now