Chapter 37: Dance With Him

4.5K 179 24
                                    

I’m looking at the mirror and this unknown woman keep staring back.

Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng nag-umpisa kaming tumira dito sa bahay ni Chris. Sa mga araw na iyon ay unti-unti na kaming nawalan ng pangamba sa biglang pagsulpot ni Devon kasama ng mga gwardiya niya. Everything seems to look normal. It feels normal, too. Living and sleeping peacefully in his house made us relax for awhile.

Totoong ginawa ni Chris ang pagdaragdag ng mga bodyguards sa labas at paligid ng kanyang bahay. Pinaalalahanan niya ang mga ito na hindi magpapasok ng ibang tao bukod sa amin lamang. Bagamat hindi na namin nasabi ang dahilan kung bakit kami nagtatago ay hindi na rin ito nagtanong muli. He just continued being hospitable to us without asking anything for return.

Sila Gazelle at Katy ay minsan lang kung lumabas upang makasiguradong walang makakatunton sa kanila. Samantalang ako lamang ang madalas kung umalis, lalo na nitong mga nakaraang araw. Abala ako sa pakikipag-usap kay Armand Sy at kanyang mga alagad. I was planning smoothly everything out and have to inject every orders clearly to them. Nais kong maging perpekto ang lahat sa aming gagawin.

“Kung masusunod lahat ng mga sinasabi mo ay tiyak na tayo ay magtatagumpay, Binibining Aurora,” ngisi ni Armand. Kahit na higit na mas matanda ito sa akin ay ako pa rin ang ginagalang nito.

“Kung walang tatanga-tanga sa mga taong ipapadala mo ay tiyak rin na hindi mababaling ang galit ko sa inyo,” malamig kong wika. Tumawa lamang ito bago sumagot.

“Makakaasa ka, Binibini,” aniya.

Lahat ay naipagdugtong-dugtong namin. Ang pagdiriwang na inaasikaso ni Chris ay siyang tinutoy ni Armand kaya’t napapadali ang lahat. Nakakuha kami ng blueprint ng gusaling paggaganapan at nakaayos na kung saan pipwesto ang mga tauhan ni Sy. Lahat sila ay kikilos sa mga utos ko lamang. We will surely destroy the occasion, but I don’t at least feel sorry about it. All I want is to execute all my plans properly.

Hindi ko halos makilala ang aking sarili habang patuloy pa ring pinagmamasdan ang mukha ko sa salamin. Ngayon na ang gabing aking pinakahihintay. Nagpadala si Chris ng mag-aayos sa amin kahit hindi namin sinabi o hiningi. Lahat ng mga damit, alahas at sapatos ay ibinigay niya. Also, since Chris followed my suggestion, the event theme is masquerade. My normal plan is that I’m only the one who’ll go to the event, but the two insisted. And, here we are now, looking fancy with our dresses.

“Ang ganda-ganda mo naman, Aurora,” ngiti ni Katy sa akin na hindi ko naman sinuklian o binalingan ng tingin lamang. The two were already done and now busy ogling at me while the hairdresser is doing my hair.

“I totally agree,” segunda ni Gazelle. “Aurora is always pretty without anything on, but right now you are extra gorgeous!” she exclaimed. She’s wearing a sleeveless plunging crepe gown in navy blue that has a sexy back. Katy had a off-the-shoulder peach cocktail dress that matches her short brown hair. They both look elegant.

“If you don’t want me to shoot your heads, shut your fucking mouths,” I told them with my blank face. They just giggled like it’s an empty threat.

“But,” sumeryoso ang tono ni Gazelle at nawala ang ngiti nito. “Are you sure you’re going to do this?” she asked deliberately. Nakatingin lamang ako sa salamin.

“I won’t waste my time on this event if I am not,” sagot ko. I’ve been waiting for this day and I have no plan of backing out.

“Pero base sa mga nagsasaksihan ko, mukhang wala naman itong planong masama laban sa iyo. Kung meron man ay dapat matagal niya na itong ginawa, diba? Kahit bago ka tumakas, kahit nong hawak ka pa ng org. Inalagaan ka pa rin nila. I don’t know, but I felt like they treated you differently back then. They were like giving all your favors to not make you mad,” mahabang pahayag niya at nagkibit-balikat. “Hindi ko alam kung dahil lang ba na ikaw ang pinakamagaling na hawak nila o may iba pang hindi natin alam,” makabuluhang dagdag niya. Maingat ang mga ginamit niyang salita dahil may iba pa kaming kasama sa silid na ito.

Pretty but DeadlyWhere stories live. Discover now